Spg
Natasha Pov.
(Engineer)
Hindi ko alam kung paano ako nakakilos upang umalis sa lugar na iyon. Naninikip ang dibdib ko dahil lamang sa aking nasaksihan. Wala akong ideya kung bakit nasasaktan ako? Alam ko naman sa sarili kong hindi ko dapat ito maramdaman, hindi dapat ganito ang tinatakbo ng emosyon ko dahil sa simula ay ako na ang umayaw.
Naupo akong muli kung nasaan ang pwesto namin, hindi ko na naabutan doon si spencer at bukod tanging ako na lamang ang taong naroon.
Pinakikiramdaman ko ang takbo ng puso ko, mabilis ang pagtibok nito. Naninikip pa rin ang dibdib ko habang mabilis din ang aking paghinga.
Huminga ako ng malalim, pinilit kong pakalmahin ang sarili sa pamamagitan ng pag-inom. Hindi naibsan ng alak na iyon ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung paano aayusin ang sarili bago ko maramdamang may taong umupo sa tabi ko.
"Where have you been?" it's spencer voice. Nag-aalala siya bago nito ilapag ang basong may lamang tubig. I smiled at him shortly before i took the glass of water. Akala ko kakalma ako sa oras na inumin iyon, hindi rin pala. Parang aabutin yata ng ilang baso ng alak ang kailangan kong inumin para lamang kumalma ako.
Hindi yata ako nakapaghanda.
Ang akala ko pag nakita ko si noah ay ayos lang sa akin, wala lang sa akin ang presensya niya at iniisip kong makakayanan kong may makasama siyang ibang babae.
Pero iba ang sinasabi ng puso ko, gusto kong murahin ng paulit-ulit ang sarili ko dahil mahigit limang taon na ang nakalipas ngunit heto ako at apektado pa rin sa lalakeng iyon.
"Are you drunk? Gusto mo bang ihatid na kita pauwi?" spencer asked me again, his face was full of concern. Walang halong ibang motibo kundi pag-aalala lamang ang siyang nakikita ko.
I shooked my head. "Hindi pa ako lasing, samahan mo pa akong uminom." kinuha ko ang bote at nagsalin sa aking baso. Hindi ito tumutol, nakatingin lang siya sa akin habang sinasalinan ko ang kanyang baso.
Ini-angat ko ang akin matapos mapuno iyon, sunod niyang kinuha ang kanya na ngayo'y tinungga ang baso kong inilapit dito.
Spencer was looking at me when i drink the wine diretcly, ibinaba ko ang baso ng mawalan iyon ng laman. Hindi siya umapila sa nangyari. Hinahayaan ako nito na tila ba may nalalaman na siya sa nangyayari.
We stayed in that place while drinking. It's almost few hours passed but i still haven't seen noah return to where he was sitting earlier.
Hindi ko alam kung bakit iniisip ko pa ang lalakeng iyon.
I'm surely, they're get a room to heaten up the night. Ano pa ba ang aasahan ko sa lalakeng iyon?
He's not that kind of gentle, hindi romantic at kahit ano ay wala siya. Maliban na lang sa kabaitan. Well, noah have a little nice attitude sometimes. Hindi ko lang alam kung hindi pa ba nagbabago ang noah na nakilala ko noon.
I stroke my hair using my hand. Bakit ko ba pinoproblema ang monteclaro na 'yon?
May kasama siyang babae at may kasama din akong lalake.
Kung sineryoso niya ang pagtataboy ko sa kanya noon at tuluyan na nga akong kinalimutan, dapat ganun na lang din ang siyang ginagawa ko noon.
Ano pa bang inaasahan ko?
"Saan ka ba nakatira?" nilingon ko si spencer na may bahagyang ngisi. Hindi ko alam kung interesado ba talaga siya sakin dahil hindi niya talaga ako iniwan.
"Malapit lang." kemeng sagot ko bago ubusin ang huling inumin na meron ako. Alam kong may tama na ako ng alak, ang dami na ng nainom ko. Naubos na yata namin ang alak dito sa mesa, nahihilo pa ako ngunit kaya pa naman.
"I-uuwi na ba kita?" tumango lang din ako na may bahagyang ngisi.
"Sige... Inaantok na rin ako."
"Saan ang address mo?" sinabi ko sa kanya ang lugar kung saan ako nakatira. Tumango siya, inalalayan niya akong tumayo ng umamba akong tatayong mag-isa. Hinawakan niya ang bewang ko na halos sakupin na nito ang buong katawan ko, sumandal ako sa kanyang dibdib. Hindi ko na yata magawang lumakad ngunit nakaka-aninag pa naman ako ng maayos.
Nahilo lang ako ng tuluyan dahil sa ginawa kong pagtayo.
"Where will you take her?"
A baritone voice spoke to Spencer. I haven't still looked at it yet while my gazed is on my feet. I leaned on spencer's chest and hugged him when if feel a trouble on my head. Sumakit lang lalo ang ulo ko sa ginawa kong pagyuko, nasusuka pa ako.
"I-uuwi ko na siya."
"Ako na." hindi ko alam kung anong meron ngunit nalipat yata ako sa ibang tao. Para na lang yata akong lumilipad sa ere dahil sa sobrang dami ng nainom ko, kasalanan to ng lalakeng 'yon.
"Did you know her?" boses iyon ni spencer. Hindi na ako makapagmulat dahil nais ko ng mahiga, ngunit may gumuguhit sa sikmura ko na nais kumawala doon. Naduduwal ako kaya't tinakpan ko ang aking bibig.
"Yes." iyon ang sagot ng lalake may hawak sa akin ngayon, sinipat ko ito. Ngunit mas lalo lang sumakit ang sikmura ko kayat yumuko ako upang pigilang masuka sa harapan niya. Ang labo ng paningin ko, para akong may suot na salaming may grado.
"Paano ako makakasigurong kilala mo siya?"
"Hey, spencer." tinig ni apollo ang narinig ko sa aking gilid. Ngunit wala akong oras upang tingnan siya. Ang sakit na ng pakiramdam ko, gusto kong humigop ng mainit na inumin upang maibsan ang nararamdaman ko sa aking sikmura. "Magkakilala sila, alam niya kung saan nakatira si natasha. Siya na ang maghahatid sa kanya."
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabing iyon ni apollo, wala akong ideya na pinagkakalulong na niya ako sa ibang lalake. Hindi na nasundan ang usapan na iyon dahil tinangay na ako ng lalakeng may hawak sa akin. Nasagi pa ako sa isang babae na hindi ko alam kung sinadya ba o aksidente lang.
Lumabas kami na halos hila lang ng lalakeng ito ang kamay ko. May coat siya na kulay itim na umaabot sa paa niya. Hindi ko ito mamukhaan, huminto ito sa isang kotse at binuksan ang pinto. Ipinasok niya ako doon na walang kahirap-hirap.
Inaanig ko itong mabuti hangga sa umikot siya upang maupo sa tabi ko.
Kunot ang noo niya, hindi ko lang maklaro ang mukha nito dahil iwas ang titig niya sakin.
"Sino ka?" tanong ko. Hindi niya ako nilingon, binuhay niya ang makina na parang walang narinig na sinabi ko. "Saan mo ako dadalhin!" hindi pa rin ito kumibo kahit tumaas na ang boses ko. Wala lang siyang pakialam sa akin habang nagmamaneho na.
"Hindi mo ba ako sasagutin!"
"I will bring you home."
Tinitigan ko siya ng mabuti dahil sa boses niya. Bahagyang nakababa ang kanyang buhok. Matalim ang mata niyang nakatitig sa daan na para bang nais manapak ano mang oras, ang ilong niya na kay tangos kahit saang angulo mo tingnan. Ang labi niya na mapula kahit hindi binigyang effort papulahin ay normal na. Pamilyar siya sakin ngunit imposibleng siya ito, nagdedeliryo na yata ako sa sobrang kalisangan dahil siya itong nakikita ko.
"Ikaw pa ba si spencer? Ihahatid mo na ba ako pauwi?"
Lalong nangunot ang noo niya. Maging ang pagkibot ng labi nito ay tulad ng lalakeng nakikita ko.
Walang iba kundi si noah.
Ngunit siya nga ba ito? Hindi ba ito hallucination?
"It's that spencer? Your boyfriend?"
"Huh? I don't have boyfriend."
I saw a little smirked on his lips. "Imposibleng wala, natasha."
My throat went dry when he mention my name, tila nais ko pang maubo dahil maging ang pagbigkas niya sa pangalan ko ang kuhang kuha.
"Sino ka nga ba kasi!"
"Are you making fun with me again?"
"Hindi ako nakikipag-biruan sa'yo, sino ka. Kakambal ka ba ni noah? Bakit magkamukha kayo?" hindi niya ako nilingon ng sabihin ko iyon. Wala talaga siyang balak tingnan ako kahit naghuhurimintado na ako sa tabi niya. "Hindi mo na naman ba ako sasagutin!"
"Just shut up."
"Huh, shut up your face! Ibaba mo na lang ako sa kotse mong bulok! Uuwi akong mag-isa." Pansin kong nangisi siya sa sinabi ko. Anong nakakatawa? Siya yata ang may oras na makipagbiruan sakin ngayon, si noah ba talaga 'to?
Pero bakit niya ako ihahatid? Nasaan yung babaeng kahalikan niya kanina? Tapos na ba sila?
"Your still the natasha with a loud mouth." namilog ang mata ko sa sinabi niya.
"A-anong sabi mo, ako maingay!"
"Why are you with that guy? Did you know him?"
Napasinghal ako. "Bakit mo tinatanong!"
"Is that your new boyfriend? I heard a lot about you, iba't ibang lalake ang kasama mo."
"Single naman ako, kahit sino pwede kong makasama. E ikaw ba, ilang babae ba ang naikama mo na!"
Nagtangis ang bagang niya at hindi ako sinagot. Kung si noah man ito o hindi wala na akong pakialam pa, maaari ko naman sabihin lahat ng nais ko. Nahihilo man o nasusuka kaya ko pa rin naman siyang sagutin.
"Nakikipag-halikan ka nga sa iba, is that your girl? Your toy? Tapos na ba kayo kaya ihahatid mo ako?"
"I just kept you away from that guy, it looks like he has plans for you." natawa ako sa sinabi niya, sumandal ako sa upuan. Nakatingin ako rito habang focus siya sa daan. Hindi ko alam kung nasaan na kami, hindi ko na rin ito sinagot dahil parang talaga siyang si noah. Siya nga ba talaga ito? Nag-aalala siya sa akin kung may masamang balak sa akin si spencer?
Huminto ang kotse habang nakatingin lamang ako sa kilos niya. Lumabas ito at umikot sa pwesto ko. Para akong nagdedeliryo dahil si noah nga ang nakikita ko. Binuksan niya ang pinto, nakatingin siya sakin at hinihintay ang pagkilos ko.
Nakuha ko siyang titigan habang naniningkit ang aking mata. Umirap siya, yumuko ito upang buhatin ako. Naamoy ko agad ang pamilyar niyang pabango, ito pa rin ang gamit niya. Hindi ito nagpalit, ibang iba ang amoy nito sa mga lalakeng nakasama ko.
"Ikaw ba talaga si noah?" buhat na niya ako habang hinahanap ang susi sa tabi ng pinto, alam pa rin niya kung saan nakalagay ang secret key? Hindi ba siya mabibigatan sa akin? "Ibaba mo na ako." ani ko, umiikot ang paningin ko dahil sa dami ng aking nainom. Ngunit hindi niya ako pinakinggan, nabuksan niya ang pinto at tuluyan ng pumasok sa loob.
Sumandal ako sa dibdib niya dahil hindi ko na kayang sipatin ang mukha nito.
"B-bakit ngayon ka lang?" I murmured while his walking on stairs, hindi siya sumagot. Ang paghinga at yapak lamang niya ang naririnig ko bago niya buksan ang pinto ng kwarto ko. "H-hinintay kita pero hindi mo na ako binalikan, iniwan mo talaga ako." inihiga niya ako sa kama. Wala pa rin itong imik na tila nakukulitan lang sa isang lasing na kasama niya.
Napasapo ako sa aking noo, ramdam ko ang pagtungo niya sa paanan ko upang hubarin nito ang suot kong heels. Naupo ako kahit nahihilo, mapupungay ang aking mata habang pinapanuod siyang kalasin ang hook ng aking sandals.
"Dito ka ba matutulog?"
He looked up at me. Walang emosyon ang mukha nito, nakatingin lang siya sakin na parang wala lang. Klaro na ngayon ang mukha niya sakin, siya si noah. Narito siya ngayon sa harapan ko.
"Ikaw nga si noah."
Wala pa rin imik itong tumayo, nakatingin pa rin ito sa akin habang nakatingala na ako sa tangkad niya. Tila nawala ang pananakit ng sikmura ko, ngunit ang hilong nararamdaman ko ay hindi naibsan kahit na nakalanghap ako ng sariwang hangin kanina.
"How many boys do you have now?" hindi ako nakasagot sa tanong niya. Seryoso pa rin itong nakatingin sa akin at wala pa rin pinagbago ang reaksyon niya. Totoong marami akong lalakeng nakasama, ngunit ni isa doon ay wala akong sineryoso, wala akong isinama sa bahay at hindi din ako sumama kahit kanino. Lumalabas lang kami, kumakain at namamasyal. Iyon lang, hindi ako nagpapagamit kahit kanino at simula ng umalis si noah ay wala ng umangkin pa sa akin.
"Wala akong lalake."
"Really?" niluwagan niya ang suot na necktie habang nakatingin sa akin, yumuko siya. Mataman itong nakatingin sa aking mga mata na tila kinakabisado muli lahat ng emosyon ko. "I know you're good on playing. Bakit wala ka pa rin?"
"Naniniwala ka sa sinabi ko?"
"Because you said it."
"Paano kung nagsinungaling lang ako?"
"You don't need to explain." hinawakan niya ang baba ko, ini-angat niya iyon upang tuluyan lumapit ang labi ko sa kanya. He slowly claim my lips with a hot passionate kiss, ramdam ko kung paano dumaloy ang elektrisidad sa aking katawan habang itinutulak na niya ako pahiga.
He placed his warm palm on my thigh. He slid it up along with my dress. His kiss moved on my cheek down to my neck. I could feel him lifting my clothes and searching for the part he wanted to touch.
I can't act or appeal for what he does. I already warmed up that he immediately did.
He took away the rest of my vision and all i could think about was his lips and caress.
"Sino nga ulit ako?" noah whispered while his hand getting more wild on my body. Humigpit iyon malapit sa bewang ko, dama ko ang panggigigil niya bago ko tuluyang maibigkas ang pangalan nito.
"N-noah."
"You still remember me, hm?" he licked the part of my shoulder. Wala pa ako sa tamang wisyo ng hilain niya ang aking bistida. He lifted up my dress. He took it off completely while watching me. Next, he took off his longsleeves. he threw the coat he was wearing and didn't care where it landed.
Next, he took off everything he was wearing. I couldn't imagine seeing noah in my room again. Praising and caressed my body. The next thing i knew he almost blew all my thoughts away. Something in my chest felt relieved. His lips and body make my system calmed again.
Mainit ang eksenang pinagsaluhan namin, halos pangalan na lamang niya ang sinasabi ko habang umuulos at inaangkin ako nito. Walang pinagbago ang kilos niya, kaya ako nitong dalhin sa nais ko habang ilang ulit ako nitong inangkin ng gabing iyon.
Umaga na ng magising ako, masakit ang buong katawan ko habang hinahawakan ang aking ulo. Kumikirot ang parteng sintido ko, para akong inuntog kung saan bago ko tuluyang imulat ang aking mata.
Nasa kwarto na ako, may sinag na ng araw sa bintana habang may pumapasok na hangin doon. Natulala ako sa bintana habang iniisip kung totoo o hindi ba ang nangyari kagabi, malayo na ang narating ng isipan ko bago bumaba ang aking mata sa aking katawan.
May damit ako.
Ngunit wala na akong sandals.
Maayos ang aking higaan, wala si noah.
Wala kahit bakas nito sa aking kwarto.
Napasapo ako sa aking noo, nanaginip lang ba ako? Nasobrahan ba ako ng lasing?
Napamura ako bago tumakbo sa banyo dahil sa pananakit ng sikmura ko. Halos maubos ang lakas ko dahil sa pagsusukang nangyari. Doon na ako nanatili at agarang nagbabad sa tubig. Iniisip ko pa rin kung totoo bang si noah ang naghatid sa akin, hindi lang ba ilusyon iyon? O baka si spencer ang nakasama ko.
Napasabunot ako sa aking buhok. Ito ang epekto ng alak sa akin. Pag-gising ko ay hindi klaro sa akin ang mangyayari, naiinis ako. Lumabas ako ng banyo na nakatapis lang, tumungo ako sa drawer at doon hinagilap ang isang sleeveless jumpsuit.
Habang isinusuot iyon ay pinakikiramdaman ko ang aking katawan. Masakit ang aking gitna, siguradong may nakasama akong lalake dito ngunit hindi ko maalala. Pero si noah halos ang nakikita ko, hindi ako sigurado kung siya iyon. Naiinis ako, kinagat ko ang labi bago dumapo ang tingin ko sa isang notes na nasa side table.
Kinuha ko iyon at binasa.
'Your food is ready'
Iyon ang nakasulat, bahagyang bumukas ang labi ko dahil pinakatitigan ko ang handwriting niya. Imposibleng si noah ba ang nakasama ko kagabi?
Sumakit lang ang ulo ko ng alalahanin muli ang nangyari, lumabas ako ng kwarto at madaling tiningnan ang sinasabi niyang pagkain.
May naabutan nga akong pagkain sa kusina, simpleng agahan lamang ang nakahanda doon. Hindi ko maipaliwanag kung anong tumatakbo sa dibdib ko, natutuwa ako ngunit ayokong madismaya dahil baka hindi naman nga si noah lahat ng may gawa nito.
Ganun pa man, mas pinili kong kainin ang nakahandang pagkain sakin. Bahagyang kumakabog ang dibdib ko dahil sa nangyari, alam ko sa sarili kong may parte pa sa puso ko si noah. Kahit sabihin kong nakalimutan ko na ito ngunit hindi sumasang-ayon ang puso ko.
Isang oras akong nanatili sa kusina na halos iniisip lang ang nangyari. Hindi ko na binuksan ang shop, binibilang ko lang ang aking lingguhang kita ng tumunog ang telepono malapit sa aking counter.
Sinagot ko iyon bago sabihing close ang shop at hindi ako tumatanggap ng deliver.
"Kung ilang piraso lang hindi ako nagdedeliver." sagot ko sa isang babaeng tumawag dahil nais niyang magdeliver daw ako ng kape.
Sanay naman ako sa ganitong trabaho, may mga opisina akong hinahatiran ng kape na madalas ng um-order sa akin. Ngunit wala ako sa kundisyon ngayon.
"Ang boss ko po ang nag-uutos, malapit lang ito sa national road."
"Pasensya na po, close kasi ako ngayon."
Binaba ko na ang telepono, ngunit ilang segundo lang ng tumunog uli iyon. Napabuntong hininga ako, salubong na ang aking kilay ngunit sinagot ko rin naman na ang tawag.
"Yes?"
"100 cup of coffee daw ang ipapadeliver nito. Para sa mga empleyado niya, Our sites is already open today, pakisuyo na lang maam."
Napahilot ako sa aking sintido. Pero ayos lang, iniisip ko lang kung paano ihahatid ang 100 cup doon. Marami na rin akong kikitain kung papayag ako, ayos lang naman sigurong asikasuhin sila sa ngayon.
"Okay, just tell me the details." sinabi niya ang address kung saan ko idedeliver ang in-order ng boss niya.
Gumawa ako mga 50 cups muna, may mga paper organizer ako at doon nilagay ang mga nagawa kong kape.
Ilang minuto ng marating ko ang nasabing lugar ng babae. Isang iyong construction site. Malawak at maraming worker sa loob, ipinarada ko ang kotse sa gilid, may lalakeng nakakita sa akin ng ilabas ko ang mga dala ko.
Tinulungan ako ng dalawang lalakeng dalhin iyon sa loob, hindi na ako nagtagal dahil babalik pa ako para sa another order pa nila.
Pawisan ako ng muling makabalik sa site. Sinalubong ako ng babae na sa tingin ko ay iyong nakausap ko kanina.
"My boss is waiting on his office." aniya na naging sanhi kung bakit tumaas ang kilay ko.
"Huwag mong sabihin na pupuntahan ko pa ang boss mo para sa bayad?"
"Iyon po ang sabi niya."
Natawa ako. "Pwede bang maghintay na lang ako dito?"
"I'm sorry po, gusto niyang i-abot mismo sa inyo ang bayad." napapikit ako bago matawa. Bumuntong hininga ako matapos ilibot ang kabuuan ng lugar.
"Nasaan ba ang boss mo?"
"Nasa 15th floor po."
"Tapos aakyat pa ako para kunin lang ang bayad? Sa susunod wag na kayong um-order kung ganyan lang." humingi muli ng dispensa ang babae. Tatalikod na sana ako upang tumungo sa elevator ngunit pinigilan niya ako.
"Hindi po gumagana ang elevator sa ngayon, kasalukuyan pa lang itong ginagawa."
Nais ko sanang murahin ang babaeng ito ngunit maamo masyado ang kanyang mukha. Kung ganon, hihintayin ko pang magawa ang elevator bago ko makuha ang bayad?
"Dito po ang daan paakyat sa opisina ni sir." nilingon ko siya, nakataas ang kilay. Kung ganon, lalake ang boss niya? Huwag lang sana siyang paimportante dahil nag-iinit na ang ulo ko dahil sa nangyayari.
"Aakyatin ko mula 15th floor ang opisina ng boss mo?"
Tumango ang babae. "Malaki po ang binibigay na tip ni sir, huwag po kayong mag-alala."
Huminga ako ng malalim, akala ko magpapahinga ako ngayong araw dahil sa nangyari sa akin. Hindi ko alam na ganito pala ang mangyayari matapos kong mag-deliver. Edi sana hindi na lang ako pumayag.
Ngunit wala din akong nagawa kundi tumungo sa opisina niya gamit ang hagdan. Inilalayan ako ng babaeng nagpakilalang sekretarya daw ito dito. Hindi ako nagsalita, mabuti na lang at malamig sa lugar kung saan kami dumaan kaya't medyo hindi ako pinagpawisan.
Dinala ako ng nasabing sekretarya sa malaking pinto. Double door iyon at naroon sa ibabaw ang CEO OFFICE. Mukhang mayaman na ang may-ari nito, halatang bagong bago ang gusali at ilang buwan pa lang ng magbukas ito.
Kumatok ang sekretarya bago pumasok, naiwan ako sa labas. Ilang segundo din ng lumabas ang sekretarya bago ako nito utusang pumasok na.
"Naghihintay na po si sir sa loob."
Tumango lang ako, medyo badtrip na ako sa lagay na ito. Kung mayaman naman pala ang boss niya bakit hindi na lang ito naglahad ng cheque upang i-abot sa akin.
Bakit kailangan umakyat pa ako sa opisina niya?
"Pasok na kayo." humakbang ako papasok, sumalubong ang malakas na air conditioner sa akin na tila ipinasok ako sa malaking refrigerator.
Maalwalas ang opisina. Kaonting gamit lang ang naroon pero magaan sa mata ang kulay ng paligid. Sa paglilibot ko ng tingin ay dumapo ang mata ko sa lalakeng nakatalikod, nakaharap siya sa glasswall kung saan kitang kita ang malaking gusali na under working pa.
Nagyoyosi siya habang malapit sa mesa nito. Maraming papel sa kanyang mesa na naroon at halatang abala siya. But when i saw the name plate on the top of table i almost stop while reading the name of him.
Hindi lang pagkurap ang aking nagawa habang binabasa ang pangalan na iyon.
"Engr. Noah Monteclaro?"
***************
to be continued.....