ARYANA'S POV. Natatanawan na nya ang senyor Elliazar habang kumakaway pa ito.. "Type mo ba sya?" Bulong sa kanya ni montero, habang kumakaway rin sa matanda. Nang maka-isip pa ng ika-iinis nito. "Ehm, sa bagay malakas pa si Elliazar, mayaman at tingnan mo naman kahit matanda na ay gwapo parin." Anya, ng maringgan ang lalaki ng pagkainis. "Papatayin ko yan mamaya." "Anu?!" Anya, ng magulat sa sinabi ng lalaki na ikinaagaw pansin ng mga tauhan. "May problema po ba maam?" "Aah, wala naman. Nagulat lang ako sa pating na sumulpot." Palusot nya dahil kumasa na ito ng baril. Habang ang lalaking nasa tabi ay nagingiti lang... "Welcome to my island darling." Anya Elliazar at hinapit pa sya nito sa balakang saka hinalikan sa labi. Narinig na naman nya ulit ang pagmura ng lalaki

