Kabanata 30 + "Anong ginagawa natin dito?" tanong ko agad sa kanila noong hininto na nila ang sasakyan dito sa lugar kung saan nag-land ang kanyang private plane. Tatlong beses ko nang naitanong sa kanila 'yon, but they refuses to answer me. Tahimik lang si Wrum habang may seryoso itong mga tingin. At sabi lang ni Wim sa akin na malalaman ko din ito mamaya. Tila ba hindi niya ito masabi dahil kay Wrum. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip na kaya kami nandito dahil uuwi na kami pabalik sa Manila. God. Babalik na ba talaga kami? Nagsimula na kaming maglakad papasok sa building. This is not an airport actually. This is a private property at kung hindi ako nagkakamali, si Wrum din ang nagmamay-ari nito? Maybe. "Babalik na ba tayo sa Manila?" tanong ko kay Wrum sa aking tabi. Hindi ito su

