BAHAGYANG umawang ang bibig ni Meera. Nais niya lamang inisin ang kapareho ngunit tila kabaligtaran ng kaniyang inaasahan ang nangyari, dahil siya itong naiinis. Bumabalik sa kaniya ang ibinabatong bola tulad sa larong basketball ay nag-bounce back ito sa kaniya.
Ang hindi inaasahang pag-amin na ‘yon ni Jelome ang siyang naging dahilan ng namumuong iritasyon sa kaniyang kalooban. Tila doon din nagsimula ang pagka-ilang nila sa isa’t isa. Naging awkward ang atmosphere habang sila ay nakahiga sa iisang kama at tanging undies lang ang suot.
Ang direktor at camera man ay nag-uusap hanggang ngayon. Tila nagkaroon ng problema sa senaryo. O ‘di kaya naman ay hindi sila satisfied, hindi nila nagustuhan ang performance ng dalawang artista dahil parehas na nakakunot ang noo.
“Sorry,” pagpapaumanhin ni Jelome.
Halos pumintig ang dalawang tainga niya sa paghingi ni Jelome ng tawad. Ang kanan na kilay ng aktres ay umarko paitaas ngunit nanatili siyang nakatingin sa gitna, kung saan naroon sila Jericho. Hindi niya nilingon, o naisip na lingunin man lang ang aktor.
Sa halip na masayang ang oras niya kay Jelome ay nag-isip na lamang siya ng kung ano ano upang kahit paano ay malibang ang kaniyang isipan. Ngunit, kahit anong pilit ay hindi maalis sa kaniyang isipan ang mga kataga na binitawan ng aktor ilang minuto ang nakalipas.
“Meera, Jelome, alam kong hindi kayo magkasundo sa likod ng camera, at kung magbangayan kayo ay dinaig niyo pa ang aso’t pusa. Pero huwag niyo naman sanang dalhin sa trabaho ang personal niyong isyu sa isa’t – isa,” pagtatalak ni Jericho sa dalawang artista.
Napayuko si Meera, kagat-kagat ang kaniyang pang-ibabang labi. Nanatiling tikom ang bibig ng aktor. Palipat-lipat ang kaniyang mata kay Meera at Jericho, pinapakiramdaman niya ang dalawa.
Pakana niya ang lahat. Siya ang dapat sisihin dahil siya ang puno at dulo ng lahat ng ito. Siya ang nagpumilit at kumausap sa direktor na ituloy ang proyektong ito at sila ni Meera ang kontratahin gumanap sa bida.
Ang proyektong ito na pinamagatang Touch the Skies ay hindi pa gaano plantsado. Kakatapos pa lamang isulat ni Jericho ang kwento. Under review pa sana ito, ipapabasa sa ilang kapwa direktor sa team upang hingan ng suhistyon at kritik patungkol sa istorya. Dapat ay dadaan pa sa maraming revisions ang manuscript ngunit ipinikit ni Jelome na ilunaad ito agad ng hindi pulido. Ginamit niya ang mga gamay upang maaprubahan agad ito’t mailunsad.
Meera. Siya rin ang may kasalanan kung bakit naghihirap ngayon ang aktres. Kung sana ay hindi siya naging duwag noon, kung sana ay nagkaroon lang siya ng lakas ng loob upang suwayin ang ama, hindi sana sila aabot sa puntong ito. Siguro ay mali ang kape na nainom niya noong araw na ‘yon, hindi siguro ito matapang kaya’t hindi rin siya nagkatoon ng tapang na ipaglaban si Meera at ang pag-iibigan nila.
He was also the one who dragged her in this mess, in this situation. Hindi man nagrereklamo si Meera kung mababakas ang pagod sa kaniyang mukha. Hindi lang pagod sa pakikipagtalo at pagtakbo kay Jelome kung ‘di sa lahat ng bagay. Pakiramdam niya ay nasa gitna siya ng isang malawak na disyerto, mag-isa niya at walang maaring hingian ng tulong.
“Nakikinig pa ba kayong dalawa?”
Tumikhim si Jelome. Sinulyapan niya muna ang aktres na katabi bago tuluyang ibuka ang mga labi. “Yes. We’re sorry for the trouble we caused to you and to the whole production team.”
Kumunot ang noo ng aktres. Bahagya niyang siniko ang tagiliran ng aktor at saka ito inirapan. Nagkibit balikat lamang si Jelome at muli nanamang humingi ng pasensya kay Jericho.
“Anong we pinagsasabi mo riyan?” pabulong na angil ni Meera sa kaniya.
“Because we are a team here, Meera. Parehas tayong mayroong pagkukulang at kasalanan sa nangyari. Hindi na tayo bata.”
“Wait.” Itinagilid ng akres ang katawan upang maharap ang binata. Hindi ito ikinatuwa ng direktor ngunit napagpasyahan na pagbigyan ang alaga niyang aso at pusa, kahit lima hanggang pitong minuto lang. Mainam na rin siguro ito nang makapag-usap sila ng maayos at magawa ang trabaho ayon sa naaayon..
“Teka nga, Jelome. Teka lang ha? Magkaliwanagan nga tayo at parang hindi tayo nagkakaintindihan e.”
“I bet we are.” Dahil paano tayo magkakaintindihan kung ayaw mo akong pakinggan at laging tinatakbuhan, Meera, he wanted to add but he did not.
“Can you repeat what you said earlier?” irritatedly, she asked.
“Which one?”
“Iyong sa part kung bakit we are sorry!”
“Oh, that one.” He paused for a while and took a very deep breath. “Because we are a team here, Meera. Parehas tayong mayroong pagkukulang at kasalanan sa nangyari. Hindi na tayo bata.”
“Excuse me but are we still talking about work here?”
“Of course we are talking about work, Meera,” he reasoned out.
Mabibigat ang sunod sunod na paghinga ni Meera. Hindi na siya natutuwa sa mga nangyayari sa pagitan nilang dalawa. Pakiramdam niya ay pilit na ibinabalik ni Jelome ang nakaraan nila na matagal ng tapos at hindi na muling madudugtungan pa. Pilit niyang isinisingit at ikinukunekta sa mga bagay-bagay ang usapin na iyon.
“Times up!” Naubusan na ng pasensya si Jericho. Nasasayang ang oras niya sa dalawang ito na walang ibang ginawa kung hindi magbangayan at bigyan siya ng sakit ng ulo. Dapat pala ay nagdala siya ng maraming Ibuprufen dahil mukhang mapapadalas siyang makakaramdam ng sakit sa ulo.
“Tama na ‘yan. Siguro naman ay sapat na ang limang minuto na iyon na nakapag-usap kayo at makapag-intindihan, to sort out things and stuffs that is not related to work?”
Ginawa niyang pamaypay ang script na hawak. Pawis na pawis na siya at kanina pa nagtitimpi sa isang hindi propesyonal na pag-akto ng dalawa.
Paano ba naman siya hindi mai-stress? Ang mga kuha nilang dalawa ay walang dating at halatang hindi totoo.
“Umayos kayong dalawa. Work as professionals. I don’t know about your past or what happened to the both of you before but please, huwag niyong idala sa set ko. Nagkaka-intindihan ba tayo?”
Sabay na gumalaw ang ulo nilang dalawa at tumango. Sa loob ni Meera ay nakakaramdam na siya ng hiya at takot. Hiya dahil baka hindi niya naabot ang expectations ng direktor sa kaniya at sa performance niya. Takot na baka bigla siyang palitan at gawing si Armida ang bida, na baka magbago ang isip nito ngayon lalo na’t nasa teaser pa lang sila.
No! I can’t let that happened. Hindi niya maaring sayangin ang pagkakataon na ibinigay sa kaniya upang maungusan ang demonyita. Kung mapupunta sa kaniya ang role ay yayabangan siya nito’t hindi tatantanan sa pag-uuyam. Hindi lang ‘yon, magiging maligaya ito ng lubusan dahil masosolo niya si Jelome.
“Walang spark! Walang energy ang galaw niyo at hindi kagana-ganang panoorin. Kung ako ang makakanood niyan sa telebisyon, aba’y ililipat ko na lang sa ibang channel. O ‘di kaya naman ay papatayin ko nalang ang telebisyon ko dahil nag-aaksaya lang ako ng oras at kuryente.”
“Sorry,” nakayukong pauminhin ni Meera. Hiyang hiya na talaga siya. At wala na talaga siyang mukhang maihaharap kung papalpak pa ulit siya ngayon.
“We’ll talk after this shoot, Meera. We will talk.” Pasimpleng bumulong ang aktor habang naglilintanya ng sermon ang kanilang direktor. Pumasok ang assistant niya at binigyan siya ng bottled water. Nanatali ito sa tabi ni Jericho at kumuha ng isang portable fan, itinapat niya ito sa direktor.
“For what?”
“For us, Meera.”
Mapakla siyang natawa at nailing. “Us? There was never an us, Jelo.”
“Be professional,” muling paalala ng direktor. “Uulitin natin itong last part. Ayusin niyo. Wala dapat maarte dito, kailangan magmukhang makatotohanan. Pwede niyo rin totohanin. Nasa sainyo, diskarte niyo.”
Kinunan nila ulit ang tatlong senaryo. Mabilis silang nakausad dahil parehas silang naging cooperative; sineryoso na nila ang trabaho. Pansamantalang nawala sa isipan ni Meera ang tunay na estado sa pagitang nilang dalawa.
“Bravo! Next scene. Move closer,” utos ng direktor.
Umirap muna si Meera bago nagkusa at walang reklamo na iginalaw ang sariling katawan. Isiniksik niya ito kay Jelome.
“Closer pa. Huwag niyong pandirian ang isa’t-isa dahil wala naman siguro kayong nakakahawang sakit.”
Jelome moved closer. Ipinaikot niya ang kamay sa balingkinitang kurba ni Meera upang mas lalong maisiksik ang katawan niya sa kaniya.
"Very good! Ngayon, tingnan niyo ang isa't-isa sa mata. Iyong malalim na tinginan at matagal. Isang uri ng tingin na mayroong halong pagnanasa at pag-ibig. One, two, three, action!"
Napalunok si Jelome nang magtama ang mata nilang dalawa. Ganito ang uri ng tingin na ibinibigay ni Meera sa kaniya noon, ilang taon na ang nakalipas. Punong puno ng adorasyon at pagmamahal.
Bumilis ang t***k ng puso ng dalaga. Sumasabog ang emosyon na nararandaman niya sa ngayon. Masyadong marami, iba-iba, at halo halo. Hindi niya halos mawari kung ano at bakit.
Inilapat ng aktor ang isang daliri sa baba ni Meera at mas lalong inangat ang ulo niya dahilan upang maging magka-lebel na sila.
"Meera," halos pabulong na sambit ng binata sa kaniyang pangalan.
Tuluyan ng nakagat ng aktres ang pang-ibabang labi. Masyadong mariin na umabot na sa puntong nasusugat na ito. Nalalasahan na ng aktres ang kalawang na likido, sa wari niya'y galing sa duguan niyang labi.
"Damn. Don't bite your lips, Meera." He breathed out softly without breaking their eye contact with each other. "Stop biting it or I will bite it for you."
Imbis na alisin ay mas lalo niya lang diniinan. Gusto ko bang makagat niya? Litong tanong niya sa sarili. Masyadong pasaway ang katawan niya. Para itong may sariling utak na nagdidikta sa bawat galaw.
Sa isang malalim na tingin pa lang ni Jelome ay tila nawawala na ang aktes sa tamang huwisyo at tila nawawalan ng kontrol sa sariling katawan.
Ayaw niyang nalalapit ang sarili sa binata ngunit ayaw niya ring lumalayo ito sa kaniya. Ganoon kagulo at ka-kumplikado ang nasa isipan niya.
"I can't take it anymore. Meera, I want to kiss you so damn bad!" Kaunti na lang din ay mababaliw na si Jelome sa kakaisip sa pagitan ng tama at mali.
Ngunit, tunay nga sigurong lahat ng mali at bawal ay masarap. Dahil sa pagkakataong ito ang nasa isip lang ni Jelome ay si Meera.
Meera, if loving you was wrong then I don't want to be right.