(Pagtataboy) Third Person Pov. Sa kalagitnaan ng pagpipigil ni noah na tingnan at lingunin si natasha. Iyon bigla ang siyang sinabi ng dalaga, lahat yata ng pagpipigil nito ay tila ba nalusaw. Hindi na nito nakayang talikuran siya dahil sa pagkakataong ito ay hinarap na niya ang dalaga. Ang buong sistema nito ay halos tumigil, ang sinabi ni natasha ay halos nagpaulit ulit iyon sa pandinig niya. Maluha-luha ang dalaga nang sandaling magtama ang kanilang mata, humakbang siya palapit kay noah at huminto rin ng ilang pulgada. ”Ikaw ang ama ng pinagbubuntis ko.” buong tapang na sinabi iyon ni natasha sa binata. Walang masabi si noah sa nalaman, bumaba lamang ang kanyang paningin sa tiyan ng dalaga na halos hindi pa naman talaga halata na buntis siya. Ang puso niya ay lumulukso sa kakaiban

