HINDI agad naka-imik si Meera nang malaman ang tema ng kukunan nilang senaryo ngayon. Ito ay para sa teaser ng pelikula na pinagbibidahan niya ngayon. Siya ang gaganap bilang si Laureta Laxamana, isang babae na pinagkaitan ng tadhana. Kinuha ang lahat sa kaniya at binigyan ng isang matinding pagsubok sa buhay.
Ngunit, hindi siya nag-exist sa mundo para tumunganga lang at maghintay ng isang himala katulad ni Juan tamad na ibinuka lamang ang bibig at hinintay mahulog ang bunga ng bayabas sa kaniyang bibig. Dahil hindi siya mananahimik lang sa isang tabi, gagawa at gagawa siya ng paraan upang mahanap ang solusyon sa problema.
Sa paglalakbay at pagtuklas sa buhay sa labas ng kabihasnan ay makakatagpo niya ang leading man niya na walang iba kung hindi si Hubert Roadge, o mas kilala bilang Huge na siyang bibigyang buhay ni Jelome. Sila ay pagtatagpuin at paglalaruan ng tadhana.
“Nasaan si Jelome?” Tumaas ang tono ng direktor ng hindi maabutan meeting area ang aktor.
Kanina pa nakatunganga at naghihintay sa loob ng kwarto kung saan kukunan ang eksena ang direktor na si Jericho. Halos mamuti na ang mata niya kahihintay sa dalawang tao, kay Meera at Jelome, na pumasok sa loob katulad ng ibinilin.
Hindi na siya nakatiis. Nilabas na niya ang dalawa. Mas lalo lamang sumakit ang ulo niya nang makitang wala pa pala ang aktor.
“Nasaan si Jelome?” the director asked again.
“Nandito na siya kanina. Hindi ko alam kung saan na pumunta. Bigla na lang umalis at nawala sa paningin ko,” sagot ng isang stunt.
“Ah! Mabilis malalagas ang buhok ko sa inyo dahil sa inyo!”
“I’m here.”
Napalingon ang lahat ng nasa loob ng silid ng marinig ang isang baritong boses. Inulawa ng entrada ang isang mala Adonis at Greek God na katawan ni Jelome. Malalaki ang kaniyang hakbang at tila walang pakialam sa dinaraanan at madaraanan.
Sa mga oras na iyon ay parang nag-slow motion ang lahat sa paningin ni Meera. Wala siyang ibang makita sa paligid maliban sa aktor. Halo halo ang emosyon na nararamdaman niya. Mayroong parte sa kaniya na nagsasabing pumikit at huwag na lamang pansinin ngunit mayroon ding parte na gusto itong lapitan at hawakan. Ang anim na pandesal ni Jelome ay tila isang magnet sa dalawang mata ni Meera, hindi na niya kasi maalis ang tingin doon.
“Laway mo bebe gurl tumutulo,” puna ni Bubay. Siniko siya ng personal niyang assistant, naging dahilan upang matauhan siya’t biglang makaramdam ng iritasyon sa sarili. Sa kaniyang buong sistema at sa kung paano mag-react ang kaniyang buong katawan.
Itinikom niya ang kaniyang bibig at pasimpleng inangat ang isang darili upang punasan ang laway. Ngunit, wala naman siyang nakapa na likido roon kaya naman tinawanan lang siya ni Bubay. Sinamaan niya ito ng tingin ngunit parang balewala lang naman ito kay Bubay.
“Naniwala ka naman,” tatawa-tawa niyang dagdag.
Hindi siya pinansin ni Meera. Nang ibaling ang paningin sa ibang direksyon ay ganoon na lamang ang gulat niya ng makita si Jelome sa kaniyang harapan. Wala itong suot nq saplot pang-itaas at nakabalot lang ng tuwalya ang ibabang parte ng katawan. Litaw sa itaas ng tuwalya ang kulay gray na waistband ng kaniyang panloob. Bukod doon ay wala na siyang ibang suot.
Napagpasyahan ni Jelome na huwag magsuot ng brief. Boxer shorts lamang ang ginamit niya upang takpan ang hindi dapat makita. Masyado kasing mahaba ang kaniyang alagang ahas; naiipit ito lagi sa tuwing nagsusuot siya ng brief. Nakasanayan na niyang boxer shorts lang, bahay man o trabaho.
“Eyes on me, Meera. Hindi ako nanunuklaw, pero itong alaga ko ‘di ko lang sure.”
Lupa, lamunin mo ako!
“Shut up, will you?” Nagmartsa palayo sa aktor si Meera at sinundan ang direksyon na tinahak ng direktor patungo sa isang silid kung saan kukunan ang erotika teaser ng pelikula.
Jelome smirked. “Masyado kang nasasanay na tumakbo palayo sa akin. Sige lang, Meera. Sige lang. Sulitin mo na because I'll make sure that you’ll end up being so in love with me again.”
Sinundan ni Jelome ang dalaga. Malalaki ang kaniyang hakbang patungo sa loob ng silid. Eksayted siya na medyo kinakabahan sa senaryong kanilang gagawin mamaya. Nabasa na niya noong isang araw ang buong script ng pelikula. Nasisihayan siya sapagkat marami silang interaksyon sa mga susunod na kabanata. At hindi lang ‘yon dahil marami rami rin ang erotika sa gitnang bahagi at sa dulo.
Nadatnan niya sa loob ng silid ang mga camera man at ang mga abala sa pag-aayos ng silid. Si Meera ay nakaupo sa sulok, hawak hawak niya ang isang papel na sa wari ni Jelome ay ang script ng erotika nila ngayon.
Nakalabi ang dalaga habang binabasa ang script at ang flow. Pakiramdam niya ay pumunta siya sa isang liblib na gubat malayo sa kabihasnan at sumugod sa kampo ng mga leon, hindi handa at handang magpalapa. Ngayon pa lang ay nagsisi na siya sa ginawang pagpayag. Subalit sa tuwing nakikita niya si Armida ay ipinapaalala ng demonyita na tama rin ang naging desisyon niyo.
Bahala na si batman!
Naramdaman niya ang ginawang pagtabi ng aktor sa kaniya. Hindi niya man lingunin ay alam na niya agad na siya ito. Bukod sa pamilyar ang amoy ay si Jelome lang naman ang dikit ng dikit sa kaniya. Kaya minsan ay nagsasawa na rin siyang tumakbo o humakbang palayo dahil nawawalan din naman ito ng saysay, susundan at susundan pa rin naman siya ng aktor.
“Nervous?” he asked casually.
Meera looked at him directly in his eyes as she raised one of his brow. “Pardon?”
“Are you nervous, Meera?” he asked again.
“Excuse me. Why would I?”
“You honestly look like one. Namumutla ka at mukhang hihimatayin. Hindi ka nga ba talaga kinakabahan?”
Hindi makapaniwala si Meera sa mga lumalabas sa bibig ng aktor. Para siyang isang clown na nagpapatawa sa harap ng mga bata. Tinawanan niya ito’t inilagay ang kamay sa tiyan na kunyari ay nananakit sa kakatawa. “Hindi ako kinakabahan. Bakit naman ako kakabahan, aber?” Pagtataray ng aktres.
“I don’t know either.” Nagkibit balikat si Jelome.
Ngumisi ang aktres at saka ito tiningnan ng nakakaloko. “Ikaw siguro ang kinakabahan,” pagbibiro niya.
“Oo,” halos ibulong niya na.
She was caught off guard. Hindi niya inaasahan ang biglaang pag-amin ng binata sa kaniya kung tunay mang totoo ang pinagsasabi niya. May posibilidad na nagbibiro lang ito at pinagtri-tripan nanaman siya.
“You don’t believe me, don’t you?” Mapakla niyang tanong at saka umiwas ng tingin upang hindi makita ang sakit na dumaan sa kaniyang mata.
“H-Hindi…ko alam,” she answered honestly.
“Of course you don’t,” hinarap niya muli si Meera bago magsalita. “Hindi mo ba tatanungin kung bakit ako kinakabahan?”
“Does it matter?” raising a brow, she asked.
“It does.”
“Okay. But I don’t care.”
Tumalikod na ang dalaga at akmang hahakbang na palayo, tulad ng lagi niyang ginagawa nang magsalita si Jelome.
“Kinakabahan ako kasi masyado kang malapit sa akin. Ngayon pa lang ay hindi na ako mapalagay at kinakabahan na,” muli niyang pag-amin. “Meera, natatakot ako dahil baka madala ako sa senaryo mamaya at totohanin ko na.”
Mariing lumunok ng ilang ulit si Meera ngunit hindi niya hinarap si Jelome. Nanatili ito sa kinatatayuan, nakatalikod sa aktor.
Nagising ang diwa nilang pareho sa malakas na palakpak ng direktor. Sinabihan silang pumwesto na at humanda.
Si Jelome ay nasa ibabaw na ng kama. Nakasandal ang kalahating katawan sa headboard ng kama habang ang kalahati naman ay natatakpan na ng kumot.
Si Meera ay nasa sulok pa at nakauot ng roba. Una siyang kukunan na nakatalikod at ginugulo ang kaniyang buhok.
“Cut! Good take. Next scene tayo, Meera.”
Tumango si Meera. Mabagal niyang hinubad ang roba na tumatakip sa kaniyang katawan. Taas noo siyang naglakad palapit sa kama kung saan naroon si Jelome. Tanging manipis na pares ng underwear na lamang ang suot niya.
Matalim niyang tiningnan sa mata si Jelome habang dahan-dahang naglalakad.
“Cut!” hiyaw ng direktor.
Halos hindi makatingin ng diretso ang aktor matapos umalingawngaw ang boses ni Jericho.
Sa susunod na senaryo ay parehas na silang nakahiga sa kama. Unang kinunan ay ang talampakan nilang tila nagkikiskisan sa ilalim ng kumot na nakatabing sa ibabaw. Umakyat ang camera, sinundan nito ang kamay ng aktor na ngayon ay naglalakbay na sa bawat kurba ng katawan ni Meera.
Fvck! Paulit-ulit na minura ni Jelome ang sarili sa isipan. Masyadong pasaway ang alaga niya sa ibaba dahil noong tinabihan siya ni Meera sa kama ay unti-unti itong nagising mula sa mahimbing na pagpapahinga. Galit na galit na ito at nagpupumilit na kumawala sa kaniyang kulungan. Keep your calm, buddy, wala tayong session ngayon.
"Cut!"
Tumikhim ang binata at mabilis na inalis ang kaniyang kamay sa kurba ni Meera. Paulit-ulit niyang pinapaalalahanan ang sarili na huwag gumawa ng bagay na maaring ikagalit lalo ng aktres, o ng bagay na mas lalong magpapalawak sa gap nilang dalawa.
Nanatiling tikom ang kaniyang bibig at hinihintay ang susunod na cue ni Jericho.
"Akala ko ba kinakabahan ka?" Usisa ni Meera na ngayon ay nagsisimula na rin makaramdam ng kaba sa maaring mangyari.
Masyadong mainit ang palad ng aktor. Hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin itong gumagapang sa kaniyang katawan. Isang bagay na labis niyang ipinagbabawal sa sarili at katawan.
Hindi niya maaring maramdaman iyon.
Hindi siya maaring magpadala sa sensasyon na dulot ng init ng kaniyang katawan. Kung bibigay siya, para na rin niyang pinatunayan kay Jelome na madali lang siyang makuha.
"I am," Jelome almost whispered.
"Hindi ka mukhang kinakabahan. Mukha kang nag-eenjoy," tugon naman ni Meera.
"Both. Kinakabahan ako habang nag-eenjoy, sweetheart."