Chapter 9--- Simple complications

1816 Words
Habang naglalakad sa pasilyo papasok ng eskwelahan nila si Xander ay humahangos naman na dumating ang kaibigan at kaklase niyang si Tyron na tumakbong lumapit sa kanya. Humihingal pa ito ng tumigil ito sa kanyang tapat at humawak sa sarili nitong mga tuhod na animo'y pagod na pagod. Ilang Segundo din silang nakatayo lang doon bago siya nagpasyang lumakad paalis nang hindi kaagad magsalita ang kaibigan. “Xander! Sandali lang.” “Bakit?” Hinawakan ng kaibigan ang dibdib nito nang tumingala sa kanya. “Bakit ka ba kasi nagtatatakbo?” Tumayo ito ng tuwid at lumapit ulit sa kanyang kinatatayuan at nakiabay sa paglalakad. “Haven’t you heard the news?” Ani nitong akala mo ay napaka-importante ng ibabalita. “What news?” Kunot noong tanong niya. “As usual lagi ka nalang huli sa mga ganitong balita, Pre.” Kinunutan niya ito ng noo. “Ano ba kasi yan? Bakit di mo pa sabihin?” Itinaas nito ang isang kamay para pigilan siya sa pag-amba dito ng dalang libro. “Ito na.” Inayos muna nito ang suot na polo shirt. “Have you heard about the new student sa High School Department?” “No. How about it?” “Pre, she’s a goddess.” Nakatingala pa ito sa langit na parang doon ay nakikita nito ang tinutukoy nitong estudyante. “And so? What does it do with me?” He started walking away with larger pace. “Hey. You couldn’t care less when you hear about her more.” “That’s your thing, not mine.” Tuluyan niya na itong tinalikuran at pumihit papunta sa kanilang classroom. “Don’t try to pollute my brain.” “Ang sakit mo namang magsalita 'Pre.” Humabol ito sa kanya at sumunod sa paglalakad niya. “Sometimes the truth hurts, 'Pre. Tigilan mo na kasi yang pagiging perverted mo.” “Masakit na talaga 'yun.” Eksaherado nitong sinapo ang sariling dibdib habang umaarte. “Kasi tigilan mo na.” Dumikit ito sa likuran niya. “I’m just curious how many of the people here in Cebu and particularly here in our university has the same surname with you? With Doña Milagros?” “What?” Napatitig siya sa kaibigan habang iniisip ang sinabi nito. Hindi naman ganoon ka-rare ang apelyido ng pamilya ni Donya Milagros pero madalang na may makapareho ang mga ito sa isang lugar at lalo na sa eakwelahan nila. “And I heard, that girl comes from the U.S.” Ilang beses siyang napakurap-kurap dito. Why he has this wild guess na si Uela ang tinutukoy nito? “I even heard the name… Was it Lola? Lou? Eula? Tiningnan niya ng matalim ang kaibigan na nagpaatras dito at saka ito tinanong. “Saan mo siya nakita?” “Sa high school building siyempre.” Napapantastikuhan nitong sagot. “Kung alam mo lang kung gaano kadaming estudyante ang nakatambay sa labas ng classroom niya para makita lang siya, magugulat ka.” Tiningnan niya ang kanyang relong pambisig. Ten minutes na lang at magsisimula na ang kanyang klase. Marahas siyang napakamot sa kanyang ulo at nagparoo’t parito sa harapan ng kanilang classroom habang si Tyron ay nagtataka ang tingin sa kanyang ginagawa. Why does she have to be in his University? Ang dami namang eskwelahan doon sa Cebu partikular na doon sa lugar nila na may tatlong eskwelahan na pang high school pero bakit doon pa sa eskwelahan niya pumasok ito? Pupunta ba siya sa high school department at kukumprontahin ito? Pero ano ang dahilan niya? “Ahhh.” Sigaw niya habang sabunot ng dalawa niyang kamay ang magkabilang bahagi ng kanyang ulo. Di na ba siya matatahimik dahil dito? Maya-maya ay tinapunan niya ng masamang tingin ang kaibigan na bahagyang napaatras sa kinatatayuan at pagkatapos ay tumakbo siya papalabas ng building nila patungo sa may high school department. Sa layo niyon ay tatlong minuto ring takbo ang ginugol niya para lang marating ang classroom na itinuro sa kanya ni Tyron. Nang makarating siya roon ay saka niya nakompirmang tama nga ito sa ikwenento nito sa kanya. May mga estudyanteng lalaki nga sa labas ng room siyang dinatnan. Apat na mga binatilyong naka-pang high school uniform at may tatlong lalaki siyang nakitang naka-civillian na ang ibig sabihin ay mga nasa kokehiyo na ang nakatayo sa labas ng room na iyon at nagsisihaba ang mga leeg sa kakatingin sa mga bintana at pintuan upang makasilip lang sa loob. Humihingal siyang lumakad palapit sa classroom. Hindi niya maiwasang isipin ulit ang naisip kanina bago siya ngpunta Sa dami ng eskwelahan sa lugar nila ay bakit doon pa sa eskwelahang iyon pumasok at nanggulo si Uela? Her presence there is going to be another torture for him. Hindi na siya makakilos sa bahay nila ng maayos at hindi rin siya makahinga ng maluwag nitong mga huling araw dahil sa presensya nito tapos pati sa eskwelahan niya ay mapupuno din ng imahe nito? That is just too much for him. Baka atakihin na siya sa puso. Ilang hakbang mula sa pintuan ng silid ay napatigil siya nang lumabas ang medyo may edad ng guro at malakas na magsalita. “Wala ba kayong mga klase ngayon ha!? Bakit dito kayo tumatambay sa harapan ng kwarto namin!?” Nagpulasan ang ilang binatilyong naabutan niya doon pero ang ilan ay nanatiling nakatayo sa kinaroroonan ng mga ito at tila di natinag sa sinabi ng guro. Inihampas ng guro ang dala nitong libro sa dahon ng pinto nang makitang di gumalaw ang mga naiwan. “Ano? Wala ba kayong mga tainga at di ninyo ako narinig? Hala, alis kayo dito bago pa ako tumawag ng security guard!” Napaatras siya at dahan-dahang tumalikod. Kilala niya ang gurong iyon. Isa iyon sa pinaka-terror noong high school siya at kakilala din ito ni Donya Milagros. Medyo binilisan niya ang paglakad paalis doon hanggang sa marinig niya na lang ang malakas na pagbagsak pasara ng pinto sa likuran niya. Lumingon siya at nakita niyang isa-isa na ring nag-aalisan ang mga estudyanteng napagbagskan ng pinto. Nang tiningnan niya ang orasan ay eksaktong alas otso na ng umaga. Late na siya sa kanyang klase. Tinakbo niya ang hagdanan pababa at tinalunton niya ang shortcut papunta sa kanilang building. Mabuti na lang at sanay siya sa takbuhan kaya hindi siya gaanong hinapo ng marating ang harapan ng Business Management Building. Naabutan niya pa habang papasok ang professor niya sa kanilang unang subject. Pasimple niya itong nilagpasan at dagling pumasok sa classroom nila. ..... Kinahapunan pagkarating ni Xander sa opisina ni Donya Milagros ay pasimple niya itong inusisa tungkol sa pagpasok ni Uela sa University niya habang nakaupo siya sa waiting area ng office nito. Nagkunwari siyang nagbabasa ng papeles na dala niya habang hinihintay ang papeles na pinapapirmahan dito. Bahagya lang itong lumingon sa kanya. "Aren't you happy about it?" "No." Umiling-iling siya. "I mean, yes." "Bakit naman? Excited si Uela na pumasok sa school mo eh kaya doon na siya in-enroll ng kuya Ramon mo. Kung nakita mo nga lang siya noong malaman niyang pwede pa siyang makapasok sa school mo, pati ikaw ay matutuwa din sa reaksyon niya." Bakas sa mukha ng Donya ang tuwa ng maalala nito ang reaksyon ng apo pero nang makita ang mukha niya ay may pagtatakang nagtanong ito. "Bakit may problema ba?" "Wala namang problema Ma, kaso nga lang, hindi ba malayo ang school na yun? Marami namang mas malapit dito." Nagtaas ng tingin ang ginang. Inalis nito ang salamin sa mata at bahagyang minasahe ang noo bago siya sinagot. "Don't you think we suggested those schools to her?" Tumayo ito at lumapit sa kanya. Sa kaharap niyang upuan ito pumuwesto. "We did, pero ayaw ng batang iyon. Doon daw siya kung nasaan ka." He felt uncomfortable. Kahit sa hawak na papel niya siya nakatingin ay ramdam niyang tumatagos ang tingin ng mama niya sa kanya. Pinatigas niya ang kanyang reaksyon. Ibinaba niya ang hawak na papeles at saka humarap sa ginang. His mother is very much able to read his gestures and facial reactions at kung mayroon man siyang kailangang itago rito ay kakailanganin niyang mag-ingat ng doble upang hindi nito mabisto. "Okay, since nandoon naman na siya at sa tingin ko ay wala naman na akong magagawa para mapalipat pa siya, I only want something from you Ma. Please, do not let Uela be my burden." Buntunghininga ang narinig niya mula sa ina. "Bakit? Ano ba ang problema kung kasama mo siya sa school? Besides, ibang building naman siya at magkalayo naman kayo, di ba? Your kuya Ramon is counting on you na hindi mo daw pababayaan ang pamangkin mo." "Ma, that is one thing. Uela is a handful of responsibility. How do you expect na hindi siya magiging sakit ng ulo ko? Kayo nga nila kuya Ramon ay hindi niya pinakinggan." Iritable niyang sagot. "Alam kung may pagkamatigas nga ang ulo ng batang 'yun." Seryosong sagot ni Donya Milagros. "Pero hindi ka pa ba nasanay? Noong bata pa 'yun ay ikaw lang ang nakakapagpatahan sa kanya a." "That was history already, Ma. Malaki na siya ngayon." "But that kid knows you only. Ikaw lang ang kilala niyon kaya gusto niyang malapit siya sa'yo." "Then, I can't promise na lagi akong naroon sa tabi niya." Dinampot niya ang hawak na papel kanina at tumayo na. "I'll get going, Ma." Tumango lang ang ginang at hinayaan na siyang maglakad hanggang sa may hamba ng pinto pero bago niya nabuksan iyon ay tinawag siya ulit nito. "Sasabay ka ba sa akin mamaya sa pag-uwi?" "Not sure, Ma. I'll let you know." Pagkalabas sa opisina ng ina ay dumiritso siya sa kanyang office table na kung saan ay inabala niya ang sarili sa paggawa ng minutes of the meeting nila kagabi na kailangan ng maipasa bago pa man maghapon noong araw na iyon. Loads of paperwork never exhausted him like this. Dalawang taon na siyang nagta-trabaho sa opisinang ito bilang trainee ni Donya Milagros. Kung tutuusin ay halos alam na niya ang lahat ng pasikot-sikot sa trabaho ng bawat department sa opisina nila pero hindi pa siya napagod ng ganito. Ngayon lang. Ang isang bagay na lang na hindi pa niya nasusubukan sa edad niyang dise-otso ay ang makipag-meet sa mga foreign investors nila. He already once represented her Mother in a Departments meeting and even presented a proposal on one of those pero excitement lang ang naramdaman niya noong mga panahong iyon. Unfortunately, two weeks ago, those excitements turn into exasperation. Parang bumalik yung panahon na kung saan ay umalis ang isang batang karugtong ng buhay niya na kanyang iniyakan ng ilang araw bago siya napayapa ng kanyang ina at kanilang mga kasama pero ngayon naman, ang pagbalik nito ang source ng kanyang stress. Paano ay nasanay na siyang wala ang batang Uela. Ang hindi siya sanay ay ang pagbabalik ng malaking Uela na iba ang epekto sa kanya. .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD