Chapter 11 | RIOT

2141 Words
"GOOD MORNING CALLISTO!!" Kaagad akong napasimangot nang marinig ko ang malakas na pagbati na iyon. Damn it. Kapag minamalas ka nga naman. Sa dami ng taong magiging kapitbahay ko, itong babae pa talaga na 'to. "Callisto! Good morning!" ulit niya pa nang hindi ko siya sagutin Para siyang kulit na tinubuan ng tao. Tango lang ang naging sagot ko sa kaniya. "May lakad ka? Saan punta mo?" "D’yan lang." "Saan yung d’yan lang?" Jusko po. Bakit ko naisip na makokontento siya sa gano’ng sagot? "Sa lugar na tahimik at wala ka." "Sa panaginip mo? Eh gising ka na e." Kunwari ay natawa ako sa joke niya. Maaga akong nagising ngayon para sana maglakad lakad at makita ang buong lugar. O kaya ay pupuntahan ko ang sinasabi nilang falls. Naglakad ako palabas ng villa. Sumunod naman si Larisse. "Did you have your breakfast? Aga mong magising ah. Mag six pa lang o. Tara, sama ka sa'kin, kain tayo." "No thanks. I'm good." Tipid kong sagot. Hindi din naman ako nag-aalmusal sa umaga. Bakit hindi makaramdam 'tong babaeng 'to na ayaw ko siyang kasama? "Huwag ka ng mahiya!" Natatawa pa nitong sabi sabay bunggo ng braso niya sa braso ko. "Para ka namang others. Friends na tayo 'di ba?" Kumunot ang noo ko. "Says who?" "Me, of course! Kung hihintayin ko pa approval mo, baka mamuti na ang mata ko." Sinundot-sundot ko ang tenga ko. Ang lakas naman ng boses ng babaeng ito. Parang ang layo layo ko sa kaniya kung makipagusap samantalang magkatabi lang naman kaming dalawa. Akala mo may mega phone. “Could you tone your voice down?” Ang lapit-lapit lang natin sa isa't-isa o." "Ang layo mo kaya. Ayaw mo ngang lumapit sa akin e." Double meaning niyang sabi. "So, you knew huh. Bakit sige pa rin ang lapit mo?" Natigil ako sa paglakad nang bigla siyang humarang sa dadaanan ko. "Kung hindi ako ang mag-aabot ng kamay sa'yo, I doubt ikaw ang gagawa niyon." sabi niya habang diretsong nakatitig sa akin sa mga mata. Hindi ko alam pero hindi ko magawang labanan ang mga tigtig niyang iyon. Para bang may kung anong hinuhugot iyon sa akin kaya imbis makipagtitigan sa kaniya ay iniwasan ko iyon at nilagpasan siya saka mabilis na naglakad. "Do I have to?" Sabi ko. Sumunod naman siya kaagad at sumabay sa bilis ng lakad ko. "Sometimes." "Callisto!" Matinis na boses ang tumawag sa pangalan ko. Nang tignan ko iyon sumalubong sa akin ang malaking ngiti ni Merriam. "Isang gabi lang lumipas, nag level up kaagad feelings sa'yo ni Merriam ah. From kuya Callisto to Callisto na lang." Panunukso pa sa akin ni Larisse Damn it. That's not funny. Baka mapagkamalan pa akong pedo nito. Excited siyang tumatakbong lumapit sa akin at mabilis na sumingit sa pagitan namin ni Larisse at pumulupot sa braso ko. “Hello Callisto!” malakas niyang bati. Nakuha tuloy namin ang atensiyon ng mga taong nandidito at nagsimulang maghabaan ang leeg ng mga tao para tignan ang nangyayari. Shit. Huli na para makaiwas pa ako dahil lumapit na sa akin si Manay Josie. "Callisto, magandang umaga." Bati niya sa akin. "Magandang umaga din po." "O, tamang tama at nandidito ka." Singit naman ni Manoy Tunying mula sa likuran ko. "Magandang umaga po." Bati ko. "Magandang umaga din. Mabuti at maaga kang nag punta dito. May mga turista akong ito-tour..." tumingin siya sa relo niya sa kamay. "Maya maya. Halika at sumama ka na." "A-e--" "Iyan po talaga ang ipinunta ni Callisto dito." Nakangiting singit ni Larisse What the-- wala akong planong sumama ano! "Ay, mabuti kung gano'n. Ipakikita ko sa iyo ang natatagong ganda ng sitio Mapayapa! Dadalhin kita hanggang sa infinity falls!" Proud na proud na sabi ni Manoy Tunying "Sama ako, papay!" sabi naman ni Merriam. "Samahan kita Callisto para hindi ka ma-bored." "Ano namang gagawin mo para hindi ma-bored si Callisto?" tanong ni Larisse. "Kakantahan ko siya." Pagbibida ni Merriam. "Jusko po!" Bulalas ni Manay Josie. “Maawa ka sa tenga ni Callisto." "Si Mamay walang ka support-support sa talent ko." Reklamo pa niya "Magtigil ka dyan Merriam. May klase ka pa mamaya. Iyon ang atupagin mo." Kontra naman ni Manay Josie. Sumimangot naman si Merriam. "Ikaw, Larissa, gusto mo bang sumama?" Alok ni manoy Tunying kay Larisse "Ay, hindi na po, manoy! Tulungan ko na lang si Manay dito." Tanggi niya naman. "Manay Josie, sino 'yang gwapong kasama ninyo?" Malakas na tanong ng babaeng nasa isang maliit na kubo na may mga nakasabit na iba't ibang hand-made na sumbrero. "Oo nga, manay, pakilala mo naman kami!" Undyok pa ng nasa isa pang kubo na may mga pagkaing pwedeng pampasalubong. "Ah, mga kabaryo!" Malakas na sabi ni manay Josie. "Ito nga pala si Callisto, kaibigan ni Larissa." Pakilala niya sa akin tapos iniharap pa ako sa kanila. "Kaibigan lang?" Malakas na tanong naman ng isang binata doon. "Sa gandang lalaki niyan, kinakaibigan lang?" Dagdag ng isa pang lalaking may edad na. Malakas na tukso naman ang inabot namin ni Larisse. Nang tignan ko siya ay Nakita ko ang pamumula ng mukha niya. Maputi kasi kaya halata. "Kaibigan nga lang daw!" Pairap na sagot ni Merriam. "Pwede 'yon." "Sus!" Di naniniwala na sigaw ng isang babae may hawak ng bilao. Hays! Bakit napaka usyoso ng mga tao dito? "Totoo po 'yon manay Biday. Kaibigan ko lang po si Callisto. Hindi niya ako type e." Nanlaki ang mata kong tumingin kay Larisse dahil sa sinabi niya. Iba ‘yon sa pagkakatanda kong sinabi niya kagabi. At bakit pakiramdam ko na friendzone ako ng wala sa oras? "Single pala 'yang si Callisto!" Tili ng isang babaeng tingin ko ay kaedaran ni Larisse. "Madami ding single dito sa sitio!" Nagkasalubong ang tingin namin ni Larisse. Palihim ko siyang pinandilatan ng makita ko sa kaniya ang nanunuksong mata. Umiling pa siya na parang sinasabing hindi siya ang may kasalanan. "O ayan na pala yung mga bisita!" Masayang imporma sa amin ni Manoy. "Sige na Callisto," sabay tulak sa akin ni Larisse palapit kay Manoy Tunying. "Ingat! Enjoy!" Nakuha niya pa talagang magba-bye. Bumuntong hininga ako. Wala na akong magagawa lalo na at niyaya ako ng maayos. "Ayos na po ba itong suot ko? Kailangan ko po bang magpalit?" Tanong ko kay manoy dahil ang suot ko ay rubber shoes, 3/4 na short at black t-shirt. "Ayos na iyan. Ang mahalaga naka ganiyan kang sapatos. Malayo layo at mabato ang pupuntahan natin." Tumango ako sa sinabi niya. "Callisto!" Tawag na naman ni Merriam sa akin saka lumapit at may dalang bag. "Ito yung lunch ninyo ni papay. Tinulungan ko si mamay magluto niyan." "A, thank you." Sagot ko. "Ingat ka." Nagulat pa ako nang bigla niya akong yakapin. "Aray! Ouch!" Daing niya ng hilahin siya ni manay sa tenga para bumitaw ng yakap sa akin. "Yakap lang naman. Si mamay o!" Reklamo niya pagkatapos. "Naku! Pasensiya ka na talaga sa batang ito Callisto ha." Todo hingi ng paumanhin sa akin si manay. "Naku! Mahiya ka ngang bata ka! Kababae mong tao, ganiyan ka umasta." "Okay lang po." Tangi kong nasabi. "See? Okay lang daw mamay," sabi pa ni Merriam. "payakap nga ulit--" "'Okay lang' means 'isang beses lang at huwag mo na ulit uulitin'" bigla singit ng morenong binata sa likuran ko. "Hi, Juls!" Bati ni Larisse dito ng tumabi ito sa kanila. "Hello, ate." Nakangiti nitong sagot kay Larisse "May epal na naman." Pairap na sabi ni Merriam “Bakit ka nandito?” “Bakit, bawal ba?” “Tse!” mataray na sabi ni Merriam sa binata. "Mukha namang hindi siya pumapatol sa mas bata sa kaniya." Dagdag pa nito na masamang nakatingin sa akin. What? What the hell is his problem? Ah. I see... Mukhang gusto ng Juls na 'to si Merriam and he's jealous of me. "Halika na, Callisto." Yaya sa akin ni manoy Tunying ng mapagtipon-tipon na niya ang mga turista. Mga nasa sampu din ang kasama namin. Karamihan ay mga ibang lahi. "Bye Callisto!" Pahabol pa ni Merriam. Nag-flying kiss pa. Nang sulyapan ko si Larisse ay nakatulala lang siya at lagpas ang tingin sa amin. Sa simula ng aming paglalakad ay ang una naming nadaanan ay ‘yong trail na ginawa ng tao. Pagkatapos ng halos sampung minuto ay narating na namin ang entrada ng falls number 1. Maliliit at mababaw lang na falls na ang tubig ay umaagos sa isang linya. Ang talsik ng may di kataasang mga falls ay nagbibigay ng payapang tunog sa buong paligid. "Please be cautious from here because the rocks are steep and slick." sabi sa amin ni Manoy Tunying nang magpatuloy na kami ng lakad papunta sa pangalawang falls. Tumawid kami sa hanggang tuhod na umaagos na batis at tumulay sa pinagdikit-dikit na kawayan. Mas mataas naman kumpara sa nauna ang sumunod na fall. Medyo tumatagal lang kami dahil sa mga pagkuha ng picture. Well I can’t blame them. It's just too lovely to pass up the opportunity to capture it in a photograph. Hindi ko iyon magawa dahil iniwanan ko ang phone ko sa bahay. Sumunod naman ay nag treck naman kami sa ilang tulay na may kahabaan na gawa naman sa mga putol na sanga ng puno. Dumaan din kami sa may mga malalaking bato pati na sa maliit at makitid na tulay na gawa sa kawayan. Wala na kaming sinayang na oras at pagkatapos mag-picture-an ay pinuntahan na namin ang iba pang falls. May pagkakataong kinailangan naming kumapit sa lubid para sa lang hindi mahulog sa ibang matatarik na bato. Hanggang sa marating namin ang pinaka huling falls. “Wow…” hindi ko maiwasan na bulalas. "Ito ang falls number 8 o mas kilala sa tawag na infinity falls dahil sa hugis eight niyang sapa. Ito ang pinaka sikat na falls dito sa amin dahil bukod sa dalawang matataas nitong falls ay ito ang pinakamalalim.” "Wow!" Bulalas ng mga taong kasama namin. "Holly majestic falls!" Sabi pa ng isang kano. Napakaganda nga naman. Mataas ang dalawang falls na may malakas na umaagos na tubig mula sa itaas at bumabagsak sa malinaw na kulay asul at hugis number eight na sapa dahil sa malaking dalawang bato. Napapalibutan ito ng nagtataasang puno. Para akong nasa isang setting ng fantasy movie. Hindi ko na namamalayan ang oras pero sa tingin ko ay habang papalapit kami dito kanina ay mas humahaba ang oras ng pag treck namin. Salamat sa mga man made na daanan na gawa sa kawayan kaya mas madaling marating ang bawat falls. Nagsilbi din itong guide namin sa daanan kaya hindi kami naligaw. “Here you can go swimming. Go to the falls if you want to feel like you're getting a massage.” Mabilis na ibinaba ng mga turista ang mga dala nilang bag pagkatapos iyong sabihin ni manoy Tunying. Sabay pa kaming natawa nang masayang tumalon ang mga banyaga sa tubig. “KUMUSTA ANG PAA MO? Sumakit ba?” tanong sa akin ni Manoy Tunying nang makababa kami sa kabahayan. Alas-kwatro na nang tuluyan kaming nakababa. Mukha namang nag-enjoy ang mga turista sa ganda ng lugar dahil puro pasasalamat ang natanggap namin nang ihatid namin sila sa mini barangay hall nila dito. “Sulit po ang pagod.” Hindi ko maitatangging sabi. “Gusto ko ulit bumalik.” I'm amazed I liked it so much. It is enjoyable to watch. This was a stunningly beautiful place. Kaya pala ganoon na lang kung ibida ito ni Manoy Tunying. “Oo nga. Sa susunod maligo ka na sa falls.” sabi niya na para bang sigurado siyang babalik ulit ako. “I will po.” wala kasi akong damit pamalit dahil wala din naman talaga akong balak sumama. Gusto ko lang naman masilip kanina. Well, madali lang naman pumunta dahil sa mga man-made trail. Anytime pwede akong pumunta ng mag-isa. “O dito naman yung iba! Bilisan ninyo ang kilos, boys!” sabi ng malakas na boses na lalaki na hindi namin makita kung kanino galing ang nakaagaw ng atensiyon namin ni Manoy Tunying. “Sino itong mga ito? Bakit bitbit nila ang mga talahib na pang gawa namin ng walis tambo?” takang tanong ni Manoy Tunying. Bigla akong binundol ng kaba nang makita ang nagkakagulong mga kalalakihan na may daladalang mga bundle ng kung anong gamo. “Aba’y teka, anong ginagawa ng mga ito?” nag-aalala din na tanong ni Manoy Tunying saka mabilis na naglakad palapit sa mga lalaki. Pati tuloy ako ay napasunod. “Bilis! Bilis!” ulit ng boses na sa tingin ko ay nasa pagitan ng mga nagkakasalubong na mga kalalakihang may bitbit ng kung anong d**o. “O! Boyet! Doon naman kayo! Wala kayong ititira!” pumapalakpak pa nitong utos. “Okay Boss!” Nagsalubong ang dalawa kong kilay nang makilala ko kung sinong taong kanina pa nangingibabaw ang boses at kaharap si Larisse na magkadaop ang palad. Bogs?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD