Chapter 10---Can't be near

1656 Words
Napilitang sumabay sa pag-uwi sa ina si Xander nang kinahapunan ay daanan siya nito sa kanyang pwesto. Tumanggi pa siya noong una dahil aniya niya'y dala niya ang sariling sasakyan pero nagpilit ang ginang at ito raw ang makikisabay sa kanyang pag-uwi. Napapayag na rin siya nang sabihin nitong hihiramin ni Ramon ang sasakyan nito maging si Mang Fidel dahil may pupuntahan pa umano sa gabing iyon kaya mauuna ito kasabay niya. Pinauna na lang niya ang ina sa sasakyan at ibinigay ang susi upang makapahinga ito roon habang inililigpit niya ang kanyang lamesa. Pero ang noo’y akala niyang magiging tahimik na pag-uwi ay hindi nangyari. Paano’y nasa loob rin ng kanyang sasakyan si Uela pagkapasok niya. “Xander!” Tuwang bungad nito pagkakita sa kanya mula sa may backseat katabi ng abuela. She was smiling from ear to ear na animo'y matagal silang hindi nagkita. “Nandito ka din.” Tanging nasambit niya at tumingin sa ina. “That's right, Xander. Pinuntahan ko muna si Lola kaya nakisabay na lang ako ngayon. I’m glad nagkasabay tayo.” “Yeah.” Tanging nasambit niya. Hindi na lang niya idinagdag na sasakyan niya ang gagamitin nila sa pag-uwi kaya malamang ay kasabay talaga siya. Tahimik siyang umupo at di na umimik dito habang isinusuot ang seatbelt. Nang matapos siya ay bahagya niya lang nilingon ang dalawa bago niya pinaandar ang sasakyan at tahimik na nagmaneho habang binabagtas ang kalsada pauwi sa bahay nila habang sa likod naman ay hindi matapos-tapos ang tawa ng Donya habang nakikinig sa mga bibong kwento ng dalagita na paminsan-minsan ay nahuhuli niyang nakangiti sa kanya sa rearview mirror. Kaagad na lang niyang iniiwas ang tingin dito at muling itinutuun ang atensyon sa kalsada upang makaiwas lang hanggang sa wakas ay narating nila ang kanilang bahay. ..... “Good morning!” Masiglang bati ni Uela sa kanya pagkapasok niya pa lang ng kusina. Nag-aalmusal na roon ang mga nadatnan niya na bahagya niyang ipinagtaka. Sampung minuto pa iyon bago mag-alas sais at maaga pa para sa iba maliban na lang kung may mga lakad ang mga ito at ang dati-rating huling si Uela ay nakita niyang nangangalahati na sa pagkaing laman ng pinggan nito. “Good morning.” Pormal niyang ganti sabay upo sa silyang nakalaan sa kanya. Sa kabisera ng mahabang mesa nakaupo si Donya Milagros. Si Ramon, Letecia, at ang batang si Elly ay magkakasunod na nakaupo sa kaliwang gilid ng Donya samantalang siya ay sa kanang bahagi ng mesa at sa tabi naman niya ay doon nakaupo sa umagang iyon si Uela. “What’s the time of your first class today?” Tanong agad ni Uela. “Seven a.m.” Baliwala niyang sagot. Kumuha siya ng fried rice, itlog, at tortang talong at maya-maya ay nilapagan siya ni Aling Josephine ng isang baso ng gatas. “Great.” Tuwang sagot nito. “I have seven a.m. class also. Pwede ba akong makisabay?” Napatingin siya sa Kuya Ramon niya at kay Letecia pagkarinig sa tanong na iyon. “Pwede kitang maihatid.” Sagot ni Ramon sa anak. "It seems like your uncle here has important things to do first thing in the morning." “We have to conserve gas, Dad. Carpooling is good para makatipid pa ng gas for future generations.” Tanggi ni Uela sa ama at bumaling sa kanya. Ang ginoo rin ay napatingin sa kanya at natatawang humingi ng dispensa. “Okey lang ba?” Tipid siyang ngumiti sabay tingin sa mama niyang tumango-tango naman. “Okey lang po.” “I’m finished with my breakfast,” Uela said after drinking her milk. “Dad, Ma, Lola, balik lang ako sa room ko. Magbibihis na po ako at baka maiwanan pa ako ni Xander.” “Go ahead, hija.” Sagot ni Donya Milagros. Lihim siyang bumuntung-hininga habang pinapakinggan ang paglayo ng mga yabag ng dalagita. Makaraan ang ilang segundo ay sa pagkain naman niya itinuon ang kanyang pansin. Magana siyang kumain. On days like these na kung saan ay dalawang subject niya ang magkasunod sa umagang iyon ay hindi uubra sa kanya ang kaunting pagkain. Ang sunod niya kasing magiging kain ay mamayang ala-una pa ulit kaya umaga pa lang ay nagpapakabusog na siya. After almost twenty minutes ay naubos rin niya ang laman ng kanyang pinggan maging ang gatas na kada umaga niyang iniinom. Si Ramon at si Letecia ay tapos na sa pagkain pero naroon pa rin ang mga ito sa hapag habang hindi pa natatapos ang Donya sa pagkain. “Salamat po sa pagkain.” Aniya sa ina. “Tapos ka na?” “Opo.” Sagot niya sabay tayo. “Aalis na po ako.” Bago bumaba kanina ay nagbihis na siya ng kanyang uniporme. Ang school bag niya ay iniwanan niya lang sa kanilang salas upang daanan na lang niya palabas. “Take care. Huwag mong pabayaan si Uela. Kung pwede mo siyang maihatid sa klase niya, ihatid mo na ha? O kung hindi naman kahit hanggang sa labas na lang ng building.” “Ma…” Magkapanabay na sabi nilang dalawa ni Ramon. “Malaki na ang apo mo Mama para ihatid pa sa classroom.” Ani Ramon sa ina tapos siya naman ang binalingan “Tama nang maisabay mo siya papunta sa school niyo, Alex, masyado ng abala kung ihahatid mo pa siya sa room niya.” Nakahinga siya ng maluwag. “Sige po.” “Ingat ka sa pagmamaneho mo.” Pahabol nito. "Titingin ka palagi sa kaliwa't kanan mo." “Opo, kuya.” Eksaktong alas-sais y media ay nasa labas na siya ng bahay at tinutungo ang kanyang sasakyan sa may garahe. Nakasalubong niya si Aling Susan na papasok ng bahay at binilinan itong pasunurin na kaagad si Uela upang maiwasan nila ang mahuli sa klase na tumalima naman kaagad. Naabutan niya sa garahe si Mang Fidel na tinitingnan ang sasakyang gagamitin niya. Nang malingunan siya nito ay nag-thumbs up ito sa kanya na ang ibig sabihin ay sapat pa ang gasolina ng sasakyan para sa araw na iyon. "Sigurado kayo, Mang Fidel?" Biro niya sa driver habang inilalagay ang bag sa likurang upuan. "Oo naman. Wala ka bang tiwala dito sa mga uban ko?" Ganting biro nito na ang ibig sabihin ay sa pagiging driver at mekaniko na ito tumanda kaya naman ay alam na alam na nito ang mga ganoong bagay tungkol sa sasakyan. "Meron po. Kayo pa ba?" Nakakaintinding tumawa ito at tinungo ang hose na nakalapag lang sa may gilid ng daan. Hindi naman nagtagal ay dumating na rin doon si Uela sukbit ang kulay pink nitong backpack na mabilis na ngumiti sa kanya. “Shall we?” Anito pagkalapit. “Oo. Halika na at baka mahuli pa tayo.” Nagmadali silang sumakay at nagsuot ng seatbelt pagkatapos ay binuksan na ang makina niyon. “Salamat, Mang Fidel!” Tawag niya sa matanda na noon ay listong nagbukas ng gate nila. “Ba-bye po, Mang Fidel.” Paalam ni Uela pagkalagpas nila dito. Siya man ay kumaway din sa matanda na noon ay kumakaway din sa kanila. “This is such a beautiful day. What can you say?” Wika ni Uela maya-maya habang nakatuon ang paningin sa dinadaanan nilang mga bukirin. Hindi siya sumagot sa tanong nito. Manaka-naka niyang ibinabaling ang tingin sa labas ng bintana pero agad din niyang ibinabalik ang paningin sa harap ng kalsada. “Sama ka sa akin sa classroom ko, ipapakilala kita sa mga new friends ko.” “No and never.” Tanggi niya kaagad. “Bakit?” “Seven din ang start ng klase ko.” “Maaga pa naman e.” “I have preparations to do before we start. May reporting ako ngayon.” “How about kahit ihatid mo lang ako sa classroom ko? Hindi na kita ipapakilala sa classmates ko.” “No pa din.” “Why? Saglit lang naman ‘yun.” “I need to prepare for my report.” Ulit niya sa sinabi kanina. “Sus.” Dismayadong sagot ni Uela pagkatapos ay hindi na ito nagsalita pa at itinutok na lang ang tingin sa labas. Lihim niyang ipinagpasalamat ang pananahimik nito kaya kahit paano ay nakapag-concentrate siya sa kanyang pagmamaneho. Pagkarating ng school ay nakahanap naman siya kaagad ng bakanteng parking lot malapit sa building ng Business Management Department kaya naiparada niya ng mabilis ang dalang sasakyan. “Nandito na tayo.” Pukaw niya sa kasama. Tila wala kasi itong balak gumalaw mula sa pagkaka-upo nito kahit na wala ng buhay ang makina ng sasakyan. Nakalabi lang itong nakatingin sa labas ng bintana na parang tamad na tamad sa pagkilos. Tiningnan niya ang kanyang pambisig na orasan. There is still enough time to prepare for his report. Inabot niya mula sa likod ang kanyang bag at isang brown envelope at lumabas na ng sasakyan. Lugo-lugo namang lumabas si Uela sa sasakyan kasunod niya kipkip ang bag nito. Hindi siya nito kinibo at nagsimula ng maglakad papunta sa high school building. Sinundan niya ito ng tingin. Mula sa kinaroroonan nila ay dalawang building pa ang dadaanan ng dalagita para makarating sa high school department na pakay nito. Nakaka-ilang hakbang pa lang ito mula sa kanya ay nakita niyang may dalawang estudyanteng lalaking kaagad ay pasalubong ng lakad dito mula sa isang bahagi ng parking area na kinaroroonan niya. Parang may sariling isip ang kanyang mga paa na mabilis na lumakad para sumunod kay Uela. Bago pa man ito makasalubong ng tuluyan ng dalawang estudyante ay nahablot na niya kaagad ang kipkip nitong bag at nagdumaling lumakad patungo sa building nito. “Bilisan mo maglakad, mahuhuli ako!” Tawag niya ng makitang tumigil ito sa pagsunod sa kanya. Nakita niya ang pagguhit ng ngiti sa kani-kanina lang ay nakasimangot nitong labi at maya-maya pa ay naka-abay na ito ng lakad sa kanyang tabi sa kabila ng mabilis niyang mga hakbang hanggang sa marating nila ang silid-aralan nito. .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD