36. A AND B. INIWANAN na ni Yanna si Kesley o Keslo sa likod ng stage ng plaza. Hamo nga ‘to ro’n. Ka-stress lalo, puro pick-up ang alam. Naglakad siya para umuwi na sana. Pero napahinto siya sa tumambad sa harap niya. Si TJ… may kayakap na ibang babae? Ano’ng ibig sabihin nito??? “Hindi ako papayag. Hindi ako papayag na hiwalayan mo ako.” Parang halos sumabog ang puso ni Yanna sa narinig niya. Ano ‘to? May iba si TJ? Na habang sila ni TJ, may iba pa pala bukod sa kanya? Ito ba ‘yung taong gusto niyang bigyan ng isa pang chance? Ito ba? ‘Yung taong mahal niya, pero may mahal palang iba? Wow. He really did a great job at breaking her heart, huh. Sobrang parusa naman ata sa kanya ‘to? “Ayoko, puta. I’m sorry. I’m sorry, but I won’t ever let you g—“ “Kaya naman pala ang lak

