Kabanata 20

1562 Words
ARYANA'S POV. Nasa headquarters na sila ngayon at Kasalukuyang nag pupulong para sa gagawing operasyon. Nagsasalita sya tungkol sa kanyang plano para mapasok ang hide out ng target, ngunit panay rin ang suhestyong negatibo ng lalaki.. "Miss A. Masyadong delikado ang plano mong pagsalakay.. Paano kung may mapahamak sa mga kasamahan natin?" "Mr. Montero, sa trabaho natin kakambal na talaga ang kapahamakan." Anya. "Yes, we know that. But still you need to secure our safety first." Anang lalaki pa, habang relax na relax ito sa pag-upo na nakadikwatro pa. Naiinis naman nyang ibinigay rito ang Black pen upang ito naman ang magbigay ng suhestyong plano. Naupo sya sa katabing upuan ni Dela Cruz na ipinatong pa ang kamay nito sa likod ng upuan nya saka bubulong sana.. "Stop flirting when I have the discussion here Miss Hendas!" Anang lalaki sa kanya ng di man lang tumitingin. Lumayo nalang sya ng kaunti kay Dela Cruz saka naman sya ngumiti ng bahagya rito... Nang matapos sila sa pagpupulong ay kanya kanya naman silang ligpit ng gamit hanggang sa sya nalang ang naiwan at lalabas na sana ng harangan naman ng lalaki ang dinaraanan nya.. "Excuse me." Mahinang sabi nya. Pero imbis na sagutin sya nito ay dahan dahan pang naglakad papasok dahilan para mapaatras din sya. "Sa susunod, ayukong nakikita kitang nakikipag ngitian sa Dela Cruz na yan.." "At sino ka para pigilan ako?" "Ako lang naman ang papatay sa kababata kung yan pag di mo sya iniwasan." Matapang parin nitong sabi sa kanya, habang sya ay napapalunok dahil pakiramdam nya'y seryuso ang lalaki. Bigla naman nya itong itinulak ngunit hinawakan pa sya ng mahigpit sa braso. "Wag mo kong tatalikuran pag kinakausap kita dahil sa nasa teritoryo kita ulit." Anang lalaki na nanlilisik pa ang mata nito, ngunit sya ay ngumisi lang. "Noon nga wala kang nagawa ng lisanin kita.. Ngayon pa kaya?" "Kung ganun hinahamon mo ako.. Sige, pagbibigyan ko yang kahilingan mo, maghintay ka lang." Anya sa kanya ng lalaki saka sya binitawan at iniwang mag isa. Bigla pa syang nakaramdam ng takot dahil sa sinabi nito, kaya dali dali nyang kinuha ang cellphone at tatawagan ang isang tao. Kinailangan parin nyang makasigurado sa kaligtasan nya at para sa isang pinakatatagong nilalang.. Nasa sariling lamesa sya habang tinitingnan ang mga files ng ilang kaso na kanila pa sanang tatrabahuin pag natapos ang misyon na ito. Nang biglang sumulpot ang lalaki habang may ibinagsak na mga papel sa kanyang lamesa.. "Pag-aralan mo rin yan ng hindi ka mawala dito sa lugar." Anang lalaki saka ito tumuloy palabas at sumakay sa motor nito na kaangkas pa ang girlfriend nitong si Miss Varga, saka naman sya napairap ng makaalis na ang mga ito. "Kahit ilang babae pa ang iaangkas mo wala akong paki." Bulong nya sa sarili. "Miss A... May sinasabi ka?" Anya sa kanya ng hepe na nasa likuran na pala. "Aah, sir." Anya at tumayo kaagad saka sumaludo. "Sumunod ka sakin sa loob.." Sumunod naman sya dito na mukhang may problema syang kakaharapin.. Pinaupo sya nito sa harapan saka Ipinakita ang isang dokumento.. "Kailangan sa serbisyo at misyon ay walang dapat na maaapektuhan Miss A." Paunang salita nito sa kanya habang tinititigan ang isang litrato.. "Alam ko naman po yun Sir, kaya nga po inilayo ko.. Saka hindi naman po ako nagkukulang-" "Miss A. Hindi yan ang punto ko. Ang akin lang bat kailangan mong ilihim ang ganyang bagay na kung tutuosin pwedi ka naming bigyan ng proteksyon. " Anya pa hepe. "Hindi na po kailangan Sir, dahil nasa mabuting kalagayan naman po sya." Anya sa hepe, saka nya naringgan ng pagbuntong hininga. "Miss A. Sinasabi pa sa nakaraan mong misyon ay nakabangga ka ng malaking tao. At alam mo bang kamag anak ng nakabangga mo ang taong target nyo ngayon?" Ikinagulat nya ang sinabi ng kaharap, pero wala syang maalala.. "Ibibigay ko sayo ang iba pang impormasyon na kakailanganin mo, dahil marahil hindi mo na natatandaan sa dami ng na accomplished mo." Anang hepe. Nag-usap pa sila saglit sa iba pang bagay bago ito tumayo at sumaludo. "Pero Sir, hiling ko lang po na sana wala ng ibang makakaalam." "Makakaasa ka Miss A. Pero bibigyan kaparin namin ng proteksyon lalo na't napaka delikado na ng misyon mo ngayon, dahil hindi lang simpling durugista ang huhuliin nyo, kundi isang drug lord!" "Sige po salamat." Anya.. ******* Dumating na ang araw ng kanilang misyon kung saan nabago ang lahat mula sa pagsalakay sa hide out ng mga ito ay magiging panauhin nalang sila sa isang okasyon.. Magpapanggap bilang isang panauhin at mayamang dalaga na ipapakasal sa target nilang si Senyor Vicente, isang mayamang matanda na magdiriwang ng kaarawan ngayong gabi.. Nakasuot sya ngayon ng mahabang pulang damit na kita ang likod samantalang may dalawa pang hiwa hanggang balakang ang kanya palda. Ang makapal nyang makeup at pulang pula na lipstick ay nagpabago sa kanyang itsura, gayon din ang buhok nyang nilagyan lang ng wig habang nakapuson at nakalugay.. Sakay sya ng isang limousine na ang alalay ay si Brandon, nasa tabi rin Miss Varga at ang nagmamaneho ay si Dela Cruz. Tumigil ang sasakyan at inalalayan pa sya ng lalaki sa pagbaba.. Ang lahat ay nakatingin sa kanya ng may pagkamangha habang mahinhin sa paglalakad ng marating ang loob at dito ay di maiwasang humanga dahil sa napakarangya pala ng okasyon na ito.. "Mag iingat ka.." Dinig nyang boses mula sa kanyang tainga at si Brandon iyon. Narating ang senyor habang nakatalikod saka humarap.. "Magandang gabi at Maligayang kaarawan, Elliazar." Anya sa matipuno paring matanda at halata rito ang kagandahang lalaki, lalo na siguro ng mga panahon pa nito. "Mas maganda kapa sa gabing ito, Kristina Montefalco." Anya senyor at hinalikan ang kanyang kamay saka niyaya upang ipakilala sa mga kamag anak nito.. Habang sa kabilang linya ay patuloy naman sa pagmamando si brando, ang misyon lang nila ngayong gabi ay alamin kung sino sino ang narito na mga sangkot, at kung may kahina-hinala rin bang gawain sa likod ng okasyon na ito.. Kinakausap naman sya ni Elliazar tungkol sa mga negosyo at kung ano ang plano pagnakasal na silang dalawa.. Nang yayaain pa sya nito sa itaas kung saan ipinapakita nito ang napakalawak na hacienda kung saan magiging sa kanya raw ito balang araw. Nakahawak ang lalaki sa balakang nya habang may binubulong bulong itong surpresa kung sakaling sasama sya. "Talaga Elliazar? Sige, sasama ako!" Anya sa lalaki na ang tinutukoy nito ay ang islang pagdadalhan umano sa kanya. Nang bigla pa sya nitong siniil ng halik na kahit pa nabigla ay di nalang nagpahalata lalo na't kasama ito sa kanyang plano.. Naringgan pa ang nasa kabilang linya ng pagmumura at sigurado syang si Brandon iyon.. "Ipasusundo kita sa mga tauhan ko para walang makabuntot sayong mga alagad ng batas, alam mo namang mainit ang dugo nila akin." Anya pa Elliazar, hinampas naman nya ito sa balikat ng mahina upang itago ang lihim saka sumandal sa dibdib nito.. Kinailangan nyang pumayag nalang dito dahil sinisiguro nilang yun na ang lugar kung saan nakatago ang mga iligal na transaksyon lalo na ang druga.. Bumalik sila sa bulwagan kung saan nakilala rin ang iba pa nilang target. Ipinakilala rin sya ni Elliazar sa mga ito saka nagpasyang magpaalam saglit sa dahil may aasikasohin lang sa labas.. Makalipas pa ang ilang minuto ay naringgan na nya ng senyas ang lalaki sa kabilang linya na susugod raw sila dahil sakto nang nasa lugar ang mga ito at isinasagawa ang iligal na transaksyon.. Ngunit kinalaban nya ito sa binabalak bagkos ay umatras muna dahil bukod sa kakaunti lang sila ay hindi ito ang kanilang napag-usapan na plano.. ****** Nakarating syang mag isa sa tinutuloyan habang huhubarin sana ang damit ngunit biglang namatay ang ilaw saka lumabas ang bulto ng lalaki na sa tantya nya ay kanina pa ito narito sa loob.. "Bat ang tigas ng ulo mo! Bat ka umatras na kung tutuosin ay mahuhuli na natin sila sa isang lugar. Bakit, inaalala mo ba na magkabulilyaso dahil apat lang tayo? Hindi mo naisip na may back up ding darating?!" Anya Brandon. "Paano ka nakapasok dito sa kwarto ko?" Imbis ay sagot nya sa tanong nito. "Sagutin mo ang tanong ko!" "Dahil maraming madadamay! Akala ko ba ayaw mong may madamay na ibang tao!?" "Wala akong pakialam sa mga taong yun dahil pare parehas lang din sila, At tao ko lang din ang poproteksyunan ko!" Anya Brandon, nang malakas pa nya itong sinampal. "Napaka makasarili mo, sarili mo lang ang iniisip. Hindi mo ba nakita na may mga matatanda, ginang, dalaga at bata na nasa lugar? Na kung sakaling sinugod natin sila akala mo hindi sila magpapaputok?! Planado ang ginawang pagdiriwang ng Elliazar na yun, Montero. Kaya wag lang din sana pangalan mo lang ang iniisip mo. Alagad ka ng batas kaya dapat pinagtitimbang mo yan!" Anya naman saka ito tinalikuran ngunit bigla sya nitong hinablot sa kamay saka niyakap at siniil ng halik habang nakadiin na sya sa pader.. Naglalakbay ang palad nito sa katawan nya hanggang sa mapadako ang bibig nito sa kanyang dibdib na ngayon ay nakaluwa na dahil sa pagmamadali nito. Nang makapa nya ang baril ng lalaki.. "Sige, tuloyan mo akong hubaran nang heto narin ang huling buhay mo." Anya na punong puno ng galit ang kanyang dibdib habang nakatutok ang baril dito. Umatras naman ang lalaki saka napalunok sa sariling laway....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD