TULALA at wala sa sarili. Tikom ang kaniyang bibig habang tinatahak ang daan palayo kay Jelome, at pabalik sa kaniyang sasakyan. Guilt was all over her face. Hindi man niya nobyo si Byron ay ganoon pa rin ‘yon, nagloko pa rin siya, sumiping sa iba. “Why did I let that happened?” she asked and blame herself. Masyado siyang naging padalos-dalos sa desisyon. Nagpadala sa tawag ng laman, karupukan, at init ng katawan dulot ng elektrisidad na dumadaloy sa bawat pagdidikit ng mga balat. Alam niyang hindi magiging okay para kay Byron pero itinuloy pa rin niya at nagbigay ng permiso sa aktor upang galawin siya. Damn it! Pakiramdam ni Meera ngayon ay para siyang isang maruming puting damit, punong-puno ng mantsa at putik, na kahit anong kusot ang gawin mo at kahit gaano kamahal ang detergent

