HALOS isang oras din ang itinagal nina Jelome at Meera sa loob ng convenient store. Naubos ang kanilang oras paikot-ikot na usapan at mga pasimpleng bangayan na siyang nauwi rin naman sa isang hindi malilimutang interkasyon.
Jelome claimed her lips gently and passionately. Iyong tipo ng halik na masyadong genuine at may pag-iingat. Masyado itong matamis, mas matamis pa sa asukal na pinagpipyestahan ng mga langgam.
The kiss lasted for almost five minutes. At sa loob ng buong limang minuto na iyon ay hindi tumugon si Meera ngunit nanatiling tikom ang kaniyang dalawang mata. Hinayaan niya lamang kumilos ang labi ng aktor. Hinayaan niya itong mag-dominate sa sandaling oras na iyon.
She did enjoy that short moment. Pinigil niya lamang ang sarili na bumigay sa temptasyon na tumugon. Dahil sa oras na iginalaw niya ang kaniyang labi, tapos na ang lahat sa kaniya. Manlalambot siya at hindi malabong samantalahin ito ng binata na kahinaan niya.
Habang pabutbot-butbot siya sa biyahe ay bigla namang umalingawngaw ang malakas na volume sa radyo ng sasakyan ni Jelome. Mukhang naka-full volume ito dahil masyadong malakas at nakakabingi sa sobrang lakas.
Tumikhim ang aktor upang basagin ang matagal na katahimikang namayani sa pagitan nilang dalawa.
“I hope you don’t mind if I’ll turn my radio on,” pahayag niya. Dalawang beses siyang sumulyap sa direksyon ng dalaga na tila wala namang pakialam dahil nanatiling blanko ang kaniyang reaksyon.
“Sure. Your car, your rule.”
“Great!” he replied.
Hininaan ng aktor ang volume ng radyo bago nagmaniobra sa sasakyan. Si Meera ay nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Isindal niya ang ulo sa upuan ng sasakyan at saka itunuon ang pansin sa bintana, sa bawat magagandang tanawin at senaryong nadaraanan nila.
Lowkey thought pero miss na miss na ng dalaga ang probinsiya at ang masayang buhay probinsya, dahil isa siyang probinsyana. Simple man ang buhay ay masaya naman ang pamumuhay. Mayroong bayanihan at mga kapitbahay o kabarangay na masasandalan at matatakbuhan sa mga oras ng pangangailangan. Hindi tulad sa siyudad na halos lahat ng mga tao ay hindi mo mapagkakatiwalaan. Iyong iba kasi ay peke lamang.
Masagana rin ang ani ng mga masisipag na magsasaka. Salamat sa kanila dahil mayroon tayong nakakain sa araw-araw.
Tatlong segundo matapos ang huling kanta ay napaigtad ang dalaga. Hindi niya inaasahan ang sumunod niyang narinig mula sa radyo. Parang mayroong bumara sa kaniyang lalamunan.
Minsang natikman ang init ng iyong halik. Akala ko, narating ko na ang ulap sa langit. Sa aking pagpikit, ang tanging naisip. Ikaw na sa hanggang wakas ang aking pag-ibig.
Ngunit biglang nagbago ka, hindi ba madama. Kapag kapiling na kita, nanlalambing ka na.
Ilang ulit lumunok ang binata nang hindi sinasadyang tumugtog sa kaniyang radyo ang isa sa paborito niyang tugtugin sa playlist. Ito ay pinamagatang Lason Mong Halik na inawit ni Katrina Velarde. Sa tuwing naririnig niya ito, pakiramdam ni Jelome ay magkalapat ang labi nilang dalawa kahit sa imahinasyon niya lamang iyon ay kuntento na siya. Malayo man sila sa isa’t-isa ay hindi naman nawala ang malalim na pag-ibig ni Jelome para kay Meera. Malabong mawala o magbago ang nararamdaman niyang iyon, o kung magbabago man ay dahil mas lumalim.
Bakit ganiyan ang iyong pag-ibig na akala ko ay langit. Nilaro-laro mo lamang ang pusong naiidlip. Sa yakap mo ay nagayuma. Pag-iwas ay ‘di ko na kaya. Hanggang ngayo’y hinahanap-hanap pa rin ang lason mong halik.
Natutop ang labi ng dalaga. Hindi niya tinangka o sinubukan man lang na tingnan ang katabi. Nanatili siya sa kaniyang puwesto. Halos hindi na niya huminga; halos hindi na rin kumurap ang kaniyang mata. Kaunti na lamang ay baka magkaroon na siya ng stiff neck dahil sa hindi pagkilos. Sinubukan niyang ituon ang mata at buong atensyon sa kulay berde at matatayog na puno na kanilang nadaraanan upang maabala ang isipan. Ang kaniyang dila na lang ang pinagdiskitahan; kinakagat-kagat niya iyon at nilalaro habang minamasdan ang sernaryo sa labas.
Apoy na dati rati, kay init ng liyab. Agad akong nadadarang kapag ikaw ay yumakap. Ngayo’y nag-iisa, laging nilalamig. Nawala na ang lahat lahat, ito’y naging panaginip. Ngunit biglang nagbago ka, hindi na madama. Kapag kapiling na kita, nanlalamig ka na.
Katulad ng apoy, ang init ng liyab ng pag-ibig sa pagitan nilang dalawa ay namatay na. Ngunit, hindi ibig sabihin ay iyon na ang katapusan. Namatay lang ito ngunit maari pa ulit sindihan at paliyabin. Mas maliyab pa sa dati.
Bakit ganiyan ang iyong pag-ibig na akala ko ay langit. Nilaro-laro mo lamang ang pusong naiidlip. Sa yakap mo ay nagayuma. Pag-iwas ay ‘di ko na kaya. Hanggang ngayo’y hinahanap-hanap pa rin ang lason mong halik.
Oh, oh…
Bakit ganiyan ang iyong pag-ibig na akala ko ay langit. Nilaro-laro mo lamang ang pusong naiidlip. Sa yakap mo ay nagayuma. Pag-iwas ay ‘di ko na kaya. Hanggang ngayo’y hinahanap-hanap pa rin ang lason mong halik.
Dahil sa lumang tugtugin na iyon ay tila bumalik sa kaniyang isipanan ang nangyari kanina sa loob ng convenient store na ‘yon. Tunay nga ang kanta ni Katrina, dahil ang halik ni Jelome ay isang lason para kay Meera. Lason sa kaniyang puso, isipan, at buong sistema.
“Ang halik mo ay lason,” bulong ni Meera. Mahina lamang ito ngunit umabot hanggang sa aktor.
Hindi makakatakas sa kaniyang tainga ang ibinulong na iyon ng katabi. Maging siya ay ganoon ang iniisip, na ang halik ay tunay na nakakalason. Dahil mula nang matikman niya ang tamis ng labi ni Meera, hinahanap-hanap na niya ito. Na sa tuwing nakikita ang mapupulang labi ay nahahalina siya, nahihikayat na tikman at maramdaman sa kaniyang labi rin. At sa tuwing natitikman ay para siyang nakainom ng isang matinding gayuma. Iyong tipong kahit sino pa ang iharap mo sa kaniya ay wala si Meera pa rin ang nakikita at naiisip niya.
Nababaliw na ako, aniya sa isipan.
“Meera, Meera?”
Tumutunog ang kaniyang cellphone ngunit parang hindi ito napansin o naririnig ni Meera. Pinatay niya ang radyo dahil baka nasasapawan ng musika ang ringtone niya ngunit hindi pa rin ito kumikibo. Hindi tuloy mawari ng aktor kung sinasadya ba niyang hayaan itong mapagod mag-ring at huwag sagutin, o sadyang lumilipad ang kaniyang isipan kaya hindi ito namamalayan.
“Earth on Meera,” aniya nang muling mag-ring ang cellphone.
Hindi niya naman ito masilip dahil nasa loob ng bag. Wala siyang ideya kung sino ang caller. Baka mamaya ay emergency pala ito dahil hindi naman mangungulit at tatawag nang paulit-ulit kung wala lang.
Nang makalabas sa exit ng expressway ay iginilid niya ang sasakyan at huminto. Marahan niyang tinapik sa balikat habang ang isang kamay ay ipinatong niya sa kamay ng dalaga.
“Hey, Meera?”
Napaigtad ang aktres ng maramdaman ang init ng palad ni Jelome sa ibabaw ng kaniyang kamay. Idagdag mo pa ang marahan na pagtapik sa kaniyang balikat Doon lamang siya tila bumalik sa reyalidad.
“Umm. Sorry,” she uttered sincerely.
“You’re spacing out, Meera. Is everything okay?”
“Yes, yes. Of course!” she faked her laugh and tried to compose herself.
Hindi man kapani-paniwala ay tumango si Jelome at inalis ang kamay kay Meera. Bumalik siya sa pwesto at muling humawak sa monibela ng sasakyan.
“Akala ko nandito na tayo,” bulong niya at muling ibinaling ang pansin sa bintana.
“Hindi. Kanina pa kasi tumutunong ‘yang cellphone mo pero hindi mo pinapansin. Baka emergency.”
“What?” Nanlaki ang dalawang mata ng aktres. Taranta niyang binuksan ang bag at dali-daling inilabas ang cellphone.
Pagbukas ay nakita niya agad ang pangalan ni Byron sa screen. Mayroon itong sampung missed calls at dalawang messages na ipinadala.
Agad siyang nagtipa ng mensahe at humingi ng pasensya. Ipinaliwanag niya ang kaniyang sarili at ang rason kung bakit hindi niya nasagot agad ang tawag sa kabila ng dami non.
Ilang minuto matapos mabasa ng binata ang mensahe ay agad itong nagtipa ng numero at muling tinawagan si Meera.
Saglit na dumapo ang mata ni Jelome nang muling tumunog ang cellphone ng aktres at walang pag-aalinlangan niya itong sinagot.
“Hey!” she greeted cheerfully.
Nanatili sa daan ang mata ng binata ngunit ang dalawang tainga ay gising at nakaantabay sa dalaga.
“I’m sorry about earlier, Dee! Nakatulog kasi ako.”
“Hey, it’s fine. Na-istorbo ko ba ang beauty rest ng prinsesa ko?”
She chuckled softly. “Hindi a! Wait…don’t tell me you’re driving right now while we are talking?”
“Okay. I won’t tell,” sakay niya sa aktres. “I was driving earlier. Nandito ako ngayon, nakaparada malapit sa compound niyo. Am I permitted to go in?” he asked.
“Of course, Dee!” Tumaas ang tono niya’t sinadyang siglahan ito. Kapansin-pansin din kasi ang malalim at mabibigat na paghinga ni Jelome, lalong lalo na ang paghigpit ng hawak niya sa monebela.
“Great! I’ll-”
“But sadly, on the way na ako sa set ng lock it taping namin.”
Ilang segundong namayani ang katahimikan sa linya. Bumuntong hininga si Byron.
“Ganoon ba?” mapakla niyang saad.
“Yes. I am sorry for not informing you ng maaga. Wala rin kasi akong idea na susunduin pala kami ng maaga.” Sumulyap si Meera sa katabi at saka umirap dahil bigla na lamang itong sumulpot sa harapan ng bahay.
“I understand. Inagahan ko pa naman, ipapabaon ko sana itong niluto ko.”
“Awe! That is so sweet of you, Dee!”
Kinain ng konsensya si Meera. Paulit-ulit itong humingi ng pasensya. Ang suhistiyon ng aktres ay ibigay na lang ang address ng set at ipadala ito, o ‘di kaya naman ay sumunod siya roon at palihim silang magkita.
Hindi rin gaano nagtagal ang kanilang pag-uusap. Nang ibaba ni Byron ang linya ay sakto rin na tumigil ang sasakyan sa parking area ng kanilang set.
“Sino iyon?” kuryusong tanong ni Jelome sa kaniya. Kunot na kunot ang kaniyang noo at tila hindi maipinta ang itsura ng kaniyang mukha.
“Byron, my man.”