35. OH, MY GOD. NAGTULOY si Yanna sa CR nang iwanan niya si TJ sa room nila. Nabubwisit na kasi siya kay TJ. Wala naman siyang ginagawang masama pero ayaw man lang siyang pansinin. Nag-stay siya sa loob ng isang cubicle. Ewan, pero mas pinili niyang doon magpalamig ng ulo. Wala kasing istorbo. Minutes later, napagdesisyunan na niyang lumabas. Kaso… “Lex!” Narinig niya ang boses ni Joice. Naiawang niya na actually ang pinto pero tumigil siya sa paglabas. Magulat nga ‘tong mga ‘to, mapaglarong naisip niya. Pero nakinig muna siya sa usapan ng mga ‘to. May itatanong daw si Joice kay Lexi. “Ano… nakakausap pa ba kayo ni Kuya about sa punishment niya kay Yanna?” tanong ni Joice kay Lexi. Biglang nagsalubong ang mga kilay niya. A-ano raw ulit ‘yon? P-punishment? Sa… kanya? Wa

