Chapter 17---Danger ahead

1705 Words
Pagkarating ni Uela sa school ay dumiritso kaagad siya sa first year building kung saan ay pinakaiwasan niyang lumabas ng kanilang classroom. Kahit kanina sa may gate ay hindi na niya pinapasok pa si Mang Fidel at tanging sa katapat na gate lang ng high school department niya ito pinahatid at hindi sa main gate kung saan ay magkahalo ang mga college students at mga high school. Hindi niya gustong manghingi ng sorry kay Xander. Hindi dahil sa ayaw na niya itong makabati kung hindi dahil sa ayaw niyang magmukha na naman siyang kawawa rito. Lagi na lang kasing siya ang nagsisimula na magkausap silang dalawa at tingin niya ay dapat ng matigil iyon. She looked outside the window and stared at nothingness. Nagle-lecture ang teacher nila sa Filipino pero walang pumapasok sa isip niya sa mga sinasabi nito. Ang isip niya ay inililipad ng hangin papunta sa kung saan na hindi niya malaman samantalang base sa mga nakikita niya sa kanyang mga kaklase ay engaging naman ito magturo dahil lahat ay nakatutok ang pansin sa harapan. "Binibining Aragon. Kasama ka ba namin ngayon?" Pukaw ni Mrs. Sanchez na sinamahan pa ng mahinang pagkatok ng hawak nitong chalk sa pisara. Napalingon siya dito at pagkatapos ay sa mga kaklase niya. "Mukhang may iba kang iniisip Binibining Aragon, gusto mo bang ibahagi iyon sa amin?" Napakunot siya ng noo. Ibahagi? Hindi niya maintindihan ang teacher nila. "I'm sorry, Ma'am." Tinitigan muna siya nito pero hindi naman nito inulit ang sinabi kanina at sa halip ay makaraan ang ilang segundo ay nagpatuloy na sa pagle-lecture kaya nag-focus na siya sa pakikinig rito. Pagkatapos ng subject nila at makaraang lumabas ng silid si Mrs. Sanchez ay tinanong kaagad siya ng katabi niyang si Lila. Isa ito sa mababait na kaklase niya bagama't hindi ito kasama sa kanyang circle of friends. "Okay ka lang ba?" "Yeah, I'm fine. Thanks for asking." Totoo ang ngiting ibinigay niya rito. She can hear the concern in her voice. "Kung mayroon kang tanong, just ask me okay? I will do my best to help you." "Thank you." Noon naman lumapit ang isa sa limang kaibigan niya, si Trish. "Louela, come. Let's have some snack." "Sure." Tumayo siya at binitbit ang bag. Bago tumalikod ay nilingon niya muna si Lila at nginitian na ginantihan naman nito ng ngiti rin. Kasama ang apat na mga kaibigan- dalawang babae at dalawang lalaki- ay pumunta sila sa canteen. Kanya-kanya silang order ng gusto nilang pagkain bago sila pumuwesto sa isang pabilog na lamesa. "What are we going to do later, guys?" Basag ng isa sa mga kaibigan nilang si Gary sa katahimikan. "What's the plan? Naghihintay iyong mga kasama natin sa pizza parlour noong nakaraan kung ano ang susunod nating lakad. Makikisali na naman yata." Nagtinginan silang apat dito pero agad siyang nagbaba ng tingin upang iwasang mapunta sa kanya ang tanong. "Food hunting tayo? Just like the last time?" Suhestiyon ni Bianca. "I can't go, today. Next time siguro? Magkikita kami ni Marie later." Wika ni Trish na ang tinutukoy ay ang sikat na estudyante sa college department nila. "Bakit naman? Minsanan lang naman tayo lumabas eh, saka na lang yung lakad niyo." Wika naman ni James na tumingin sa kanya. "How about you, Lou, game ka?" Umiling siya at seryoso ang mukhang nakatuon sa pagkain ang pansin. "I can't. Grounded ako ng Lola ko. May sundo ako." "Owww." Chorus ng magkakaibigan sa paraang nanunukso. Si James ay ipinalo pa sa lamesa ang isang kamay. "We are talking about the Aragon's here guys. Rich people of their caliber do really have a practice different from us." Ani ni Gary. "Sa amin kasi, tamang palo lang tapos kinabukasan ay okay na ulit." Eksaheradong paglalahad nito ng istorya. "Hindi ako maniniwala sa'yo." Tawa ni Bianca. "Nakakatikim ka talaga ng palo? The son of the board member dito sa probinsya natin? Hindi naman kapani-paniwala." Tumawa lang si Gary kaya sinundan ni Trish ang sinabi ni Bianca. "Yeah, right. I don't think nakakatikim 'to ng palo. Mas maniniwala pa ako na grounded si Louela kesa sa palo sa'yo at mas maniniwala pa ako kung sinabi mong wala kang baon for a week katulad ng sa akin." "Coming from you, Ms. Hotelier. This is not the time to be humble." Sabat ng isa nilang kasama. "Shut up, James. Gusto mo bang hindi na namin dayuhin yung mga restaurant niyo?" She eat silently. Hindi niya kaya ang energy ng mga kaibigan niya. Yes, they are all rich and they just jive during her first day of school. Nang malaman ng mga ito na isa siyang Aragon ay naglapitan ang mga ito na parang iyon ang natural na gawin at napasama na siya sa grupo. They are not particularly caring pero naroon ang mga ito para samahan siya which is the most important for her. "Kailan ka pwedeng makasama kung ganoon?" Tanong ni James. Umiling siya. "When Lola is already happy with me." Nagtinginan ang mga kasama niya sa lamesa at maya-maya ay pasikreto siyang pinagtatawanan. She doesn't care about it, she is not that sensitive and doesn't care about their opinions that much. After their snack, they went back to their classroom except for Trish. Dumaan ito ng college department bago sila umakyat sa floor nila. ..... Matapos ang tatlong unit na subject ng klase ni Xander noong umagang iyon ay pansamantalang lumabas ang tatlong magkakaibigan upang bumili ng kanilang makakain para sa meryenda. Nagkasundo silang sa main canteen ng unibersidad pumunta dahil sa mas maraming mapagpipiliang pagkain roon kaysa sa college canteen nila. Habang nakapila para sa pagkuha ng pagkain ay hindi naman sinasadyang napatingin siya sa gawi kung saan ang mga estudyanteng naroon ay kaiba sa mga uniporme nila ang hitsura. Kilala niya ang ganoong uniform dahil nakikita niya iyon kay Uela. "Pare, naaalala mo yung goddess sa high school na sabi ko sa'yo nung nakaraan? Biglang ungkat ni Tyron kasabay ng pagtapik sa balikat niya. "Ayun 'yun siya." Turo pa nito sa estudyanteng babaeng bahagyang nakatalikod ang upo sa kinatatayuan nila. "Goddess? Bakit hindi ko pa narinig 'yan?" Nagtatakang tanong naman ni Rafael habang siya ay walang emosyong itinutok ang tingin sa tinutukoy ng kaibigan. "Lagi kasi kayong huli sa balita, Pare. Hindi ko nga alam kung ano bang mga pinagkakaabalahan niyo at lagi kayong mga walang balita sa mga nangyayari dito?" Si Rafael ay tumutok rin ang tingin sa tinitingnan niya at maya-maya'y nakakunot ang noong bumaling sa kanya. "Hindi ba't siya 'yung anak ng Kuya mo?" Hindi niya iyon kinumpirma dahil sa pagkakitang pag-andar ng kanilang pila pero maagap naman si Tyron sa pagkumpirma. "Totoo ba, Xander?" Nang hindi siya nakaimik kaagad ay ang kaibigan namang si Rafael ang sinenyasan ni Tyron na sinagot nito ng pagkibit ng balikat. "Pare, mag-kwento ka naman. Totoong pamangkin mo 'yun?" Muli nitong baling sa kanya. "At 'yung mga kasama niya, hindi ba't mga kilalang pasaway ang mga 'yan?" "Ano naman kung anak siya ng kapatid ko?" Kunot ang noong tanong niya. "Ipakilala mo kami siyempre. Ito naman, inilihim mo naman sa amin eh." "Gusto mo bang ako na mismo ang humabol na sa'yo ngayon pa lang? Hindi ka patatawarin ng kapatid ko kapag ginulo mo yang panganay niya." Umanyong nalulungkot si Tyron na bumaling kay Rafael. "Grabe naman, ipapakilala lang naman eh. Wala naman akong sinabing guguluhin ko ang buhay niya." "Sa pagka-pabling mo, kahit kaibigan mo, wala ng tiwala sa'yo." Iling ni Rafael dito at tinapik pa ito sa braso. Tuluyan siyang tumalikod sa dalawa at pinakaiwasang mapatingin sa gawi ni Uela. Sa ilang linggo na hindi nila pag-uusap ng dalagita ay hindi na niya alam kung ano ang mga nangyayari dito. Nakilala niya ang apat sa mga kasama nito noong naabutan nila ni Donya Milagros sa restaurant at maging sa mga pangalan. Alam niyang hindi maganda ang mga gawi ng mga estudyanteng kinabilangan ng dalagita pero hindi naman niya alam kung paano ito sasawayin. ..... Pagkatapos ng klase nina Xander ay kaagad silang lumabas ng kanilang room upang pumunta sa opisina ng ina kasama ang dalawang mga kaibigan na magsisiuwian naman. Nilalakad nila ang papunta sa pinagparadahan ng kanyang sasakyan kung saan ay sasabay ang dalawa hanggang sa kalapit na sakayan ng pampublikong transportasyon pauwi sa kani-kanilang mga bahay. Si Tyron na sagad sa kakulitan ay nakapagitan sa kanila ni Rafael at nakaakbay ang mga braso sa kanilang dalawa habang panay ang kwento tungkol sa kung ano-anong bagay na pawang lahat naman ay mga kalokohan lang din na hinahayaan na lang nila ng huli. Panay oo na lang sila kahit na wala silang interes sa mga sinasabi nito. "Uy--uy..." Bigla nitong wika sabay turo ng daliri sa dalawang estudyanteng babae sa di kalayuan. Nakasuot ang isa ng uniporme ng high school habang ang isa naman ay uniform pang-kolehiyo ang kasuotan. "Di ba't kasama 'yan noong pamangkin mo kanina doon sa canteen?" Pinagmasdan niya ng maigi ang itinuturo nito at nakilala nga niyang si Trish iyon. Isa sa mga kasama ni Uela sa kantina kanina at kausap ang kolehiyalang si Marie, ang kilalang socialite sa university nila. Bilang nag-iisang anak ng isang kilalang negosyante ay bagay rito ang titulong Ms. Everything dahil sa pagkakaroon nito ng halos lahat ng luho kahit halos kaidaran lang nila ito. "Si Marie 'yun di ba?" Hindi nakatiis na tanong ni Tyron. "Yan yung sorority leader dito sa University natin?" Kunot ang noong itinuon niya ang tingin sa dalawa. Parang mayroon siyang hindi magandang kutob sa tagpong iyon na may kinalaman kay Uela at sa bali-balitang paglaganap ng sorority sa high school department nila. Kung hindi pa napapalingon ang dalawang estudyante sa gawi nila ay hindi pa sila matitinag na tatlo sa kanilang kinatatayuan. Isang ngiti mula kay Marie ang nagpanumbalik sa huwisyo niya pero bago tuluyang humakbang palayo ay isang matiim na tingin muna ang iniwanan niya sa dalawa. Hindi niya hahayaang tuluyang mapabarkada ang anak ng kuya niya sa grupong kinabibilangan nito ngayon. Ayaw man niyang isipin ay may nakikini-kinita siyang kapahamakan kapag nagpatuloy ang pagsama-sama ng dalagita sa mga ito at hindi siya mananahimik na lamang sa isang tabi hanggang nangyari iyon. Nakakaintindi namang tahimik na sumunod sina Rafael at Tyron sa kanya hanggang sa nakarating sila sa kanyang sasakyan. .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD