Kabanata 31 + "Hindi nga ako lalabas dito kaya huwag mo nalang akong bantayan pa." sabi ko nalang sa dalawang tauhan na nakabantay sa akin. "Hindi kami aalis dito. Alam naming tatakas ka na naman pag umalis kami." sabi nila sa akin at agad na binuksan nila ang back seat door. Agad naman akong pumasok at umupo nalang sa loob. Wala akong magagawa. Utos ito ni Wrum at alam kong hindi nila susuwayin iyon. Sino ba naman ako para sundin nila? I'm just his slave. Nakakainis lang. Hindi ko alam kung may tinatago ba sila sa akin at bakit ipinasok nila ako dito sa kotse? Kung wala silang tinatago sa akin? Bumuntong-hininga nalang ako at ibinaling nalang ang tingin ko sa mga tauhan ni Wrum na nasa labas. Binabantayan nila akong hindi makalabas at nag-uusap sila. Bahagya ko pang ibinaba ang

