“Larissa!” tawag ng kung sino. Hindi ko man gustong gawin pero napahinto ako at sabay naming nilingon ang kung sinomang tumatawag na iyon.
“Manay!” Balik na tawag ni Larisse sa ale na kaninang nakita kong humingi ng tulong sa kaniya.
Ipagpapatuloy ko na sana ang lakad ko pabalik sa bungalow kung saan ako nag-stay nang hawakan ako ni Larisse sa damit ko para pigilan. Napalingon ako sa ginawa niya. Hindi ko naman nakikita ang expression niya dahil nakatalikod siya sa akin.
“Magandang gabi.” Bati sa akin ng ale, hindi ako kaagad nakasagot kaya tumango na lang ako. “May kasama ka pala.” sabi niya kay Larisse kahit binati na niya ako. Para bang paraan niya iyon para malaman kung sino ako nang hindi siya nagmumukhang nakikiusyoso.
“Ay, opo. Ito nga po pala si Callisto, manay.” Pagpapakilala niya sa akin sa ale. “Si Manay Josie nga pala. Siya ang namamahala sa mga kababaihan dito na gumagawa ng mga souvenir.”
Bakit ang hilig ng babaeng ito na magpaliwanag kahit hindi ko naman tinatanong?
“Good evening po.” Tipid kong sabi. Hindi ko na pinansin ang may katagalan niyang pagtitig na tila ba kinikilatis ako bago niya ako tuluyang nginitian.
“Salamat sa pagtulong mo kay Ka Dencio mo hah.” Nakangiting baling ng ale kay Larisse. “Mabilis natapos ang pagbibilad ng palay dahil sa iyo.”
“Maliit na bagay, manay!”
“Malaking bagay iyon para kay Ka Dencio. Salamat, anak.” Hindi matigil na pasalamat ng ale. “Oo nga pala, anong oras na at naririto ka pa. Kumain na ba kayo?”
“Hindi pa nga po e.” Walang hiya-hiyang sabi ni Larisse. “Pauwi pa lang po kami. Kakagaling lang namin sa Lost and found po, may bata na naman na naligaw at dinala namin siya doon,”
Bumaling siya sa akin. “Hindi lang kasi ito ang unang beses na may nalayo sa magulang na bata dito.” Paliwanag niya pa na para namang interesado ako.
“Ay, nakita ba naman ang mga kasama?” bakas sa mukha ang pag-aalala ni Manay Josie na akala mo ay kilala ang bata.
“Mukha pong nagkita na sila.” sambit ni Larisse habang lagpas ang tingin sa ale.
Doon ko lang din napansin ang tinitignan niya. 'Yong babae at lalaking nakasalubong namin kanina ay kasama na ngayon ang batang nawawala.
“Manong!” Malakas na tawag ng bata sabay turo sa akin ng madaanan nila kami.
Manong?! Bastos bibig nito ah! Mukha na ba akong matanda sa paningin ng batang ‘to?
“Pfft!” pigil na tawa ni Larisse.
“Mama!” tawag niya sa nanay niya. “Siya buhat Clark! Pagod na! Tenchu manong!”
Nagkatinginan ang mag-asawa sa sinabi ng bata.
“Ikaw ba ang nakakita sa anak namin?” tanong naman ng tatay.
“Yes po! Siya nga!” mabilis na sagot ni Larisse.
“Nako, Thank you so much! Thank you talaga!” grabeng pasasalamat ng nanay.
“I-It’s fine…” tanging nasabi ko.
“Hindi namin makakalimutan ang ginawa mo Mr…?”
“Callisto po. Callisto ang name niya.” sabat na naman ni Larisse sa tanong no'ng tatay.
“We are truly grateful for your kindness, Callisto.” Maya maya pa ay may hinugot itong wallet sa bulsa ng pantalon na suot at may kinuha doon. Iniabot nito ang isang puting calling card. “Please accept this as a token of our gratitude. Please don’t hesitate to call us if you need some help.”
Alanganin kong inabot ang calling card. Isa pa lang surgeon ang tatay ng bata.
“Tenchu manong! Tenchu!”
Kita ko ang saya niya na makasama ang mga magulang niya Nawala ang bakas ng batang humahagulgol kanina lang.
“Hopefully, you will hold your child's hand tightly the next time so that he cannot get separated from you. Hindi lahat ng nawawala ay naibabalik.”
Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon. Huli na para bawiin pa.
“We will.” Magkasabay na sabi ng mag-asawa.
Muling nagpasalamat ang mag-asawa at saka tuluyan ng umalis. May kalayuan na sila pero dinig ko pa rin ang malakas na pag bye bye ng bata sa akin. Habang si Larisse naman ay kumakaway pabalik.
“Sabi ko na mabait ka e.”
I just sneer at what Larisse said.
Nakuha ang atensiyon namin sa eskandalosong tunog ng kumukulong tiyan ni Larisse.
“Hehe.” Nakangiti niya pang sabi.
“Ay hala! Tara sa bahay at nag luto ng sinantolang baboy si Tunying! Sa bahay na kayo kumain dalawa.” Biglang sabi ni manay Josie.
“A—I’m o—”
Tatanggi sana ako kaya lang malakas akong hinila ni Larisse at kinapitan sa braso.
“Sige po, manay!” Walang patumpiktumpik niyang sagot.
Nakakahiya. Ni hindi ko nga kilala ang ale at mas lalong hindi ko naman close si Larisse.
“Nakakahiya! Ano ka ba!” sabi ko kay Larisse na mahigpit ang pagkakakapit sa braso ko na akala mo close kami.
“Manay, nahihiya si Callisto!” Malakas na sabi niya kay Manay Josie na ikinalaki ng mata ko.
Walanjo talaga ‘tong babaeng ‘to! Mas lalo tuloy akong nahiya!
Narinig kong tumawa ang ale.
“Huwag kang mahiya, hijo. Isipin mo na lang na reward ninyo ito sa pagtulong sa batang iyon.”
“And if you refuse, nako, sinayang mo ang pagkakataon na matikman ang pinaka masarap na luto ng sinantolang baboy!” pagbibida pa niya. “Saka dapat hindi ka tumatanggi sa grasya. Hindi lahat nabibigyan.”
Nailing na lang ako na tumingin sa kaniya. Ni hindi ko nga alam kung anong putahe ‘yang sinasabi niya. Nagpatianod na lang ako nang tuluyan niya akong hilahin para sumunod kay Manay Josie.
Natigil ako sa pagsubo ng kutsara nang mapansin ko na nakatingin at nag-aabang sa gagawin ko ang mga taong kasama ko sa lamesa.
“Hay! Ano ba naman kayo!” saway ni Manay sa mga ito bitbit ang isang pitsel ng tubig. “Paano makakakain ng maayos niyan si Callisto kung tititigan ninyo ng ganiyan?”
Hindi ko tuloy naisubo ang kakainin ko dahil sa pagkailang.
“Pasensiya ka na sa amin Callisto ha. Sige na, kumain ka na.” Udyok pa sa akin ng asawa ni Manay Josie na si Ka Tunying base sa pagpapakilala sa akin kanina ni Larisse.
Napatango na lang ako bago dinampot ulit ang kutsarang may lamang sinantolang baboy na sinasabi ni Larisse.
Natigil ako sa pag nguya nang matikaman ko ang putahe.
Damn! This taste good! Hindi ko alam kung paano kong maididiscribe ang pagkaing ito pero naghahalo ang tamis na mula sa gata at asim ng santol pero hindi maasim na masakit sa lalamunan. There is something in this dish that is so comforting.
“I know right?” biglang singit ni Larisse na kumakain sa tabi ko. “Sarap ‘di ba?”
Tumango tango ako bilang pag-sangayon. Hindi ko iyon maitatanggi.
“Kamusta ang lasa, Callisto?” Nakangiting tanong ni Manoy Tunying
“Masarap po!” may katotohanan kong sagot. “Ngayon lang po ako nakatikim ng ganito. Pwede pa lang ulamin ang santol.”
“Mabuti naman at nagustuhan mo kahit bago sa iyong panlasa.” sabi naman ni Manay Josie. “Sige, kumain ka lang ng kumain. Huwag kang mahiya at bisita ka dito.”
“Salamat po.” sabi ko naman.
“Galing ka kamo sa Maynila?” tanong ni Ka Tunying.
Tumango ako. Nasabi ko kanina iyon ng magsimula silang magtanong. Kahit wala akong plano na sagutin ay iyon ang nangyari para hindi naman nila maisip na rude ako matapos nila akong buong loob na tinanggap sa pamamahay nila. Hindi ko alam kung normal lang ba sa mga ito na magpapasok ng mga taong hindi naman nila lubos na kilala o baka nagtiwala sila sa akin dahil kasama ko si Larisse.
“Nandito ka ba para magbaksyon?” patuloy niya.
“Parang gano’n na nga po.” Sabay subo ko.
Palihim akong tumingin kay Larisse na nakatingin naman sa akin at parang naghihintay din sa mga isasagot ko. Wala nga pala siyang alam na kahit ano tungkol sa akin bukod sa pangalan. Hindi ko din naman pwedeng sabihin sa kanila ang totoong rason kung bakit ako nandidito. Hindi din naman sinabi ni Larisse sa mga ito na nagkita kami sa ospital. Basta ipinakilala lang akong kaibigan niya. Kaibigan pa talagga samantalang magkakilala lang kami sa pangalan.
“Tama ang desisyon mo na dito magbakasyon! Napakaganda ng lugar na ito lalo na ang mga falls. Nako po! Baka hindi ka na umalis pagkatapos!” Pagbibida ng matandang lalaki.
Kung gano’n may falls pala dito. Hindi ko pa din kasi naeexplore ang buong lugar.
“Saan ba natuloy si Callisto, Larissa?” tanong naman ni Manay Josie
“Ahm—”
“Diyan po sa may Villa na malapit. Nagrerent po ako doon.” Salo ko sa kaniya. Panigurado din kasi na hindi niya alam dahil hindi ko naman sinagot ang tanong niya sa akin kanina kung saan ako nakatira ngayon.
“Malapit lang naman pala. Maganda ang mga falls dito. Itong asawa ko, tour guide siya ng mga turistang nagpupunta dito. Kung gusto mo, sumama ka sa kaniya kapag may tour siya para mapuntahan mo din.”
“Sige po.” sagot ko naman. Pero wala akong planong sumama. Pwede ko naman i-explore iyon ng mag-isa.
“O siya, kain lang ng kain. Pasensiya ka na at madami kaming tanong. Ngayon lang kasi nagpakilala ng kaibigang lalaki itong si Larissa. Curious lang kami.”
Tumingin naman ako kay Larisse na nginitian lang ang mga kaharap.
“Kuya, artista ka ba?” tanong ni Jetro na bunsong anak ni Manay Josie. 9 years old.
“Hindi.” Sagot ko.
“Model?” segundang tanong naman ni Merriam. Ang teenager na anak din ng mag-asawa.
“Hindi din.”
Bakit ang daming version ni Larisse dito?
“Kuya Callisto, ayaw mo bang mag-artista?” tanong sa akin ni Merriam. “Ang gwapo mo eh. Sayang naman.”
“Oo nga, sama kami sa mga taping! Gusto ko makapunta sa maynila!” sang-ayon ni Jetro
“Ang gwapo mo talga e.” ulit ni Marriam.
Nginitian ko lang siya. Hindi ko alam kung mafaflatter ako o ewan. Nakakahiya naman kung sasang-ayunan ko ang sinabi niya.
“Push! Ako magiging manager mo.” Sakay naman ni Larisse sa sinabi ng dalawa sabay tawa.
Mukhang nag-e-enjoy siya sa walang katapusang tanong sa akin dahil sinasagot ko iyon.
“Wala akong talent sa pag acting.” Dahilan ko na lang.
“Paturo ka kay ate Larissa. Siya nagturo sa akin noong may play kami sa school.”
Sa nakikita ko parang takbuhan ng bayan itong si Larisse. Hindi na ako magtataka.
Tumawa ulit si Larisse. “Mas magaling pa nga sa akin ‘yan e. Pang action star ang galawan.” Ani ni Larisse na ginaya pa ang ginawa ko sa mga itlog na nakaaway namin.
“Kuya Callisto,” tawag sa akin ni Merriam.
“Hmm?”
“Crush na kita.”
Nasamid ako ng wala sa oras sa sinabi nito kasabay ng malakas na tawa ni Larisse. Sunod sunod na ubo ang inilabas ko. Inabutan naman ako ni Larisse ng isang baso ng tubig na ininom ko kaagad habang hinhimas niya ang likod ko.
“Ano? Okay ka lang?” may ngiti sa labi niyang tanong.
“Susmaryosep kang bata ka!” react ni Manay Josie. “Huwag mo ngang binibigla ng ganiyan ang bisita natin.”
“Si mamay naman, crush lang naman. Okay lang naman magka crush ‘di ba ate Larisse?” naghanap pa ng kakampi.
“Ang bata bata mo pa!” reklamo ng nanay niya.
“Hmm?” kunwari ay nag-isip pa si Larisse.
“Hindi pa naman ako mag-aasawa mamay. Magtatapos muna ako ng pag-aaral saka magtatrabaho.” Paliwanag pa ni Merriam. “Mahihintay mo ba ako ng gano’n katagal kuya Callisto?”
Tawa ng tawa si Larisse at si Ka Tunying habang ako naman ay hindi malaman kung sasabayan sila sa pagtawa. Mas pinili ko na lang ngumiti kahit alanganin iyon.
“Tumigil ka na dyan na bata ka. Baka hindi matunawan itong si Callisto sa mga sinasabi mo.” Sita ni Manay Josie sa anak. “Hala, at kumain ka pa Callisto. Huwag mo pansinin ang mga sinasabi ng batang ito.”
Ngumuso lang ang dalagita na inikatawa nila Larisse.
“Kumain ka ng marami nang mabilis kang lumaki.” Pang-aasar pa ng tatay ni Merriam na ikinatawa ni Larisse.
“Lakas ng karisma mo ah. Pati bata na-po-fall sa’yo.” Pang-aasar ni Larisse “Si Merriam pa lang nakakakilala sa’yo niyan ah, paano pa kaya kung pati yung ibang kadalagahan dito?”
“Hindi na muna ako lalabas ng bahay.”
Ang lakas ng tawa ni Larisse sa sinabi ko. Pagkatapos naming kumain at namahinga sandali ay hinayaan na kaming umuwi ng mag-asawa. Kaya ngayon ay binabaybay na namin ang daan pabalik sa Villa.
“Malay mo naman dito mo mahanap ang love of your life.”
“Love of your life, my ass.” Bulong ko.
“Teka nga lang, single ka ba?” ngayon niya lang naisip tanungin.
“Hindi na kapag may pumikot sa akin dito,”
Humagikgik siya sa sinabi ko.
“Kasalanan mo kapag napikot ako dito. Nanahimik sana ako ngayon sa bahay ko kung hindi mo ako hinila kung saan.”
“Bakit? Kung di kita hinila kung saan eh di hindi mo sana natikman ang pinaka masarap na pagkain na matitikman mo.”
“Well, that’s the only good thing about that.”
“Ano?” tanong niya sa akin.
“Anong Ano?” naguguluhan kong sabi.
“May kulang e, hindi ko marinig. Ano nga ulit?”
Natigilan ako sandali nang makuha ko ang sinasabi niya.
“You’re welcome, Callisto!” sabi niya bago ko pa masabi ang ‘thank you’.
Such a weird woman. Ang daldal pa. Gusto ko ng makabalik kaagad sa tinutuluyan ko para magkaroon ng katahimikan.
Ilang hakbang na lang kami sa tinutuluyan ko nang mapansin ko na nakasunod pa rin siya sa akin.
“Bakit mo ako sinusundan? Gusto mo din ba malaman kung gaano kalakas ang karisma ko na sinasabi mo?”
“Hah?” takang tanong niya. “Bakit naman kita susundan? Hindi kita type 'no. Ayoko sa mga rugged,”
Wow ha.
“Sige na. Nandito na ang bahay ko.”
Sabay turo niya sa bungalow na katabi ng akin.
What?!