"Xander!" Malakas na tawag ng kaibigang si Rafael na papalapit mula sa b****a ng maliit na pasilyong nilalakaran niya. Natigil siya sa paghakbang at nilingon ito.
"Bakit?"
"T-teka lang." Yumuko ito at humawak sa magkabila nitong tuhod ng makalapit sa kanyang harapan habang hinihingal. "Kanina pa kita hinahabol eh. Hindi mo ako marinig?"
Nanatili lang siyang nakatingin dito na hindi alam kung tatanguan ito o iilingan. Hindi niya talaga ito narinig.
"Hayaan mo na nga." Iling nito at inakbayan na siya at iginiya ng lakad papasok sa building nila. "Nakita kitang galing sa kabilang department. Saan ka galing?"
"Sa kabilang department." Pamimilosopo niya at tinaasan pa ito ng kilay.
"Exactly. Sa kabilang department nga. Saan ka nga galing?"
"Kakasabi mo lang eh. Doon nga ako galing sa kabilang department."
"Ah." Wika nitong parang naklaruhan na. "Sino ang pinuntahan mo doon? May kakilala kang high school?"
"Meron." Tangi niyang sagot at inalis ng braso nitong naka-akbay sa kanyang balikat. Nagpatiuna siya dito ng lakad hanggang sa marating nila ang kanilang classroom.
"Sino ang pinuntahan mo doon sa kabila?" Tanong ng nakasunod na Rafael na hindi pa rin pala sumusuko sa tanong nito.
Tumigil siya sa paghakbang papasok ng silid kung saan naabutan nilang marami na ang naroong kaklase nila at hinarap ito. "Ang anak ng Kuya Ramon. Masaya ka na?"
Tumango-tango ito at nginitian siya. "Akala ko kung sino na. Nakita kitang dala-dala ang bag nung babaeng estudyante kanina eh."
"That's my Kuya's daughter you are talking about."
Hindi ito sumagot at inunahan siyang pumasok. Nang makaupo ito ay saka lang siya pumasok at tinungo ang sariling upuan.
.....
Katulad ng sinabi sa ina, pagkatapos ng klase ay naka-unipormeng dumiretso siya sa opisina para naman sa kanyang trabaho. May iilang papeles na nasa ibabaw ng kanyang mesa ang kanyang nadatnan pero nang tiningnan niya ang mga iyon ay puro for filing lang naman kaya kaagad niyang inilagay sa filing folder. Matapos siya ay pinuntahan niya naman ang ina upang ayaing kumain ng tanghalian.
Kumatok siya sa malaking pintuan ng opisina bago niya iyon binuksan. Dinatnan niya ang inang kausap ang manager for operations ng kompanya na kaagad tumayo sa kinauupuan nito nang pumasok siya.
"Magandang tanghali po, Ma, Mr. Suarez. Nakakaabala po ba ako?"
Ikinumpas ng Donya ang kamay sa hangin. "We are talking business as usual. Itong si Martin ay may bagong proposal." Turo nito sa kausap na madalas ay nakakausap rin niya na sinenyasan niyang maupo ulit. Tumalima naman ito at naupo paharap sa kanyang kinaroroonan.
"Yeah. About having office in the U.S especially now that we are supplying one of their biggest market. It's a good move, I can tell." Wika ni Mr. Suarez.
Parehong napako ang paningin nila ng ina sa ginoong nasa late fifties ang gulang at hindi man sabihin ng donya ay alam niyang pinag-iisipan na nito ang proposal na iyon ng ginoo.
Naputol ang katahimikan nila ng balingan siya ng ina. "Halika, nagugutom ka na ba? Lunch na ba tayo?"
"I'm fine, Ma. Go ahead and finish your talk first. Dito lang po ako." Turo niya sa magkakaharap na upuang malalaki ang sandalan malapit sa bintana. Iyon ang inuupuan ng mga bisita ng ina kapag mayroong pumupunta sa opisina nito at ilan lamang sa mga iyon ay ang mga foreign investors nila.
"Are you sure?"
"Yes, Ma." Naupo siyang nakatalikod sa dalawa pero ang tainga niya ay sumasagap ng mga importanteng detalye sa pinag-uusapan ng mga ito. Magagamit niya kasi ang mga iyon kung sakali man na gusto ng ina ang ideya ng kanilang Operations Manager. Pihadong kakailanganin niyang mag-research ng katakot-takot para mapag-aralan nila ang proposal.
"That's going to be a lot of hard work." Narinig niyang naisantinig ng ina sa kausap. "Premature projects doesn't work properly so I will put all these to proper thinking."
"I'm thinking just like that. I know you won't just jump into any decision immediately when I only talk about this few days ago, besides, a lot of things should be put into consideration when you decide on this."
"Thank you, Martin. Care to join us for lunch?"
Bahagya siyang nag-relax sa pagkakaupo nang marinig ang tila pagdi-dismiss ng donya sa kausap at bahagyang ipinihit ang inuupuan paharap sa mga ito.
"I'm good, Donya Milagros. Thank you anyways. I'll just go ahead and check the operations." Binalingan siya nito. "See you, Alexander."
Tumango siya dito at pinanatiling pormal ang mukha hanggang sa makalabas na ito ng silid. Martin is a very strict employee who adheres to each and every rules of the company. Hindi nito gusto ang nepotismo but believes with the fruit of hardwork instead which he admires a lot. Maging ang kanyang Mama ay bilib sa ginoo dahil sa likas na galing nito sa pamamalakad ng operations ng kompanya. Bagaman at ilag halos ang lahat ng mga empleyado dito ay hindi naman maikakaila kung gaano ito hinahangaan ng lahat.
"Ano nang nangyari sa'yo diyan? Para ka ng na-estatwa." Pabirong puna ng ina nang makitang hindi pa rin siya gumagalaw sa kinauupuan.
Noon siya kumilos at tumayo. "Baka makagalitan ako ni OM."
Natawa ang mama niya sa kanyang sinabi. "Ano namang akala mo doon, ganoon kasungit? Mas masungit pa ako doon kaya huwag kang matakot."
"Kahit na. Mama naman kita eh."
"O sige ito na lang. Kapag sinungitan ka ni Martin sabihin mo sa akin, ako ang haharap sa kanya. Takot lang niyon sa akin."
Nakangiti siyang lumapit dito at yumakap. "Biro lang 'yun, Ma. Mabait sa akin si OM."
Tinapik siya nito sa may balikat. "I know. Anong akala mo, na kukunsintihin kita? Asa ka."
"Thank you sa support, Ma." Pabiro niyang wika at lumayo sa ina ng nakanguso kaya hinablot nito kaagad ang laylayan ng kanyang damit.
"Saan ka pupunta?" Tanong nito.
"Sa labas po."
"Di ka sasabay ng kain sa akin?" Hindi siya sumagot. "Kahit may steak pa?" Umiling siya. "Eh kung may laing?"
Kaagad na gumuhit ang ngiti sa kanyang labi ng marinig ang pangalan ng naturang pagkain na isa sa kanyang mga paborito. Alam ng donya kung paano siya aaluin pagdating sa mga lokohan nila.
"Halika na, Ma. Sasama ka ba?" Nagpatiuna na siyang lumakad palabas ng pintuan ng opisina habang ang ginang naman ay nagmamadaling hinabol siya. Nang maabutan siya nito ay isang mahinang pingot ang ibinigay nito sa kanan niyang tainga na nadatnan ng kanyang Kuya Ramon na kakalabas lang mula sa isang silid.
"Mukhang masaya kayo habang wala ako ah." Biro nito at inakbayan siya.
"Nagkakatuwaan lang kami nitong bunso mong kapatid. Parang takot na takot kay Martin eh."
Tumaas ang kilay ng kuya niya sa kanya. "Totoo ba?"
Umingos siya kay Donya Milagros bilang tanggi sa sinabi nito. "Hindi Kuya. Niloloko ko lang ang Mama."
Natawa naman ang mama nila. "Niloloko niya daw ako. Hindi ka nga makakilos kanina."
Ang brasong nakaakbay ng kanyang Kuya Ramon ay pabiro nitong isinakal sa kanyang leeg. "Totoo bang takot ka kay OM? Sabihin mo sa akin at ako ang bahala doon."
"Aray ko, Kuya." Pabiro niyang tinapik ng makailang beses ang braso ng kapatid na para silang nasa wrestling bago siya nito pinakawalan.
"Baka masaktan mo ang bunso mong kapatid Ramon. Tigilan niyo na 'yan." Natatawang saway ng ginang sa kanila. Natatawa namang sumunod ang kuya niya at iniakbay na lang ang isang braso sa kanya.
"Treat ko na lang ang lunch natin ngayon, ano?" Tanong nito sa kanya na ikinatango niya ng malakas.
"Sige, Kuya. Doon tayo sa bagong bukas na pizza parlour." Masayang bulalas niya. Noong isang araw ay nabanggit iyon ng isa niyang kaklase at kanina habang papunta sa opisina ay nadaanan niya iyon.
"Pizza? Tanghalian natin?" Ingos ng mama nila. "Paano yung laing?"
Umingos rin siya sa kapatid. Iyon nga pala ang sinabi ng Donya na uulamin nila kaya siya makikisabay rito ng kain. "Wala palang laing doon Kuya, ano?"
"Laing pa din ang paborito mo?"
"Ay naku, oo. Laing pa din ang paborito niyan kaya doon tayo sa may laing." Ang mama niya ang sumagot.
"Paano naman ako, Ma? Paano yung paborito ko?" Kunwaring tampo ng Kuya Ramon niya.
"Oo na. Alam ko na. Kung may laing ay dapat may Bicol express din. Halina, doon tayo sa karinderya ni Manang Carmen. Lahat ng paborito niyo ay makikita natin doon."
Nagpatiuna ang ginang sa kanila ni Ramon habang sila naman ay magkaakbay na sumunod dito sa paglabas ng opisina. Tinungo nila ang kalapit na karinderya kung saan ay karamihan sa kanilang mga empleyado ay nadatnan nilang nagsisikainan na.
.....
Buong maghapon ay naging abala na si Xander sa mga gawain niya sa opisina at hindi na namalayan ang pagtakbo ng oras hanggang sa oras ng kanilang uwian.
Nagre-record pa siya noon sa computer ng mga dokumentong itatabi sa kanilang filing document nang sumulpot ang ina at nag-aya ng umuwi kasabay ng ibang empleyado.
"Paano ang kuya?" Linga niya sa bandang kinaroroonan ng opisina nito.
"Bayaan mo at may meeting pa. Sasabay na ako sa sasakyan mo. Dadaanan natin si Uela dahil pahihintayin ko na lang si Fidel kay Ramon. Na-late kasi yung ka-meeting niya ng dating kaya maaatrasado siya ng uwi. Paano, halika na?"
"Pupunta ulit ako ng school, Ma?"
"Oo. Halika na. Huwag ka ng magreklamo at baka mainip ang pamangkin mo doon sa school."
Napasimangot siya sa narinig. Ayaw na sana niyang bumalik pa ng school ulit pero ngayon ay wala na siyang magagawa pa. Ang mama na niya ang nagsabi na susundo sila.
Patamad niyang itinabi ang ginagawa at binitbit ang dalang bag kanina. Habang palabas ng building ay umabri-siyete ang ina sa kanya na napuna ang kanyang pananahimik.
"Ayaw mo bang sumundo sa pamangkin mo?"
Ikinunot niya ang noo upang sadyang itago ang naramdamang kaba. "Hindi naman sa ganoon, Ma."
"Pagbigyan mo na lang ako ngayon. Wala kasing susundo doon sa bata. Bayaan mo at hindi na kita muling oobligahing sunduin si Uela sa susunod."
Agad siyang napatigil sa paglalakad at pumihit paharap sa ina. Hindi niya gustong mamis-interpret ng ina ang iginawi niya. "Ma, hindi naman masama ang loob ko. Okay lang sa akin na sumundo sa apo niyo." Biglaan niyang kambyo. Parang pakiramdam niya kasi ay wala siyang utang na loob na sa simpleng bagay na pagsundo sa dalagita ay ayaw pa niyang gawin.
"Ang OA mo. Sinabi ko bang masama ang loob mo?"
"Baka ho kasi isipin niyong wala akong utang na loob dahil-."
Isang pinong kurot sa braso ang nagpatigil sa kanya sa pagsasalita. "Kung ano-anong naiisip mo. Sinabi ko lang naman na hindi kita o-obligahin na sumundo kay Uela sa mga susunod na araw dahil libre na si Fidel 'nun."
Napagtakip niya ang dalawang labi. Hindi niya napag-isipan ang sinabi niya ng mabuti.
"You're my son. It doesn't matter kung sa akin ka galing o hindi, basta anak kita. You are entitled to say no kung ayaw mo, okay? But this time, pagbigyan mo ako dahil baka matakot yung pamangkin mo doon sa school kapag nakita niyang gumagabi na at wala pa siyang sundo."
Dahil doon ay bigla siyang nag-aalala para sa dalagita. Matatakutin pa naman iyon lalo na noong bata pa. Kung hindi pa nagbago ang dalagita ay baka nagpa-panic na ito sa mga oras na iyon.
"Kunin ko lang yung sasakyan sa parking, Ma. Hintayin niyo na lang po ako diyan sa labas."
"Mabuti pa nga."
Nauna na siya sa paglabas at tinungo ang pinagpaparadahan ng sasakyan. Mabilis niyang pinaandar iyon at gumawi sa entrance ng building kung saan ay dinatnan niya ang inang nakatingin rin sa gawi niya.
"Let's go, Ma!" Pasigaw niyang wika upang magmadali ito. Kung kanina ay parang tamad na tamad siya, ngayon ay parang bigla siyang nagkaroon ng hindi maipaliwanag na bilis upang makarating lang kaagad sa eskwelahan nila ni Uela. Sa dakong kanluran kasi ng kalangitan ay natanaw niyang unti-unti ng bumababa ang araw. Kapag natagalan pa sila sa pag-alis ay baka abutin sila ng dilim at tuluyang mag-alala ang dalagita na maiwan sa eskwela. Sabay-sabay pa naman ang high school department na nagpapalabas sa hapon.
"Hoy, mag-iingat ka sa pagmamaneho mo. Baka sa halip na eskwelahan ang puntahan natin ay sa hospital tayo mapunta." Puna ng ginang sa mabilis niyang pagmamaneho.
"Anong oras na, Ma. Baka wala ng kasama si Uela sa school." Walang lingon-lingon na sagot niya.
"Sabagay." Hindi na muling nagsalita ang ginang hanggang sa nakarating sila sa pakay nila kung saan ay nadatnan nga nilang manaka-naka na lang ang estudyanteng nasa labas ng gate ng eskwela.
.....