“Are you busy?” Untag ni Uela sa kanya habang nakasubsob siya sa pagsagot sa kanyang assignment. Nasa terasa siya ng bahay nila noon na siya niyang madalas paglagian kapag may ginagawa siya para sa kanyang eskwela.
“Yes.”
“Please help me with this.” Anito na hindi pinansin ang kanyang sagot kasabay ng pag-upo sa bakanteng upuan at librong dala nito.
Huminga siya ng malalim. Hindi niya alam kung 'di lang ba ito nakakaintindi sa mga sinasabi niya o sadya lang na ayaw siya nitong intindihin.
“Busy ako. Dalawa ang tinatapos kung assignment at may report ding ipinapagawa sa akin si Mama.”
“Sige na. Di ko lang maintindihan ‘tong assignment ko sa Math. Help me, please.” Kumurap-kurap ito habang nakikiusap na parang batang nagbi-beautiful eyes.
“Have you tried asking Kuya Ramon?” Hindi niya ito pinansin at muling ibinalik ang tingin sa kanyang ginagawa.
“He doesn’t know.”
“Sinabi niya?” Tiningnan niya ito at noon din ay nalaman niya ang sagot. “Hindi di’ba? Try asking him first. Kung hindi talaga balik ka dito.”
“He is busy right now. Magkausap sila ni Lola.” Naka-simangot nitong wika sabay nguso sa kanya. "At saka, why do I need to ask him kung ikaw din naman ang gagawa, di ba?"
Muli ay napabuntung-hininga siya but before he said something again, Uela gathered her things and stumped her feet.
“Fine, I’ll ask Dad first, hmmmp.”
Hindi niya maiwasang mailing sa inasal ng dalagita pagka-alis nito sa harapan niya. Dinig niya pa ang papadyak nitong lakad habang papalayo sa kanyang kinaroroonan.
Muli niyang hinarap ang assignments niya at madalian niyang tinapos ang mga iyon. May kutob siyang ilang minuto lang ang lilipas ay babalik ulit ang dalagita at sa pagkakataong iyon ay alam niyang kailangan niya itong tulungan sa ayaw man niya o sa gusto.
Hindi nga siya nagkamali dahil habang sinusulat ang report na ipapasa kinabukasan sa opisina ay siya namang pagsulpot ulit ni Uela sa harapan niya.
“I already told you, hindi ‘to alam ni Daddy. I even ask Lola pero walang may alam sa kanila.” Padabog nitong sabi.
Bahagya niya itong tinapunan ng tingin pagkatapos ay ibinalik din agad ang paningin sa ginagawa. “Have a seat.” Kalmado niyang itinuro ang upuang inukopa nito kanina.
Pabagsak nitong ibinaba ang dalang notebook at libro sa harapan niya sabay upo.
“Nagagalit ka?” Tanong niya habang nasa kanyang sinusulat ang pansin. Ito naman ang bumuntung-hininga sa tanong niya pero umiling-iling ito.
“Hindi.” Matabang nitong sagot.
“You sounded like one.”
Eksaherado itong umiling. “No. I’m not angry. Will never be.”
“Hindi ka galit pero parang kabayo sa lakas ang padyak mo sa paglalakad.”
“It’s just because you know that Dad won’t be able to help me with this.”
“There is no harm in trying, isn’t it?”
Huminga ito ng malalim. “Only when you know that in the end, you will succeed.”
Hindi talaga ito nauubusan ng isasagot. Sa bawat salitang binibitawan niya ay lagi itong itong may katumbas na sagot.
Pansamantala niyang binitawan ang ginagawang report at hinarap ang dalagita. She showed her notes to him pero hindi niya iyon kinuha.
He asked her to explain the problem and afterwards he patiently explained to her the formula to be used and the procedure to follow and made an example for her to follow.
It took him thirty minutes until she finally understand how to come up with a solution. Akala niya ay eternity na ang aabutin nila sa pag-solved ng order of operation pa lang which is the very basic when it comes to first year high school mathematics.
“Kaya na?” Aniya dito habang sinusubukan nitong sagutan ang number one.
“I think so. I’ll try.” Nakangiwing wika nito.
“Don’t just try. Do it with your best.”
Tumango ito at nagsulat na sa notebook. Habang nagsasagot ito ay hinarap naman niya ang report na ipinapagawa ni Donya Milagros sa kanya. It was the Weekly Progress report of their sales na nakaatang sa kanya ang responsibilidad ng pagmomonitor and so far, he is doing his best job.
Kahit may ginagawa ay maya-maya niyang nililingon si Uela sa upuan nito na minsan ay napapailing pero lagi ay nakakunot ang noo. Minsan naman ay nakikita niyang tumitingin ito sa kanya pero agad din na ibinabalik sa notebook ang tingin sabay sulat doon.
“Magsabi ka kung di mo pa nakuha.” Aniya kahit nakatutok sa ginagawa ang paningin.
Lumabi ito sabay pakita ng gawa sa kanya. “Tama ba ‘to?”
Pinasadahan niya ang ginawa nito sa number one at nang makitang tama iyon ay ibinalik niya dito ang notebook nito.
“Very good. Nakuha mo na.”
She seemed pleased with his compliment kaya ganado nitong ginawa pa ang iba. Pero sa limang ginawa nito ay dalawa sa mga iyon ang mali.
“But I just did what I did with the other problems. The same method.” Katwiran nito.
“Unahin mo muna ito o.” Turo niya. “Remember the MDAS.”
Bumuntung-hininga si Uela bago nagsimulang magsulat ulit sa notebook nito. Makaraan ang ilang minuto ay ipinakita ulit nito sa kanya ang gawa nito. Nakahinga siya ng maluwag nang sa wakas ay nagawa na nito ang lahat ng tama. He is hoping to concentrate with his own tasks at hand and finish all of it before nine P.M.
“So, can you now leave me in peace?”
“I can help you.” Sagot ni Uela habang nanlalaki ang ang mata.
"No need." Mariin niyang iling. "I can do all my assignments. Hindi mo nga alam yung sa'yo tapos tutulungan mo ako? Just get inside.”
Nagdadabog na dinampot ni Uela ang mga gamit nito at walang sali-salitang pumasok sa bahay. Katulad kanina ay dinig na dinig niya ang bigat ng mga paa ng dalagita sa marmol na sahig nila.
.....
Kinabukasan, katulad ng mga naunang araw ay maagang bumangon si Xander para maghanda para sa kanyang klase. Nakabihis na siya ng uniporme at sukbit na ang kanyang bag pagkababa sa komidor nila. Dinatnan niya roon ang mag-asawang Ramon at Letecia ganoon din si Donya Donya Milagros na noon ay nag-aalmusal na.
Binati niya ang mga ito at umupo sa silya katapat ni Ramon.
“What time is your class today?” Tanong ng kapatid.
“Seven, Kuya.”
“Parehas pala kayo ni Uela?”
“Opo.”
“Nasaan na ba ang batang iyon?” Baling ni Letecia sa pintuan ng komedor. “Maisasabay mo ba si Uela ngayon?” Ani nito sa kanya.
Alanganin siyang ngumiti dito at dahil wala naman siyang ibang pagpipilian ay tumango na lang siya. “Sige po.”
“How was the report, hijo. Natapos mo ba?” Ang mama naman nila ang bumaling sa kanya.
“Yes, Ma.” Kinuha niya iyon sa kanyang bag at ibinigay dito.
Pinasadahan iyon ng tingin ng ginang at impress na tumango-tango. “Very good. Thank you.”
“Welcome, Ma.” At itinuloy niya ulit ang kanyang pagkain.
Ilang minuto pa ang lumipas bago humahangos na dumating si Uela na agad na pumuwesto sa tabi ni Alex. Magulo pa ang buhok nito na halatang di pa nakakapagsuklay at di pa maayos ang pagkakasara ng sukbit na bag.
“Bakit ngayon ka lang?” Malumanay na kastigo dito ng ina.
“I overslept.” Nahihiyang sagot nito na nagpatawa sa lola at ama nito. “Sorry.” Binalingan niya lahat pero agad din nitong binawi ang paningin mula sa kanya ng makita nito ang pagsama ng kanyang tingin.
Kaya nga siya gumising ng maaga ay para maaga din siyang makarating sa school at makapag-review pa bago ang simula ng kanyang klase pero ngayon ay mukhang mali-late pa siya ng dahil dito.
“Kumain ka na.” Untag dito ng ina. Saka naman nito naalalang kumuha ng pagkain at nagmamadaling sumubo ng sunod-sunod.
Makalipas pa ang ilang sandali ay iniusog na niya ang kanyang pinggan palatandaan na tapos na siyang mag-almusal habang si Uela ay nangangalahati pa lamang sa laman ng pinggan nito. Nagsalin na lang siya ng gatas sa baso at iyon ang inunti-unti habang hinihintay si Uela na matapos sa pagkain.
“What time do you think you can come to the office today?” Tila naalalang itanong ni Donya Milagros sa kanya.
“Around lunch, Ma. I only have two subjects today and that’s until eleven.”
“How about you, hija. Hanggang anong oras ang klase mo?” Baling ng donya sa apo.
“Hanggang mamayang hapon pa po ako, Lola."
"It's okay. Ipapasundo na lang kita kay Mang Fidel."
Nagliwanag ang mata ng dalagita sa pagkakatingin sa abuela. "Pwede po bang si Xander na lang ang sumundo sa akin mamaya?"
"Uela!" Bulalas ng ina nito sabay tingin sa kanya na parang humihingi ng paumanhin. "Anong akala mo kay Xander, driver?"
Umiling ito "No, of course not. Gusto ko lang na siya ang sumundo sa akin? Is that bad?"
"Si Mang Fidel na ang pasusunduin namin sa'yo mamaya. Huwag matigas ang ulo mo, Uela." Ang ama naman nito ang sumagot na nagpatahimik sa dalagita.
Hindi na nagsalita si Uela ngunit kapansin-pansin ang dismaya sa mukha nito sa sinabi ng mga magulang. Nang matapos itong kumain ay nagpatiuna na siya sa kanyang sasakyan para doon na lang ito hintayin. Hindi naman nagtagal ay humahangos itong lumabas pero maayos na ang pagkakasuklay ng buhok bitbit ang backpack na agad pumuwesto sa passengers side.
Habang minamaniobra niya ang sasakyan ay napansin niya ang pananahimik nito habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Huwag ka ng sumimangot. Ihahatid na lang kita sa building mo ngayong umaga."
Kung kanina ay para itong may malaking problema, ngayon ay bigla namang nagbago ang mukha nito habang nakatanaw sa labas ng bintana. Umaliwalas ang hitsura nito at may ngiting sumilay sa labi na nagpagaan rin sa damdamin niya.
.....