HINDI mailarawan ang tuwa na nararamdaman ng direktor. Sa wakas ay nakita na rin niya ang spark at chemistry sa dalawa niyang artista. Hindi niya nga mawari kung umaakto pa ba ang dalawa o tinotoo na nila ang kilos. Na kung umakto silang dalawa ay parang walang camera ang nakatutok at nakaabang sa bawat kilos nila. Masyadong natural ang galaw at masyadong passionate ang tinginan.
“Tingnan mo ‘yung dalawang aso at pusa natin direk, parang may sariling mundo!” Kinikilig na bulong ng kaniyang personal na alalay. Impit ang kaniyang pagtili upang hindi marinig sa camera.
“Direk may itatanong ako sa ‘yo, huwag ka sanang magagalit ha? possible kaya na magkatuluyan ang aso at pusa sa totoong buhay, direk?” Dala ng kuryusidad ay itinanong niya.
Labis siyang nagtataka kung bakit aso at pusa ilarawan ng nakararami ang dalawang indibidwal na madalas magbangayan, tulad ni Meera at Jelome. Sa kanilang probinsya kasi ay maraming alagang hayop ang lola niya. Mayroong aso, pusa, baboy, manok, at gansa. Ang aso at pusa nila ay hindi naman nag-aaway. Sa katotohanan, malambing sila sa isa’t-isa at madalas pa nga ay magkalaro.
“Aba, hindi ko alam! Itanong mo nalang sa pagong.” Mataray na sagot ni Jericho habang ang mata ay nanatili sa kama.
“Po? E direk wala namang pagong dito,” kamot ulo niyang tugon. Hindi naman nagsasalita ang pagong ha.
“Meron. Ayon o.” Ngumuso si Jericho sa kaliwang bahagi ng silid. Sinundan naman niya ito ng tingin. Napadpad ang mata niya kay dumbo, isang miyembro ng production team. Siya ang naka-assign sa props making at theme ng bawat set up. Maliit lang siya at mataba ngunit sobrang creative naman ng idea; maliit man siya ay malaki naman ang utak niya sa mga ganitong usapin.
“Si Dumbo, direk?” Napuno ng pagtataka ang babae. Hindi niya nasusundan ang nais ipahiwatig ng direktor. May alaga bang pagong si Dumbo? Tanong niya sa sarili.
“Naghahanap ka ng pagong, ayon si Dumbo, kakambal ng pagod ‘yan sa sobrang bagal kumilos.” Umiling-iling si Jericho.
Si Dumbo ay kasalukuyang nasa sulok ng silid, sa may pinakadulo. Kung hindi lang siya malapad ay hindi mo siya mapapansin. May hawak hawak siyang giant burger at nilalantakan ito ng tahimik sa gilid. Hindi mo ‘ata siya makikita na walang hawak na pagkain o walang nakasubo sa bibig. Kahit mabagal siyang kumilos ay isa pa rin siya sa mga esensyal na miyembro ng team kaya kahit gaano kakupad gumawa ay hindi siya maalis-alis ni Jericho. Masyado siyang talentado at isa sa mga bigatin sa industriya.
“Hehe hindi kita ma-gets direk.”
Ang portable fan na hawak hawak niya ay nakatutok na pala sa kaniya at hindi na sa direktor. Hindi niya iyon napansin dahil nadadala siya sa senaryong napapanood.
Lumunok si Meera, kasabay non ay ang mariin na pagpikit ng kaniyang dalawang mata. She was waiting for his lips to on hers. Hindi mawari ng aktres kung parte pa ba ito ng pag-akto, o pumikit siya mismo dahil gusto na rin niyang maramdaman ulit ang lambot ng labi ni Jelome.
“Cut!” Hiyaw ni Jericho nang kaunti na lamang ay magdidikit na ang labi nilang dalawa.
Sa hiyaw na iyon tila natauhan ang dalawa. Itinulak ni Meera ang binata at saka bumalik sa dating pwesto. Hindi ito makatingin ng maayos at diretso sa direktor. Nahihiya pa rin siya sa kaniya. Pakiramdam niya ay hindi pa rin sapat ang performance niya.
Sa kabilang banda naman ay kumuyom sa ibabaw ng bedsheet ng kama ang dalawang kamao ni Jelome. Ito ‘yung sinasabi nilang almost but never enough. Muntik na magdikit ang mga labi nila ngunit hindi naging sapat ang lapit upang magdikit. Sayang! Kung bakit ba naman kasi sumingit pa sa eksena si Jericho! aniya sa isipan.
“Great work, everyone! That’s the professionalism that I am talking about!”
Pulang-pula ang buong mukha ni Meera. Alanganin ang ngiti na ibinigay niya sa direktor. Halos hindi na bumuka ang bibig niya upang mag-iwan ng komento. Nakahiga lang naman siya at nakipagtitigan lang kay Jelome pero daig niya ba ang tumakbo sa ilang kilometrong kalsada sa pagod na nararamdaman at sa bilis ng t***k ng kaniyang puso.
“Nabitin ko ba kayo?” Tatawa-tawa at medyo pabirong tanong ni Jericho sa kanilang dalawa. Ang katabi niya ay humahagikgik na rin at halos mangisay na sa kilig.
“Yes/No!” sabay nilang tugon sa direktor. Si Jelome ang nagsabi na oo samantalang si Meera naman ang nagsabi na hindi.
Nanlaki ang mata ni Meera sa hayagang pag-amin ni Jelome. Masyado na ‘ata makapal ang mukha niya para gawin at sabihin ang bagay na iyon hindi lamang sa harap ng direktor kung ‘di maging sa harap ng buong team.
Tumikhim ang aktor. “What I mean is nakakabitin ang oras. Akala ko magtatagal ang shoot at kaunti lang ang break. Akala ko lang pala,” dipensa niya.
Tinawanan lang siya ng buong team na nasa loob ng silid. Syempre iyong tawa ni Jericho ang pinakamalakas.
Habol habol ni Meera ang kaniyang hininga habang tahimik na nakikinig sa susunod na instraksyon ng team.
Pumalakpak ang assistant director ng set. “Water break muna tayo! Sa artists kung gusto mag-retouch sabihan niyo lang ‘yung nakakulay dilaw sa gilid at tatawagin niya ang make up artist niyo.”
“Yes! Break time na!” parang bata na pahayag ni Dumbo. Nagtawanan ang lahat sa itinuran niyang iyon. Katatapos lang kasi niyang ubusin mag-isa ang giant burger na in-order. Mayroon pang hot sauce sa gilid ng kaniyang labi, tiyak na hindi niya iyon napansin o naramdaman.
“Minu-minuto naman break time sayo!” kantsaw ng kapareha niya sa team.
“Paborito raw na subject ni Dumbo ang Mathematics noong High School,” hiyaw naman ng isa.
“Ay sana all magaling sa numero. Samantalang ako, tuwing papatak ang math namin tinatabihan ko yung valedictorian namin. Sumisipsip ako at humahaba ang leeg ko,” kumento naman ng isa.
Masayang makita ang team na nagkakatuwaan. Na kahit mahirap at nakakapagod ay nagagawa pa rin nilang makipagbiruan at makipagtawanan sa isa’t isa. Tunay nga ang kasabihan na no man is an island.
“Aba, sino ba nagsabing numero ang inaaral ni Dumbo sa math? Ang math niyan e meryenda, agahan, tanghalian, at hapunan.”
“Uy, grabe kayo kay Dumbo ha! Schoolmate ko ‘yan noong high school. Macho siya noon at habulin ng mga babae. Lagi yan excited mag-aral kaya ang sexy lalo sa mata nung mga fangirls niya. Kaya ayan, kumain nang kumain at nagpataba dahil ayaw niya raw sa gaanong atensyon, at para tantanan na siya ng mga fan girls niyang parang linta.”
“Aba artistahin naman pala ang Dumbo natin!”
Nagtuloy-tuloy ang katuwaan at pagbibiruan nila. Hindi gumalaw ang aktres at nanatili lamang sa pwesto. Hindi niya ibig makipagsalamuha sa kanila ngayon dahil mayroong bumabagabag sa kaniyang isipan.
“Are you okay? Ang putla mo, Meera. May nararamdaman ka bang kakaiba?” usisa ni Jelome.
Meron! “Wala naman. Mainit lang siguro,” kalmado niyang sagot.
Gusto niyang ipukpok ang bato sa mismong ulo dahil sa salitang lumabas sa bibig. Mainit? Paanong mainit gayong mataas ang lokasyon ng probinsya, malamig ang klima at hindi gaano masakit sa balat ang init ng araw. At isa pa, nakabukas ang aircon ng silid kaya bakit siya naiitan? Kung naiinitan nga ba talaga.
“Are you sure?” he asked again. Mababakas ang pag-aalala sa mukha ng aktor.
“Of course, I am!”
“Teka, hintayin mo ako. Kukuha lang ako ng tubig. Kailangan mong uminom.”
“No. Huwag ka na mag-abala pa. Hindi ako nauuhaw.”
“Sigurado ka ba? Nag-aalala ako sayo.”
“I am, Jelome. Huwag mo na akong alalahanin. Excuse me,” sambit ni Meera.
Tumango ang binata. Naramdaman ni Meera ang paggalaw ng kama na kinahihigaan ngayon dahil tumayo ang katabi. Pinanood niya ang likod ni Jelome na lumakad palayo sa kaniya.
Sinamantala niya ang pagkakataon na wala si Jelome upang bumangon din. Lumapit siya sa direktor at nagpaalam na iihi lang.
Sinuot niya ang roba at taas noong naglakad palabas. Lingid sa kaniyang kaalaman ay lihim siyang sinusulyapan ni Jelome.
Nanatiling tikom ang kaniyang bibig at diretso ang kaniyang mukha habang hinuhugasan ang kamay. Malamig ang tubig na lumalabas, kasinlamig ng tubig na mula sa umuusok na ice water. Namamanhid na ang kaniyang kamay sa lamig ngunit wala siyang pakialam.
Gusto niyang basain ang mukha at maghilamos sana upang mahimasmasan at magising sa katotohanan ngunit hindi maari. Hindi pwede kasi masisira ang naka-set niyang ayos. May shoot pa at limang minuto lang ang binigay na water break kaya’t alanganin kung aayusan pa ulit siya ni Bubay.
Hinarap niya ang sarili sa salamin.
“Umayos ka, Meera. Nandito ka para magtrabaho at hindi para lumandi. Ikalma mo ‘yang pechay mo.”
Huminga siya ng malalim. Kasabay non ay ang pagpikit ng kaniyang dalawang mata upang kalmahin ang sarili at ang utak.
Subalit, pagmulat ng kaniyang dalawang mata ay halos mapatalon siya sa gulat. Mula sa repleksyon ng salamin ay nakita niya ang katawan ni Jelome. Nakapamulsa ito at prenteng nakatayo sa kaniyang likod.
"J-Jelome," utal niyang sambit. Ang bilis ng t***k ng puso niya ay pinaghalong excitement at kaba. "A-Anong ginagawa mo rito?"
"Ano nga ba?" Nagkibit balikat siya at saka humakbang palapit kay Meera.
"Sabihin mo nga Meera, bakit nga ba ako nandito ngayon? Ipaliwanag mo sa akin kasi hindi ko rin alam at maintindihan ng lubusan."
"Stop moving! Diyan ka lang, huwag kang lalapit sa akin!" Nanginginig ang boses ni Meera, hindi sa takot kung hindi sa kaba.
"What if I don't?" Nanghahamon na tanong ni Jelome. Isang hakbang pa ay dead end na ni Meera. Tumatama na ang kaniyang pwet sa malamig na lababo.
"Sinusundan mo ba ako?"
"Sinusundan ba kita?" patay malisya niyang tanong pabalik.
He laughed. "To honestly answer your question, hindi kita sinusundan."
"Kung ganoon, bakit ka nandito?"
"Para ituloy ang naudlot kanina."
And with that, he sealed her lips using his.