(Painful Plan) Natasha Pov. Mahigpit ang hawak ni noah sa pulsuhan ko. Hinihila ako nito palabas hangga sa madala ako nito sa mismong tapat ng kotse. Marahas niyang binitawan ang aking kamay na para bang may galit sakin, pinanlalakihan ko siya ng mata bago duruin na halos ilapit ko ang daliri sa kanyang mukha. ”Ano bang problema mong g*go ka!” Sa lakas ng boses ko, ewan ko na lang kung hindi siya mabingi. Nanggigigil ako sa kanya dahil sinaktan pa nito ang lalakeng wala namang ginagawang masama. Bakit ba siya nanununtok na lang bigla? Nasiraan na ba siya ng bait! ”You told me that your pregnant, then why are you here?” ”Pakialam mo ba! Pagbabawalan mo ba ako?” tumaas ang kilay ko. ”Bakit ka nandito? Sinundan mo ba ako dahil narealize mong ikaw talaga ang ama ng pinagbubuntis ko.” ”N

