BRANDON POV.
Sumaludo ang babae sa hepe saka sya Ipinakilala.
"Miss A.
This is Montero your partner in mission ."
Anya hepe.
Humarap naman ito sa kanya saka nakipagtitigan ng walang emosyon, inilahad ang kanang kamay na kanya namang tinanggap.
"Nice to meet, Montero.
I hope will do the mission complete."
Anya sa kanya ng babae, na hindi pa binibitiwan ang kamay nito.
May nararamdaman syang kakaiba mula sa babae, ngunit masyadong matapang ang tindig nito para kayaning ilihim kung anuman ang itinatago nito..
"Nice to meet you too, Miss A."
Anya, habang ang hepe ay nakatingin lang sa kanilang dalawa.
"Ipapakilala muna kita sa kanila, Miss Hendas."
Agaw pansin na ng hepe saka nya ito binitawan.
Nagtuloy tuloy palabas ang mga ito saka sya sumunod..
Dito, nakatayo ang babai katabi ng hepe habang ipinakikilala sa kanila na ikinamamangha naman ng mga kasamahan, samantalang sya ay tulala parin dito na kung pwedi lang yakapin na nya ay kanina pa ginawa..
"Swerte mo, Montero ang ganda ng makakapareha mo pala."
Anya Lopez.
Itinuro pa dito kung saan ang magiging lamesa nya na sakto namang katabi pa ni Dela Cruz..
Nakita nyang lumapit pa rito ang mga kasamahan at kinakausap na ng mga ito, habang sya ay nanatili sa kinauupuan at hinalungkat ang laman ng files nito na kanina pa hawak..
Ayon dito ay wala pa itong asawa dahil apilyedo parin ang gamit at kung titingnan nya ang babae ay wala ngang bahid ng anuman dito, na inaasahan pang nag buntis.
Kailangan nyang malaman ang tungkol dito, at ngayong mag kasama na nga sila ulit ay pagkakataon na nya para makaganti na..
"Montero, halika!
Ayaw mo bang makilala pa ang magiging partner mo?"
Anya Lopez, at lumapit sya dito.
"Kilala ko na sya... "
Anya, na ikinataas ng kilay ng babae ang mga kasamahan naman ay bahagya pang tumawa.
"Saka baka gusto mo munang sumama samin mamayang gabi."
Anya pa ulit.
"Sorry, pero kailangan kong pag-aralan pa ang misyon natin."
Anang babai.
"Makakatulong mo naman ako kami, so don't need to be pressure.."
Anya.
"Oo nga Miss hendas, saka bago ka palang dito kaya dapat lang siguro na pakisamahan mo rin kami?"
Anya Dela Cruz.
"Oo nga naman Ms. Hendas."
"Umiinom kaba ng alak?"
"Saka kasama rin natin sila Ms. Varga at iba pa."
Suhestyon na ng lahat kaya sa wakas ay napapayag din ang bagong dating.
******
ARYANA'S POV.
Kinagabihan nga ay nasa tinutuloyan na sya at pumipili kung ano ang dapat isuot..
At habang nag aayos sa harap ng salamin ay bigla namang sumagi sa isip ang kaganapan kanina na muntikan pa nyang ikaatras, lalo pa ng magkaharap na sila at kamayan pa ito na sa totoo lang ay abot abot rin ang kanyang kaba..
At nang makauwi pa nga ay tinawagan ang nakatataas sa lungsod dahilan kung bakit wala man lang itong nabanggit kung sino ang makakapareha dito, pero imbis na sagutin ay tumawa pa ito ng malakas na sa palagay nya ay sinadya talaga na wag sabihin sa kanya..
Pagkatapos makapili ng isang fitted Jeans at isang sando na kulay puti at pinarisan lang ng jacket ay sinuot na ito, saka lumabas ng bahay.
Napili nya ang simpling subdivision na ito dahil bukod sa mura na ay tahimik pa.
Sumakay sya sa taxing naghihintay saka ibinigay ang address ng isang bar kung saan sila magkikita ng mga kasamahan.
Ilang minuto rin ang itinagal nila sa byahe bago narating ang lugar.
"Bayad po, salamat."
Anya, saka bumaba.
"Police ka, ija?"
Habol tanong sa kanya ng manong driver.
"Po?"
"Mukha ka kasing police, sorry ija."
Anang manong driver pa, saka ito umalis.
Nagtataka man ay binalewala nalang.
Nagtuloy sya sa loob at dito marami na ngang taong nag iinuman. Malayong malayo ang itsura ng lugar na ito kumpara sa inuman sa lungsod dahil dito karamihan ay mga lalaki at napakalawak ng lugar kung saan bukas pa lahat ng sulok kaya ramdam na ramdam ang simoy ng hangin.
Hinanap ang mga kasama at nasa dulo na nga ang mga ito..
"Dito sexy!"
Boses yun ni Dela Cruz kaya lumapit na sya at naupo sa tabi nito.
Nahagip rin ng mata ang lalaking naka leader jacket din na sa tantya nya ay kanina pa ito nakatingin sa kanya.
Bumulong naman sa kanya si Dela Cruz at sinasabing kailangan syang tawagin sa ibang palayaw para di mahalata ng ibang tao rito ang pagkakilanlan sa kanya..
"Sa susunod magsuot ka ng pambabai, hindi yung mas astig kapa saming mga kasama mo."
Biglang sabat ni Brandon, naka akbay pa ito kay Miss Varga.
"Iba rito sa probinsya Miss A.
Kaya kung anuman ang maipapayo namin sayo ay kailangan mo lang sundin."
Mahinang sabi pa ni Dela Cruz, na umakbay narin sa kanyang balikat at sakto rin ang paghuli nya sa titig ni brandon na inirapan sya.
Nakikita rin nyang bumubulong si Varga dito at minsanan pang nangingiti saka hahawak sa hita ng babae.
Nang bigla nyang maramdaman ang uhaw kaya tinungga ang laman ng baso..
"Nakikita mo yan sila? Magkasintahan na ang dalawang yan, ewan ba sa Montero na yan akala namin ay di nya papatusin si Miss Varga dahil sabi pa noon ay dipa nakakalimutan ang girlfriend nito."
Bulong ulit ni Dela Cruz.
"Ibig mong sabihin, bago lang sila?"
Anya naman sa lalaki na tumango rin..
Nagkakasayahan pa silang lahat habang panay ang bulong ni Dela Cruz sa kanya.
Habang ang Montero at Varga ay ganun din..
"Kaya pa?"
Anya Dela Cruz, na itinigil pa sa ere ang pagsalin ng alak sa kanyang baso.
Tumango naman sya dito, pero tinanong pa sya ng lalaki na baka malasing na.
"OK, lang kaya ko naman eh."
Anya.
Nagkibit balikat naman ang lalaki saka nilagyan na ng alak ang baso....
******
Matapos nga ang inuman kagabi ay nagising sya na masakit ang ulo.
Bumangon at saka nagtungo sa banyo at ng matapos ay bumaba na rin saka maghahanda ng almusal.
Bukas pa ang kanyang pasok dahil pinayagan din sya ng hepe ng isang araw na pahinga bago tuluyang isagawa ang naturang misyon..
Nang nasa sala sya habang tinitingnan ang impormasyon tungkol sa lalaking target gamit ang laptop nito ay may bumubosina naman sa labas kaya sinilip nya at nakita ang isang kotse.
Nakikita na si Brandon pala ang dumarating at binubuksan na nito ang maliit nyang gate...
"P-papaano mo nalaman ang lugar na ito?"
Anya sa lalaki, ngunit mabilis lang sya nitong siniil ng halik.
At nang matauhan ay sinampal nya ito ng malakas kaya tumabingi ang mukha ng lalaki.
"Ang bastos mo! Lumayas ka!"
"Hell no.."
Anang lalaki na ngumisi pa saka ito umupo sa tapat ng laptop nya.
Nang bigla nyang makita ang baril at dadamputin sana ito pero naunahan na sya ng lalaki..
"Ngayon mo ako subukan aryana, dahil di na ako mangingiming barilin karin.. UPO!!"
Nagulat sya sa pagsigaw ng lalaki kaya napaupo sya bigla.
Pero hindi ibig sabihin ay matatakot na sya rito kailan man.
"Anong kailangan mo?
Dahil ang pagkakaalam ko ay bukas pa ako magrereport."
Anya habang naka-upo at deretso lang ang tingin dito.
Nang bigla pang ngumisi ang lalaki at dumikwatro..
"Saan mo nakukuha ang tapang mo Aryana?
O baka iniisip mo na ako parin ang Brandon-Pedro mo?"
Anya sa kanya ng lalaki saka ikinasa ang baril na hawak.
"Pwes kung hindi na ikaw yung dalawa, maari ka ng umalis."
Sagot naman nya na ikinakunot na ng nuo nito.
Pero bigla pa itong tumawa.
"Titira ako dito kasama ka.."
"No way!
Umalis kana!"
"UPO!!"
Sigaw ulit ng lalaki, saka nya ito inirapan.
"Hindi mo pa ba naaalala ang kagabi?
Na umuwi ka ng mag-isa?
Na panu kung may mangyari sayo dito, tapos nag iisa ka lang?"
Anang lalaki pa, saka hinigop ang kanyang kape..
Naalala na nga nya na lasing na lasing pala sya kagabi, at gusto sanang ihatid sya ni Dela Cruz ngunit tinanggihan nya ito dahil nga ayaw nyang may ibang makaalam kung nasaan sya.
Ngunit, kung ganuon sinundan sya ng lalaking kaharap?
"I-ikaw ang nagpalit sa damit ko?"
Anya na tinakpan pa ang katawan na parang nakikita naman ng lalaki ang loob nito.
"Mabuti naman at naalala mo na.
Pero wag kang mag alala wala akong ginawa sayo, pinalitan lang kita ng damit dahil nagsususuka ka kagabi, tapos umuwi rin ako pagka-umaga na, para naman makapag palit at kunin ang gamit ko't ilipat dito."
"Pero hindi mo pweding gawi-"
"Wala ng pero pero.
Titira ako dito sa ayaw o sa gusto mo!"
Yun lang at iniwan nya ang lalaki saka pumanhik at malakas na sinara ang pinto ng kwarto.
Naiinis syang napahilamos sa mukha saka naisip na tumawag sa kanyang leader upang mag reklamo, ngunit nasaan ang cellphone nya..
Dali dali syang bumaba na halos liparin na ang hagdan marating lang ang lalaki.
Inagaw nya ng mabilis ang laptop saka Inabot ang cellphone sa lamesa.
Natutulala ang lalaki at di na ito nakapagsalita ulit, saka nya iniwan ulit.
Magkukulong nalang sya dito sa kwarto at bahala ang lalaking yun sa buhay nya.
Binuksan ang files at tama nga ang Hinala nya dahil nasa album na ito para siguro maghalungkat ng litrato..
Kinagabihan ay ngayon lng nya maiisip na bumaba dahil kumakalam na ang kanyang sikmura.
Nang nasa hagdan na sya at pababa patungo ng kusina.
Nakita naman nyang natutulog ang lalaki sa sofa habang yakap yakap ang sarili, tinitigan nito ang mukha saka naalala ang isang mahalagang nilalang...