Callisto's POV
Para akong nabuhayan ng dugo nang makita si Larisse na nakahalukipkip na nakatingin sa akin pagtapos siyang ituro sa akin ng ale na kausap niya kanina.
Ang sama niya kung makatingin bagay na hindi ko inasahan. Kahit naglalakad palang siya papunta sa'kin at sinasalubong ko siya, alam na alam kong masama ang tingin niya sa'kin. I am not used of her making that face.
"Sigurado ka bang ako talaga ang hinahanap mo, Callisto?" seryosong tanong niya sabay tingin sa batang buhat ko, na ngayon ay tulog na sa balikat ko. Napahimas ako sa likod ng bata sa hindi ko maintindihan na dahilan.
"Pagtapos mo akong takasan kanina, ngayon hahanapin mo 'ko?" Pagsusungit niya ulit na hindi ako tinitignan sa mata. Mas madali ko sanang malalaman kung totoong galit ba siya sa akin nang walang sabi akong umalis kanina o ginu-good s**t lang nito.
"O, bakit mo 'ko hinahanap? Tsaka sino 'yang batang 'yan? Anak mo?"
Nakahinga ako nang maluwag sa sunod-sunod niyang tanong. Now that I know that she's back from being her old nosy self.
"Anak? Ni wala nga akong girlfriend sasabihin mong may anak na 'ko..." pabulong kong sabi na duda kong narinig niya.
"Ha? Ano ulit 'yon? Lakasan mo naman."
Ngayon siguradong sigurado na ako na si Larisse nga ito. Usisera.
"Wala. So tinarayan mo ko kanina?"
"Ha? Joke lang 'yon." aniya sabay tawa at takip sa bibig na animo'y nahiya talaga.
"Ikaw naman kasi bigla kang nawala. Pero naisip ko, sino ba 'ko para hintayin mo..."
Our eyes met. Nakaramdam ako ng ibang lamig sa huling salitang sinabi niya. As if those words imply another meaning.
Hindi ko alam ang isasagot ko.
"Buti alam mo." Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. Bagay na dahilan ng pag ngiti niya. Ang weird talaga ng babaeng 'to.
"I know. So sino nga 'yang batang 'yan? Awww ang cuuute. Tulog na tulog. Para kayong magtatay." aniya saka himas sa likod ng bata.
"Hindi ko din kilala. Bigla nalang sumulpot ang batang 'to bago pa ako makapag-relax nang tuluyan. Pwede bang tulungan mo akong hanapin ang magulang ng batang 'to?"
Para siyang nagulat sa sinabi ko. Inisip ko pang mabuti kung alin do'n ang kinagulat niya.
The next thing happened was she put her hand on my forehead as if checking the temperature of it.
"Normal naman. Hindi ka naman mainit. Kala ko nilalagnat ka e. Seryoso bang nagpapatulong ka sa'kin?"
"Ikaw lang naman ang kilala ko dito. So, tutulungan mo ba ako o hindi?"
"Okaaay! Let's gooo! Hindi naman tayo siguro mahihirapan sa paghahanap sa magulang ng cute na batang 'yan dahil I'm sure na hinahanap din siya ng mama niya."
Nagsimula na kaming umabante. Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi niya.
"How sure are you? Hindi mo ba naisip na pwedeng gusto rin ito ng magulang ng bata? Hindi mo ba naisip ang posibilidad na bakit mawawala ang walang muwang na tatlong taong gulang sa malawak na bukirin ng ganitong oras?"
"What do you mean, Callisto? So sinasabi mo bang sinadyang iwan ang cute na batang ito sa bukirin?"
"Who knows. What I'm trying to say is, huwag kang magpakasiguro na hinahanap din siya ng magulang niya. Marahas ang mundo Larisse. Totoo ang mga magulang na napapanood mo sa mga pelikula na inaabandona ang mga anak nila."
Natigilan siya sa sinabi ko.
"At some point, gusto ko pa ring maniwala na mayroon pa din namang mabubuting tao kahit na sabi mo nga, mabangis ang mundo..."
Mukhang hindi pa siya tapos kaya naman ay hindi ko muna pinatulan ang sinabi niya.
"Alam mo, I met a friend, we're not that close but everytime I look at him, he looks like a lost child. Mukha siyang naliligaw na bata na hindi alam kung saan pupunta. Sinong hihingan ng tulong. Ano'ng sunod na gagawin. I could literally say that he is lost and crying for help but afraid to let people see. Sorry nalang siya, I can see it through."
Hindi ako sumagot. Hindi ko lang alam ang sasabihin ko at wala din akong pakialam sa kaibigan niyang hindi ko naman kilala.
"Mukhang napapagod ka na, gusto mo maupo muna at makipag chikahan sa'kin?"
"Ayoko." Mabilis kong sagot pero tinuro niya pa rin ang mahabang upuan saka ako tinutulak ng mahina papunta doon.
"Mamaya na natin sila hanapin. Pakabahin muna natin sila. Tsaka tulog na tulog pa siya. Mamaya na natin isoli."
Wala akong nagawa kundi maupo sa mahabang upuang yari sa kahoy.
"Alam mo, minsan iniisip ko, parang ang sarap ding maligaw 'no?"
"Tsk! Seryoso ka ba? Ano'ng masarap do'n, e naliligaw ka na nga."
"As I expected, hindi mo ako maiintindihan."
Tumingin siya sa kalangitan saka sumunod ako na tingnan din 'yon.
"Ang sarap lang maligaw kasi kahit alam mong nawawala ka at hindi mo alam ang pupuntahan, natututo kang humingi ng tulong sa kapwa mo. Alam mong hindi ka mag-iisa at kahit ayaw mo pa ang ideya na humingi ng tulong sa iba, gagawin mo. Parang ang batang kalong mo. He found you. Minsan hindi naman kasi masamang humingi ng tulong pag di mo na kaya. Pag pakiramdam mong nawawala ka na. Mayroon at mayroong tutulong sa'yo para makabalik ka kung saan ka dapat. What do you think, Callisto? Minsan ba naligaw ka na rin not physically but emotionally lost and mentally lost..."
"At bakit ko naman sasabihin sa'yo?"
"Malay mo matulungan kita... Malay mo lang naman."
"Bakit ikaw? Naligaw ka na ba?"
"Maraming beses na. Palagi akong naliligaw. But salamat sa Diyos at palagi din akong nakakabalik kung saan ako dapat. Tamang tao lang talaga ang lapitan pag nawawala, Callisto. Malay mo ako na 'yong tamang tao, tapos tinatanggihan mo pa. Haaays sayang naman ako diba?"
Tumawa siya nang malakas sa lumabas sa bibig niya. Hindi ko alam kung bakit dinedma ko iyon.
"Kung ano ano na naman ang sinasabi ko. Pasensya ka na ha, halika na, hanapin na natin ang magulang ng batang 'yan." aniya sabay tayo.
"Larisse..." tawag ko sa pangalan niya na kinahinto niya.
"What if hindi siya tanggapin ng magulang niya. Pano pag itanggi nila ang batang 'to? Handa ka ba sa pwedeng mangyari, Larisse?"
Nag-iba ang aura ng mukha niya. Mukhang nag-aalala na hindi maintindihan.
"Edi akin nalang siya." baliwala niyang sabi saka ngumiti ng malapad.
Animo'y napakadali lang ng problema. Maaaring madali para sa kukupkop ang sitwasyon. Akala nila ganon lang. Madaling sabihin na pupunuin ang batang ito ng pagmamahal. But this child will ask someday, for sure, kung bakit siya iniwan? Anong mali sa kaniya? Anong kasalanan niya? Hindi ba siya mahal? Maaaring walang sakit na maidudulot ang tatanggap sa batang ito, pero para sa batang ito, hindi iyon kadaling tanggapin. Hindi iyon katanggap-tanggap. There's no valid reason to justify this.
"Bubusugin ko siya ng pagmamahal." aniya saka himas sa likod ng bata.
"Sa tingin mo ba iyon ang kailangan niya?"
"Iyon naman ang kailangan ng lahat..."
Hindi na ako nagsalita pa. Mukhang handang-handa na naman siyang makipagtalo.
Dumirecho kami ni Larisse sa Lost and Found sa Villa at ni-announce 'yon ng nagbabantay na staff doon.
"Paano mo nalamang Clark ang pangalan niya?" tanong ni Larisse pagtapos na limang beses i-announce ng staff ang impormasyong kasama niya ang bata.
"Dahil sinabi niya sa'kin."
"Wow! That's nice. Pero sigurado ka bang hindi mo gustong makita ang mga magulang ng bata?"
"Para saan pa? I did my part. Thanks, anyway."
Naglalakad na kami ni Larisse palabas ng Villa kung saan namin hinatid si Clark.
Hanggang may mag-asawa kaming nakasalubong na nagmamadali. Sa hula ko iyon na ang magulang ng bata.
"Ang sarap ding mawala talaga ano? Ang sarap kasing malaman na may naghahanap at naghihintay sa'yo..." bulong ni Larisse.
"Basta Callisto, pag nawala ka, hahanapin kita. Pero pag nawala ako, huwag mo akong hahanapin." Dagdag pa niya.
Bakas ang lungkot sa sinabi ni Larisse. Pero wala ako sa mood na hulaan pa kung ano ang gusto niyang iparating.
"Okay, sabi mo e." Baliwala kong sagot.
Ang laki ng ngiting sinukli niya sa akin. Weird.
And that made me realize, that wehenever you are lost, it's not bad to seek for help... Not bad.