ARYANA'S POV. Nagtataka sya dahil kanina pa tumatakbo ang motor nito na di marating ang bayan na sinasabi nito kung saan may rambulan. Hanggang sa nararating na nila ang gilid ng bangin at natatanawan ang napakalawak na karagatan.. "Ilang oras ba ang aabutin natin bago marating ang bayan na sinasabi mo?" Tanong nya dito habang patuloy parin sa pagpapatakbo.. "Montero, anu bah! Itigil mo nalang ito pwedi!?" Ngunit di parin nagsasalita ang lalaki at patuloy lang hanggang sa nararamdaman nya na papabagal ito.. "Sagutin mo muna ang tanong ko, mahal mo parin ba ako?" Anya Brandon, na ikinakunot ng nuo. Seryuso ba ito? "Naghihintay ako ng sagot.." Ulit pa ng lalaki ng hindi pa sya nagsasalita. "Hindi naman talaga kita minahal ah, kaya anong sinasabi mong mahal parin?" Anya na ikin

