Natasha Pov.
(Embarrasing Moment)
Hindi magawa ng mga mata kong lumihis ng tingin sa pangalang nabasa ko sa ibabaw ng mesa. Parang may parte sa aking nagdududa kung bakit pangalan ni noah ang naroon, hindi na rin ako makakilos kung saan ako huminto at tumayo.
Para na lamang akong rebulto na walang ibang magawa kundi tumayo.
"You're here."
At that time, my eyes were raised to the words of a man behind the table. He was now looking at me, his black eyes almost stopped my heart for racing.
I couldn't move much, I couldn't even speak or give any other reaction other than shocked.
Hinila nito ang swivel chair upang maupo roon, bawat kilos ng kanyang katawan ay hindi nakatakas sa paningin ko. Maging ang pagkagat at pagbasa nito sa pang-ibabang labi niya.
"Do you want to sit first or will you just stand up there?" The question was not sarcasm, but he was too arrogant in my eyes so i couldn't help but raise my eyebrows.
"Bakit mo ako pinapunta dito?"
"Is that what you think of me for buying your business?" my eyes can't hide for what i feel towards on him, naiinis ako. Iyon ang hindi maitago ng mga mata ko.
"Sinadya mo ito hindi ba?"
"I have no other intentions, I just want to buy from you, didn't you like your exboyfriend's purchase from your store?"
Natawa ako. "Hindi sa ayaw ko, bakit kailangan mo pa akong ipasadya rito kung pwede mo namang ipa-abot ang bayad."
"I won't make you come here if i don't need anything from you, Natasha. I just have something to give back to you." mas lalong nangunot ang noo ko, bawat pagbukas ng bibig niya ay lalong tumatatak sa isip ko. Mas lalong nag-iba ang tikas ng kanyang katawan, mula sa liwanag ng buong opisina ay tuluyan ko ng nakikita ang buong mukhang ni noah.
Hindi na naman muli akong nakapaghanda sa pangalawang pagkikita namin. Kung alam ko lang na siya pala ang boss dito, edi sana nagpaganda pa muna ako. Hindi para sa kanya, kundi para wala siyang masabi sa akin. Para malaman niya na hindi ako nawawalan ng interest sa pagpapaganda.
"I just forgot to give it back to you" aniya, hinugot nito ang drawer ng lamesa niya. May kinuha ito doon, nakaplastic iyon ng clear at sealed iyon ng makita ko.
I was dumbfounded while looking at what noah showed me.
I couldn't almost speak because i could feel my cheeks heating up.
Bakit hawak niya ang bagay na 'yon?
"I thought that was the handkerchief I brought last night, I never got back to it."
Natawa ako, naiinsulto sa ginawa at sinabi niya. "Ginagago mo ba ako?"
Hindi man lang nagbago ang ekspresyon nito. Inilapag niya iyon sa mesa habang nakatingin sa akin.
"I'm serious, I didn't mean it, but it's fine with me if you don't want to take it back home. maybe i will consider it intentionally."
Mas lalo akong natawa, nagpamewang ako na naiiling sa inaasal niya. "Alam kong nakikipaglaro ka sakin, noah. why do you need to send me here? Do you really want to show me how far you've come?"
Iyon ang naiisip ko kung bakit niya ako pinapunta dito. Nais niyang makita ko kung gaano karangya ang buhay na narating nito simula ng mawala ako sa buhay niya.
Alam ko naman na mangyayari iyon, alam kong magiging matagumpay ang buhay niya kung wala na itong iisipin at kakarguhin na tulad kong nabubuhay lang sa gulo.
"It's that what your thinking?"
"Dahil iyon naman ang totoo, gusto mong magsisi ako di 'ba?"
Kumurba ang nguso niya, may sumibol na ngising hindi ko nagustuhan. "Haven't you already did? I don't need to do that if it already happened."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Ang yabang mo na talaga huh? Kung ganon, ikaw talaga ang kasama ko kagabi?"
Tumaas ang kilay niya sa tanong ko, kung dala niya ang bagay na iyon malamang siya nga ang kasama ko. Hindi na ako mapalagay sa isasagot niya, hindi ko na maipaliwanag kung ano iyong humahalukay sa tiyan ko. Malapit na rin akong maihi sa kaba, nakakainis. Bakit napaka-unfair? Siya kalmado lang habang kausap ako, samantalang ako ay para na akong binubudburan ng asin.
"May iniisip ka bang iba habang ginagawa natin 'yon?"
Namilog ang mga mata ko sa tanong na ibinato nito sakin. "Aba't, anong tingin mo sakin ha!"
Umismid siya, he grab his wallet on the top of table. May kinuha siyang pera doon, makakapal na tig iisang libo ang nakita ko bago niya iyon ipaloob sa brown envelop na hindi gaanong kalakihan.
"Leave now. Here's the total of money, lock the door when you leave."
Nagtangis ang bagang ko, matapos niyang sabihin iyon. "S*raulo." iyon ang naibulong ko, nag-angat siya ng tingin sa akin at halos mapaatras ako ng tumayo siya.
"At dalhin mo ang panty mo." anya at tuluyan ng lumisan sa harapan ko. Lumabas siya ng opisina at iniwan akong nakatitig sa pera at panty ko na suot ko pa lang kagabi.
Napahilamos ako sa mukha. Sinadya niya ito, dinala niya talaga ang bagay na ito upang ipamukha sa akin na nakuha niya ako ng ganun kadali, na bibigay ako ng walang kahirap-hirap.
Nagdadabog akong nagmartsa sa mesa niya. Kinuha ko ang pera at panty doon. Nagmamadali akong lumabas at hindi na inabalang bilangin ang pera kung sobra o kulang ba. Ngunit dahil sa yabang niya, malamang triple ang bayad na ibinigay nito.
Hindi ko na siya naabutan sa floor ng lumabas ako. Sinalubong na lang ako ng sekretarya niya at sinabing maaari na daw gamitin ang elevator. Nag-ngingitngit ako sa inis, alam kong pinlano niyang dumaan talaga ako ng hagdan. Gusto niya akong pahirapan? Bakit? Nagagalit pa rin ba siya sakin? Hindi pa ba sapat na nagdusa din ako ng mga panahong wala siya.
Lumabas ako ng gusali dala ang sama ng loob na naitamo ko. Salubong ang aking kilay ng pumasok sa kotse. Maging sa pagmamaneho ay halos mawalan ako ng pasensya, hindi ko alam kung saan pumunta si noah. Ngunit alam kong hindi pa siya tapos, nais niya pa akong gantihan. Gusto pa nitong ipamukha sa akin kung gaano siya kayaman ngayon.
Pumasok ako ng shop at dumiretso sa kusina upang uminom ng tubig. Mabilis ang aking paghinga habang iniisip ang nangyari ngayong araw. Naisip ko rin na dapat huwag akong magpakitang apektado sa ginagawa niya upang siya lang ang mainis dahil balewala lang ng iyon lahat sa akin.
Pumikit ako at huminga ng malalim. Naupo ako sa bakanteng upuan bago hagilapin ang aking cellphone.
May dalawang missed call doon mula sa unknown number. Hindi pamilyar sa akin ngunit muli itong tumawag habang tinitingnan ko ang kanyang numero.
Sinagot ko iyon sa pag-aakalang costumer ko. Ngunit pamilyar na boses ng lalake ang narinig ko mula sa kabilang linya.
"Hello natasha?" Tinig iyon ni spencer. Umayos ako ng upo, hindi ko alam na seseryosohin niyang tumawag ngayong araw. Akala ko naghahanap lang siya ng fling kagabi, iyon pala seryoso s'ya.
"Spencer?"
"Yes, Ako nga. Nakaabala ba ako?"
"Hindi naman, wala akong ginagawa ngayon."
"Are you okay now? Nalasing ka kagabi, may naghatid sa'yo. Hindi ko siya kilala."
Matagal bago ako nakasagot, hindi ko rin halos matandaan ang nangyari. Ngunit may iilang eksena akong naaalala doon mismo sa kwarto ko.
Napahagod ako sa aking buhok. "Oo, ayos lang ako."
"Hindi ba sumakit ang ulo mo?"
"Hindi naman, ikaw ba? Umuwi ka rin ba kagabi?"
"Yes, wala din naman akong gagawin don."
"Bakit hindi ka na muna nag-enjoy?"
"May aasikasuhin pa kasi ako today, actually. May nakita ng engineer ang kanang kamay ko, I will meet the engineer today. Pwede mo ba akong samahan?"
Dahil sa narinig ay naalala ko na naman si noah, malamang ay naroon na iyon sa site at abala na sa trabaho. Matabunan sana siya ng semento at manigas buong araw.
Napapikit ako, bakit ba ako na-sstress sa lalakeng iyon? Dapat huwag akong masyadong magpa-apekto. Siguro oras na upang libangin ko muna ang sarili ko, papatulan ko na muna ang spencer na ito para kumalma ng panandalian ang naiinis kong sistema.
"Saan ba kayo magkikita?" tanong ko, agad siyang sumagot at sinabi sa isang coffee shop malapit sa kilalang mall dito sa lugar ko. Tumango ako kahit hindi niya nakikita.
"Nariyan ka na ba?"
"Papunta pa lang, malapit na ako. Susunduin ba kita?"
"No, hindi na. May kotse ako, gusto ko rin malibang today, medyo sumakit ang ulo ko sa mayabang na costumer ko kanina."
Natawa siya sa kabilang linya. "Okay, gusto ko rin ng second opinion mula sa isang tao. Isang apartment kasi ang ipapatayo ko, mga 50 rooms ang nakalaan para sa budget ko."
"Wow, mukhang malaking project yan."
"Yeah, marami pa akong negosyo na nais ipatayo. Gusto ko, balang araw wala na akong iisipin pa para sa future."
"Maganda iyang naisip mo, sige na. Magmamaneho na ako, see you."
"Alright, ingat sa pagdadrive."
"Hm." tumango ako at agaran ng binabaan ng tawag si spencer. Umakyat pa muna ako ng kwarto upang magpalit ng damit, naghanap ako ng dress. Iyong tulad sa suot ko kagabi, kulay black sleevedress above the knee. Nag-apply ako ng light make up at dark lipstick. Nag-spray ako ng pabango at itinali ang mahaba kong buhok.
Mabilis akong bumaba upang magsara ng shop. Agaran akong sumakay ng kotse at tinahak ang lugar na sinabi ni spencer.
Isang magarbong coffee shop iyon, may theme iyon na mariposa at garden view. Maganda at mukhang maraming gagastusin pera para lamang matapos ito. Naupo ako malapit sa counter, sinubukan kong mag-order ng may lumapit na waiter sa akin. Itinuro ko ang isang flavor na wala ako, nagtitingin ako sa paligid ng umalis ang waiter. Hindi naman ako naiinip at ayos lang sa akin dahil maganda ang view.
Tumayo ako at naglakad-lakad, may kumukuha ng litrato na mukhang gagawing content dahil kinuhanan ako nito.
Ngumiti siya sakin, tinanguan ko lang ito bago ko matanawan si spencer na papasok ng shop.
Agad niya akong nakita na tila kabisado pa rin ang mukha ko. Lumapit na ako sa kanya, nginitian niya ako bago batiin.
"Kanina ka pa ba?" umiling ako, pinaghugot ako nito ng upuan kung saan ang pwesto ko kanina. Saktong dumating ang waiter ng maupo ako, tinanong ko si spencer kung nais niya ngunit natawa ito.
"I don't drink coffee." aniya na kinanguso ko.
"Kung ganon bakit dito kayo magkikita ng kikitain mo?"
"Pagmamayari niya ang coffee shop na'to."
"Ow." nagkaroon ako ng kuryusidad kung sino ang kikitain nito. Hindi rin naman ako nag-usisa dahil may sinabi ito tungkol sa bubuksan niyang bagong negosyo.
"Located lang ito malapit sa fatima, may mga studyante kasi na minsan gusto na lang mag renta ng kwarto."
"Kung sabagay, malakas naman ang kita niyan. Ano-ano pa ba ang mga negosyo mo?"
"May resort ako sa dito sa manila, sa probinsya rin at mga kamag-anak ko ang nag-aasikaso doon."
Tumango tango ako. "Marami ka na palang naipon?"
"Hm, naglabas ako ng pera ngayon para mapapayag ko ang engineer na 'to. Nag-down na ako para sa materyales at para din maumpisahan na agad."
Tumango na lamang ako. Medyo nawawalan na ako ng interest dahil hindi ko na nagugustuhan ang topic. Nais ko rin sanang mag-CR dahil malapit ng sumabog ang puson ko.
Tumayo ako at nagpaalam saglit. Nilakad ko ang side kung saan patungo ang banyo. Nagtagal ako ng sampung minuto doon dahil inayos ko pa ang pagkakatali ng aking buhok. Paglabas ko ng banyo ay marami ng tao, may kumukuha ng litrato sa daraanan ko kaya't lumihis ako patungong entrance.
Nasa camera man ang tingin ko dahil ang ganda ng pustura niya habang kinukuhanan ang magandang babae. Hindi ko namalayang may mabubunggo akong waiter na may dalang kape.
Nasagi ko ang balikat niya dahilan upang matumba ang dala nito. Natapon iyon at natalsikan ang bagong costumer na kakapasok lang. Hindi ko halos maipaliwanag ang nararamdaman habang nakatingin sa lalakeng nakatayo na ngayon malapit sa entrance.
Nabasa ang sapatos at slacks niyang suot. Wala ito ni anong reaksyon kahit na nadungisan ko ang suot nito.
Humingi ng paumanhin ang waiter dahil sa nangyari, tinanong din ako nito kung ayos lang ba ako ngunit wala akong naisagot.
Agad na rumesponde ang kasamang tauhan ni noah upang punasan ang kanyang sapatos. May nakatingin sa amin dahil agaw atensyon na yata ang nagawa ko sa loob nito.
"It's okay, I'm fine." aniya sa lalakeng akmang luluhod sa harapan niya. Hindi pa rin ako makakilos hangga sa tumingin siya sa akin, bumuntong hininga lamang siya at tuluyang inilihis ang tingin. "Let's go home." iyon ang huling sinabi niya bago tumalikod upang lumabas na ng shop. Wala pa rin akong masabi, nakatingin lang ako sa glass door kung saan siya lumabas. Doon ko lang din naramdaman ang presensya ni spencer na agad nagtanong kung anong nangyari.
"Anong nangyari?" tanong niya, umiling lang ako. Mukhang wala itong nakita sa nangyari. "Kinausap ako ng sekretarya ko, papunta na dito ang engineer na makakausap ko." wala sa sariling tumango na lamang ako. Hindi ko pa lubos maisip na muli ko siyang makikita dito. Inalalayan ako ni spencer bago ako humingi ng paumanhin sa waiter na ngayo'y nilinisan ang kalat na nagawa ko.
Sinabi ko na ako na lamang ang magbabayad doon, alam kong kakaltasin iyon sa kanya. Ngunit hindi naman niya iyon kasalanan, ako lang talaga itong hindi tumitingin sa dinadaanan ko.
"Hello, yes?" spencer having a talk on his secretary. Tuluyan ko ng inubos ang kapeng nilamig na dahil sa ginawa ko. "What?" tumaas ang boses ni spencer sa kausap, tila may hindi magandang nangyari ng makita ko itong mapahilamos siya sa kanyang mukha. "Okay, alright. Saan ba ang opisina niya? Ako na mismo ang sasadya patungo sa kanya upang mag-usap kami." tumango tango ito sa sinabi ng kausap, kalaunan ay binaba niya ang cellphone bago siya huminga ng malalim.
"Anong nangyari?" muli ay bumuntong hininga siya ng tumingin sa akin.
"Kanselado na ang meeting."
"Huh? bakit daw?"
"Natapunan daw ito ng kape, tsk. Napaka-liit na rason para paghintayin tayo dito." bahagyang bumuka ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Natapunan ng kape?
Ibig sabihin?
Ang engineer na kikitain niya sana ay si noah?
Si noah na natalsikan lang ng kape ang sapatos at hindi na sumipot sa meeting? Nandito na siya at bakit ikakansela pa nito ang schedule nila ni spencer? S*ra ba ang ulo ng lalakeng iyon? Masyadong siyang pa-importante at hindi nito pinahahalagahan ang oras na sinayang ni spencer makausap lang siya.
"Pupuntahan ko ito sa opisina niya, balak mo pa bang sumama?"
Hindi ako nakasagot sa sinabing iyon ni spencer. Medyo wala pa ako sa kundisyon na muling kitain si noah doon, ayoko pang bumalik sa site na 'yon kung kaninang umaga lang ay iyon ang rason kung bakit maagang uminit ang ulo ko.
Umiling ako. "Hindi na muna, may gagawin din kasi ako ngayon."
"Ganun ba? Pasensya na kung nasayang ang oras mo, di bale. Sa oras na magkaroon kami ng deal isasama kita sa susunod na meeting namin." nameke ako ng ngiti kay spencer. Hindi ako sang-ayon sa sinabi niya, at wala na akong balak pang makita ang mayabang at maarteng lalakeng iyon.
"Sure, Mauuna na siguro ako. Goodluck." iyon na lamang ang huling sinabi ko bago ako tumungo ng counter upang magbayad. Ngunit nauna ng inabot ni spencer ang card niya dahilan upang malibre ang ininom kong kape. Ngumiti siya sakin ng muli ay i-abot sa kanyang ang card nito.
"Ihahatid na kita sa labas." tumango na lamang ako at hindi na umangal pa. Hinawakan niya ang kamay ko at iginaya palabas ng shop, pinagbuksan pa niya ako ng pinto bago ako pumasok sa kotse ko.
Ngumiti siya sa akin ngunit kahit gwapo ang ngiti niyang iyon ay walang epekto para sa sarili ko. Manhid na yata ako sa ibang lalake, hindi na ako nakakaramdam ng kilig sa iba dahil tila nakatali pa ako sa nakaraan. Nakakainis, hindi ko maiwasang kagatin ang labi ko habang nagmamaneho na pauwi.
Iniisip ko kung magiging maayos ba ang pag-uusap nila ni noah. Mapapayag niya ba ang mayabang na 'yon? Matapos maglabas ng pera ni spencer ay minsanan lamang niyang hindi sisiputin sa meeting nila, kasalanan ko pa yata dahil sa katangahan ko.
Napailing ako habang nagmamaneho, mabilis ang pagpapatakbo ko na halos marating ko agad pabalik ang aking shop. Hindi man lang ako nahimasmasan, lalo lang akong naasar dahil muli ko lang pala makikita si noah doon.
Humiga ako sa kama ng makaakyat ako ng kwarto. Hindi na ako naghubad ng sandals, hinayaan kong nakasuot iyon sa akin matapos kong ipikit ang aking mga mata.
Hindi ko alam na makakatulog ako dahil sa nangyari ngayong araw. Ginising lang ako ng isang vibration kung saan isang tawag muli kay spencer ang natanggap ko.
Naupo ako sa kama habang sinisipat ang oras sa screen. Alas dose pasado na ng tanghali, hindi ko alam kung ilang oras ba akong nakatulog. Pero kumakalam na ang sikmura ko sa gutom ngunit kahit kanin ay wala pa akong nailuto.
Sinagot ko ang tawag ni spencer ng muli siyang tumawag. Nahiga muli ako bago marinig ang boses niya.
"Naistorbo ba kita?" iyon ang bungad niya sa banayad nitong boses. Sa totoo lang oo, ngunit ayos lang na nagising ako dahil tiyak na hindi ako makakatulog mamayang gabi kung mapapahaba pa ang tulog ko.
"Hindi naman." kinuskos ko ang mata bago tuluyang tumitig sa kisame. Masakit ang ulo ko dahil hindi natuloy ang tulog ko, idagdag mo na kumakalam talaga ang tiyan ko at nais ko ng kumain.
"Iimbitahan sana kita ng lunch kung ayos lang sa'yo?"
Pumalakpak ang tenga ko dahil sa narinig, hindi sa nagtitipid ako. Kaya ko naman kumain mag-isa sa restaurant, tinatamad lang talaga akong magluto ngayon ngunit kung ililibre naman na ako ni spencer hindi ako tatanggi.
"Wala namang problema." sagot ko, naupo ako sa kama bago niya sabihing susunduin ako nito. Ngunit umayaw ako at tinanong na lang kung saan kami magkikita, sinabi nito ang address kung saan kami kakain ng tanghalian.
Medyo expenssive ang lugar matapos kong marating iyon. Iba na naman ang suot at ayos ko, naka-white string dress ako ngayon, nagsuot ako ng heels dahil feeling ko lunch date ito. Nagpalit na ako ng pabango at hinayaan ko na lang na nakalugay ang aking buhok.
Ang sabi ni spencer ay nasa loob na siya ng bigating restaurant. Iginaya ako ng isang lalake patungo daw sa VIP place kung saan naroon si spencer, medyo natutuwa ako kung bakit kailangan sa VIP pa kami kumain kung ayos lang naman sakin na dito na lang sa bungad.
Binuksan ng lalake ang pinto para sa akin kung saan naroon si spencer. Siya agad ang nakita ko bago dumapo ang tingin ko sa lalakeng hindi ko alam na makakasama ko palang kakain ngayon sa vip room na 'to.
"Hey, natasha." tumayo si spencer at hindi ko inaasahang makikipag-besohan siya sakin. Hindi ko alam kung hindi niya ba nakikilala si noah dahil nagkita na sila kagabi, hindi ba nito matandaan na siya ang naghatid sa akin? O baka naman, lasing na si spencer ng gabing iyon kaya hindi na nito matandaan ang lalakeng tumaas ang kilay dahil sa ginawa niya.
"Pasensya na kung hindi ko sinabing makakasama natin si engr. monteclaro." tipid lang akong ngumiti. Hindi na ako tumingin kay noah dahil bigla akong nailang.
"This is natasha, by the way." aniya kay noah ng ipaghugot ako nito ng upuan. "Siya ang babaeng hinihintay natin."
Hindi nagbigay imik si noah. Bastos talaga, walang pakialam kahit pinakilala na niya ako sa harapan niya. Ngunit alam kong natatandaan pa rin ni noah si spencer, alam niyang siya ang lalakeng kasama ko kagabi. Ngunit itong lalakeng nag-imbita sa akin ay mukhang nakalimot na.
"Mag-oorder na ba tayo?" muli ay nagtanong si spencer. Hindi ko na sinulyapan pa ng tingin si noah, nawala bigla ang gutom ko. Napuno na lang ng hangin ang tiyan ko dahil sa pumaloob na kaba.
"I'm not here to have a lunch with you, I just want to proceed on our deal." Uminit yata ang tenga ko dahil sa sinabi niya. Hindi ba nito na-appriciate ang effort na ginawa ni spencer? Kumuha pa siya ng VIP room para lang sa lunch na 'to, pero siya. Aba't ang yabang niya ng talaga!
"We don't need to rush it, Engr. Hindi ako nagmamadali."
"I have lots of work to do, Mr harris. Hindi lang ito ang meeting na dadaluhan ko, so if you don't mind. Let's start."
Natawa ako sa sarili kong isip, kung pwede ko lang ihampas ang three inches kong heels sa kanya ay ginawa ko na. Napaka-yabang talaga, masyadong bossy!
Umismid ako. Walang nagawa si spencer kundi sundin ang nais ni noah. Siya naman kasi ang masusunod dahil siya ang hahawak sa trabahong nais ipatayo ni spencer.
Nakahalukipkip lang ako habang nakikinig, nag-usap sila na halos puro katarayan lamang ang ginagawa ni noah, sarap sapakin left and right. Kung wala lang dito si spencer ay malamang siniringan ko na ito. Pero ayokong sabihin kay spencer na ex ko ang tatayong engineer niya sa kanyang ipapatayong negosyo.
Baka sabihin nito feeler ako masyado. Mananahimik na lang ako habang sinasakal ko si noah sa isip ko.
Ilang minuto lang ng matapos ang usapan nila, may next meeting pa sila na isasama nila ang isang architect. Wala na akong ideya pa at maintindihan sa iba pa nilang pinag-usapan.
Napansin ko na lang ang pagtayo ni noah, todo pasalamat pa si spencer dahil sa deal na nangyari. Dapat si noah ang magpasalamat dahil may trabaho itong gagawin, idagdag mo na magkakapera pa siya mula kay spencer. Ngunit ang itsura niya, para itong bagong gising na walang ganang tumango sa kasama ko.
Masamang tingin lang ang ginawa ko ng sulyapan niya ako. Wala itong naging imik, ramdam ko kung paano nadismaya si spencer ng lumabas si noah.
Naiinis ako sa kayabangan niya, nagpaalam ako kay spencer na lalabas muna habang matamlay ito. Nasabi nitong oorder na ito ng pagkain bago ako lumabas.
Ngunit sinundan ko lang si noah upang ireklamo lahat ng inasta niya sa loob. Masyado siyang mayabang at ni wala man lang siyang galang sa mga kliyente niya.
"Noah!" huminto siya at bahayga lamang akong nilingon. Nasa parkinglot na ito, malayo pa ang lalakarin ko upang marating ang kinatatayuan niya.
Ngunit dahil sa suot kong heels ay medyo nag-iba ang daan na tinahak ko. Napaupo ako dahil biglaang nabali ang heels na suot ko.
Hindi man lang tumakbo si noah upang saluhin ako.
Wala talaga siyang alam sa mga romantic way upang mabigyang hustisya ang paghihimutok ko.
Lumakad siya papalapit sa akin, Inangat niya ang kamay nito malapit sakin na halos ikakabog ng puso ko.
Inabot ko iyon sa pag-aakalang tutulungan niya akong tumayo. Ngunit nahulog lang sa ere ang kamay ko ng makitang heels ko pala ang pupulutin niya.
Nagsalubong ang kilay ko habang hawak na niya ngayon iyon. Tumayo ako, hindi balanse ang pagkakatayo ko kaya't hinubad ko ang isang heels na suot.
Wala man lang siyang pakialam.
Nakakaasar!
"How many inches do you want?" pumaling ang ulo ko sa tanong niya. Inches? Bakit niya tinatanong kung ilang inches ang gusto ko?
Anong inches?
"Gusto mo ba ng mahaba?" namilog ang mata ko sa muling katanungan nito. Itinulak ko siya bago duruin.
"Ang bastos ng bibig mo!"
Nangunot ang noo niya. "I'm just asking you if how many inches will going to fit on you."
"A-anong fit sakin? P-pinagsasabi mo!"
"What are you fvcking thinking, natasha?"
"Ikaw! What are you trying to say, anong inches yan, tas fit sakin? Ikaw pa lang nag fit sakin!"
Nag-iwas siya ng tingin bago kagatin ang pang-ibabang labi. Kalaunan ay nangisi siya bago matawa at tumingin sakin.
"It's not that what i mean to say, natasha. I'm reffering on your heels. Ilang inches gusto mo? I'll going to exchange it."
Napakurap ako, hindi ako makasagot dahil pakiramdam ko ay namumula na ang aking mukha sa kahihiyan, nangisi ito ulit. Lalo lang akong nawalan ng sasabihin at tuluyang umatras ang tapang ko kanina lang.
"You're really unbelievable huh?" ngumisi siyang uli. Yumuko ito sa akin at bumulong sa tenga ko. "My inches is too long to fit on you, isn't?" tumaas ang buhok ko sa batok pababa sa aking katawan.
Nanlalamig ang kamay ko dahil sa ibinulong niyang iyon.
....."Just tell me what inches is your favorite, Ibibigay ko mamaya."
***********
to be continued.
Huwag na po kayong greenminded, tinatanong ni noah is about sa heels. Si natasha lang ang GM today ??