29. HAPPY AND CRAZY. MAGKA-holding hands na naglalakad sina Yanna at TJ pauwi. Ayaw na kasing bitawan ni TJ ang kamay niya. Para bang makakawala siya nang makakawala kapag binitawan, e. Jusme, ang kilig niya lang kanina pa. Gabi na nga sila nakauwi, e. Nag-celebrate kasi ang mga boys dahil sa sila na nga ni TJ. Syempre, naki-party rin ang girls. Nakakaloka nga at may celebration agad. Pero ‘yun pa bang mga ‘yon? Gusto lang naman talagang magsi-inom ng mga lokong ‘yon. Typical teenagers. “Bakit ang dilim?” nagtatakang tanong niya nang makitang walang kahit anumang ilaw ang parehong bahay nila ni TJ. Well, kila TJ, madalas namang gano’n dahil madalas umalis ang mama nito. Pero ang sa kanila? Bigla siyang kinabahan. Hindi naman nagpapatay ng ilaw si Ate Lulu—ang kasambahay nila—kapag ga

