PULANG-PULA ang pisngi ng aktres. Muntik na niyang mabitawan ang hawak na glass bottle dahil sa pagkagulat. Kagat-kagat niya ang pang-ibabang labi habang hiyang-hiya na sinasalubong ang mapang-asar na si Jelome. Tumawa siya. “Halika na,” aniya’t hinila ang aktres patungo sa daan palabas. “Alanganin na yung oras kung magluluto pa ako. Kumain nalang tayo sa labas.” May taglay na mahika ang ngiti ng aktor. Iyon ang konkulsyon na nabuo sa isipan ni Meera noon pa man. Hindi niya labis na maintindihan kung bakit hindi niya mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya sa tuwing nakikita niya itong ngumingiti. Muli, nahigit niya ang hininga niya. Tila nakaramdam ng kakaibang enerhiya na dumaloy sa kaniyang katawan. Para siyang nakuryente nang magtama ang kutis nilang dalawa. Hinawakan siy

