PINANLISIKAN niya ng mata ang aktor. Kung ano-ano ang lumabas sa bibig nito. Muli niyang inirapan ang nakakainis na pagmumukha ni Jelome. Ibinalik niya ang pansin sa blender, padarag niya itong sinara bago pindutin ang button. Buryo niyang pinanood ang mabilis na pag-ikot hanggang sa unti-unting masira ang saging. Dumiretso siya ng tayo. Pinatay niya ang blender at maingat na binuksan. Kuntento na siya sa kinalabasan at texture ng kaniyang fresh banana shake. Pagbukas ay sumalubong sa kaniyang ilong ang mabangong amoy nito. Ngumiti siya. “Excuse me,” taas noo niyang sambit sa mukha ng lalaki. “You’re blocking my way.” She saw a hint of amusement within his face. Ilang segundo rin itong nakipaglaban sa pakikipagtitigan. Ngumisi siya bago itagilid ang mukha upang mas makita si Meera.

