MEERA felt that he is doing the same thing, avoiding her. Hindi niya maiwasan na kwestyunin ang sarili. Hindi ba dapat ay masaya siya dahil ito naman ang gusto niya una pa lang, ang mag-iwasan sila sa tuwing nakapatay ang camera, at maging malambing sa tuwing nakabukas ang camera. Ngunit ngayon na umiiwas na rin si Jelome sa kaniya ay hindi siya nasisiyahan. Hindi na muling nasundan pa ang pag-uusap nila ni Byron sa telepono. Ito ang pinakamatagal na tampuhan nilang dalawa, kung tunay man na tampuhan pa ito. Ito ang unang pagkakataon na matitiis siya ni Byron ng ganito katagal. Mapagpakumbaba kasi ito at mababa lang ang pride. Kagabi ay balak niya itong padalhan ng mensahe ngunit urong sulong ang kaniyang desisyon. She was typing and composing over her message and over again but she

