HINDI agad nakakibo si Jelome sa itinuran ng aktres. Sa sandaling iyon ay tila nabingi ang kaniyang dalawang tainga. Wala siyang ibang marinig kung hindi ang mga huling salita na lumagbs mula sa mismong bibig ni Meera. Para iyong isang sirang plaka na paulit-ulit mag-play sa kaniyang isipan. Para iyong paulit-ulit na ibinubulong ng dalaga sa kaniyang tainga.
"Byron, my man."
"Byron, my man."
"Byron, my man."
Hindi na nilubayan si Jelome nang tatlong katagang iyan na binitawan ng dalaga. Tatlong salita lamang ngunit ang lakas na ng epekto sa kaniya. Para siyang sinasaksak sa puso nang paulit-ulit. Dati ay masarap pakinggan at lagi niyang inaabangan ang tatlong salita na lumabas mula sa bibig ni Meera. Ngunit, ang tatlong salitang sinambit niya ngayon ay tila hindi kasiya-siya sa pandinig.
Nagdurugo ang kaniyang dalawang tainga, lalo na ang puso niyang nagmamahal. Nasa punto siya ngayon ng malalim na pag-iisip, kung tama bang itinanong niya pa, o sana ay hindi niya nalang itinanong. May parte sa loob ng binata na nagsisi. Hindi niya matimbang kung mas gusto niya ba na malaman o na hindi malaman ang impormasyon na iyon, matapos itong sambitin ni Meera.
Ilang minuto siyang nawala sa sarili at tila napako sa kinauupun. Pakiramdam niya ay saglit na naparalisa ang katawan sa mga oras na iyon.
Pabagsak na isinara ni Meera ang pinto ng sasakyan. Nauna na siyang bumaba, hindi na niya hinintay si Jelome. O hindi na niya ito hinintay at hinayaan na pagbuksan siya ng pinto, tanda ng pagiging isang gentleman at maalagang kapareho. Wala namang pakalat-kalat na camera kaya't hindi na kailangan. Mayroon naman siyang sariling kamay at paa upang gamitin. Kaya niya ang sarili niya. Sanay siya.
Hindi man lamang namalayan ni Jelome na nakababa na pala ang kapareha. Saka lamang siya natauhan nang makita itong dumaan sa harapan ng sasakyan.
Nagpakawala siya ng isang buntong hininga. "Your words cut deeper than a knife, Meera,” bulong niya sa sarili.
Paulit-ulit siyang huminga nang malalim upang kalmahin ang sarili. Hindi siya maaring bumaba sa ganitong estado. Hindi siya dapat makita ng kung sino man, lalong lalo na ng mga taong malalapit sa kaniya sa kahinaan niya. Ayaw niyang kaawaan siya, hindi niya gusto iyon.
At ang isa pa sa kaniyang ikinakatakot ay ang masabihan ni Meera na sad boy, o manipulative b***h – mga salitang nauso ngayon sa social media. Nag-trending ito mula sa twitter patungkol sa isang lalaki umano na sad boy at manipulative mula sa isang dating app na kung tawagin nila ay bumble. Mabilis lang iyon na-adopt ng tao at naipasa-pasa sa kung sino sino kaya’t madalas na itong magamit sa pang-araw araw na pag-uusap. Ang ibang babae naman ay naki-uso na lang at ginamit na rin ang termino ng agaran sa kanilang mga nobyo kahit hindi naman angkop minsan.
Inilibot ni Meera ang mata nang marating niya ang entrada ng tent sa set up nila. Unang hinanap ng kaniyang mata si Bubay ngunit bigo siyang matagpuan ang bulto nito at maging ng handler na si Mikel.
“Meera!” tumaas ang tinig ng direktor ng makita siyang naglalakad palapit.
Agad siyang ngumiti pabalik at sinalubong din ito ng mahigpit na yakap at isang simpleng beso beso.
“Where is he?” the director asked.
“Oo nga, nasaan si Doc? Bakit hindi kayo sabay na pumasok dito?” dagdag usisa ng katabi niya. Kung hindi magkakamali si Meera, ito ang assistant director ng pelikula na itatmpok.
“Uhm. Nasa sasakyan pa si Jelome,” pormal niyang sagot.
Hindi alam ng aktres kung tama ba ang salitang naituran. O kung mali man ay saan banda siya nagkamali? Pakiramdam kasi niya’y hindi nagustuhan ng dalawa ang sagot niya, lalo na noong assistant dahil umasim ang mukha niya nang marinig ang isinagot ng aktres.
“Ay, bakit hindi kayo sabay?” mababakas ang pagkadismaya sa tono na ginamit niya.
Hindi agad nakapagsalita si Meera. Tila hindi niya mahanap ang tamang salita na dapat gamitin. Mayroon siyang pag-aalinlangan sa susunod na gagawin, kung magsasabi ba siya ng totoo o mag-iisip ng palusot at magbibitaw ng salitang wala namang katotohanan.
Ang direktor na si Jericho na mismo ang bumasag sa panandaliang katahimikan nq namayani sa pagitan nilang lahat. Pineke niya ang kaniyang tawa at pabirong hinampas ang balikat ng kapwa direktor.
“Ikaw naman, mare! Anong klaseng tanong ba naman ‘yan,” aniya. Aware ito sa tunay na estado ni Meera at Jelome. Nai-kwento ng buo ng aktor sa kaniya ang nangyari at mga planong gawin sa muling pagbabalik niya.
“Ha, anong bakit? Natural lang na itanong ‘yon sa magkasintahan, Jericho. Ano ba”
Ilang saglit lang ay hinila at inakay ni Jericho ang kasama palayo sa aktres. Tila nang-uusisa na kasi ito at hindi na nagjging komportable pa si Meera sa mga nagiging usapan.
Nakaka-ilang hakbang pa lang sila nang dumating ang pawis na pawis at humahangos na si Jelome.
Nakangiti na ito ulit at hindi na tulad ng reaksyon niya sa sasakyan. Pumasok itong tila walang nangyari at walang narinig mula sa dalaga. Si Meera agad ang una niyang nilapitan. Pasimple siyang bumulong sa aktres na hahalik ito sa noo. Hindi pa man pumapayag si Meera ay natagpuan na niya ang labi ng aktor sa kaniyang noo.
“Hindi mo ako hinintay,” wika niya.
“Required ba?”
“Hindi naman. Hindi required pero sana ay hinayaan mo akong gampanan ng maayos ang nai-atas sa akin.”
“Jelome, hindi mo ako kailangan pa-impresin kapag tayong dalawa lang ang magkasama o nakakakita. Hindi mo kailangang gawin dahil masasayang lang ang oras mo.”
“Hindi kailangan ng camera para maging gentleman ako sa ‘yo. Matic na ‘yon lagi.”
“Huwag! Respeto naman kay Byron.”
He was caught off guard when she mentioned Byron’s name again. At sa mismong harap niya ulit. Direkta iyon at walang makikitang bahid ng pag-aalinlangan sa mukha ng dalaga. Para siyang masyadong confident na ipagmalaki sa binata ang Byron na iyon, kung sino man siya.
Wala na siyang pakialam sa akin, lalong lalo na sa nararamdaman, mapait na pag-amin ni Jelome sa sarili. Dahil iyon ang pinaparamdam at ipinapakita ng dalaga sa kaniya. Lagi siya nitong sinasampal sa katotohanan ngunit heto siya, handa pa rin magpakatanga at maghintay sa wala. Kung sa tingin ni Meera ay susuko agad siya, puwes nagkakamali siya dahil hindi siya ipinanganak para sumuko. Masyado na silang maraming pinagdaanan. Hindi niya hahayaang iba ang makinabang sa bunga ng puno na kaniyang itinanim.
“I’ll make sure that you’ll end up with me, Meera.” Mahinang sambit ni Jelome habang pinapanood ang sexy na likod ni Meera at ang kaniyang balingkinitang katawan na lumakad palayo sa kaniya.
Sa dining area nahanap ni Meera ang kaniyang personal na assistant, si Bubay. Nakatayo ito at may hawak na chicken sandwich at bottled water sa kanan na kamay, habang ang kaliwa naman ay pahampas-hampas sa maskuladong braso ng isang lalaki sa kaniyang harapan.
Who is he? Kunot noo niyang tanong sa sarili. Lumabi siya at minasdan si Bubay na humagikgik at ngumiti ng pagkalaki-laki. Hindi kaya nangangawit ang panga niyan? Muli niyang tanong sa sarili.n
Hindi pamilyar kay Meera ang itsura ng lalaki. Ilang taon na rin siya sa industriya ngunit tila ngayon niya lamang nakita ang mukhang ito. Hindi naman siya mukhang alalay, hair and make up artist, o designer dahil masyadong maganda ang hubog ng katawan at mala modelo ang pormahan. Baka bagong recruit na talent.
Iwinagayway niya ang kamay upang kawayan si Bubay ng mapalingon ito sa kaniyang gawi. Mukha itong nataranta nang makita siya sa sulok kaya’t itinaas niya ang kamay at nag thumbs up, senyales na ayos lang. Mababakas din kasi sa reaksyon niya ang saya sa kausap. Ayaw naman ni Meera maging kontrabida sa buhay pag-ibig ni Bubay. Habang nag-uusap sila ay pasulyap sulyap ito sa kaniya, halatang tensyonado kaya’t natawa si Meera sa kaniyang reaksyon.
Habang siya ay aliw na aliw sa panood kay Bubay, biglang tumabi sa kaniya si Armida. Naka-full make up na ito sa mukha at may suot na hapit na hapit at maikling kasuotan. Iyong tipont kaunting buka lang ay kakaway na ang kaniyang pechay. Na sa tuwing hahakbang ang dalawang paa ay sumisilip ang kaniyang mabibilog na pwet. Ang malusog naman na dibdib ay umaalog sa bawat galaw. Para itong isang hinog na prutas at nag-iimbita sa binata na pumitas at tumikim.
Aba! Nagdamit ka pa ate gorl, naghubad ka nalang sana. Siya pang lalabhan, sayang sa sabon.
“Good morning, Meera!” she greeted with a plastic smile. Matinis ang boses niya kaya nasira agad ang umaga ng aktres.
Here we go again. “Good morning, Armida!”
“Mukhang good na good ang morning mo,” mapait niyang puna.
“Ganito talaga kapag may dilig sa umaga. Masaganang pechay, masaganang buhay.”
Umasim ang mukha ni Armida. Nalukot ang kaniyang mukha at tila pinipigil lamang ang sarili na huwag mag-eskandalo.
Hindi man siya nagbitaw ng pangalan ngunit paniguradong si Jelome agad ang unang maiisip niya dahil silang dalawa ang magkasama kanina at sabay na dumating sa lugar. Halos pumutok na siguro ang ugat niya sa utak kakaisip kung ano na ang ginagawa at nangyayari sa kanila.
“You’re kidding,” iiling-iling niyang saad. Bahagyang nanginig ang boses niya. Tumikhim ito bago muli magsalita. “Tell me you’re kidding, Meera!”
“I am not. Nasa sa ‘yo na iyon kung maniniwala ka sa akin o pipiliin mong huwag maniwala.”
Bago pa muling bumuka ang bibig ni Armida ay dumating na sa eksena si Bubay. Lumapit ito sa kanila, pumagitna at inunahan si Armida na magsalita. In short, sinapawan niya ito.
"Hi, nakshie! Awat na ang chismisan, nagtatawag na si direk."
Hindi na nakaimik si Meera at Armida nang hilain agad ni Bubay ang alaga palayo sa impakta.
"Thanks for that," tatawa-tawang saad ni Meera.
"Got you always, bhie!"
"Ikaw ha, sino 'yong kalandian mo kanina?" Pag-uusisa ni Meera.
"H-Ha? Anong...landian ka riyan," utal niyang tugon. Umiwas siya ng tingin at namula ang kaniyang mukha. "Nag-uusap lang kami. May itinatanong lang siya sa akin. Iba ang friendly sa malandi."
"Defensive!"
"Ma-issue ka rin masyado e. Halika na nga't aayusan na kita. 10 minutes daw call time na."
Agad siyang pinasuot ng roba at saka sinimulang ayusan. Lumabas siya sa hall na tanging roba lang ang suot at sexy undies sa loob, tulad ng bilin ng direktor.
Teaser muna ng pelikula ang una nilang kukunan at tatapusin. Eere na kasi ito sa susunod na araw. Madali lang naman 'yon matapos dahil maikli lang.
Ang kaso, matured scene agad ni Meera at Jelome ang kukunan.
Oh my gulay, kalma ka lang pechay!