(Peace And Closure) Third Person Pov. Umaapaw ang saya sa puso ni natasha dahil sa ginawang pagpoprose ni noah. Alam niya sa sarili kung gaano na niya katagal hinangad ang maranasan ang bagay na 'yon, at dahil si noah ang lumuhod sa kanya. Hindi siya nag-alinlangang tanggapin ang alok nito, hindi na siya nagdalawang isip pa at tuluyan na niyang kinalimutan ang nangyari sa kanila. Siguro nga ito na ang umpisa ng panibagong buhay, bubuo na sila ng pamilya at muling gagawa ng mga bagong masasayang alaala. Wala pa man sa puntong iyon ang buhay niya ay iyon na ang kanyang iniisip. Malaki ang ngiti niya habang nakaupo sila at nagsasalo sa mahabang mesa, kumpleto silang lahat. Naroon ang pamilya ni shaira, na si carmela at mayumi. Kasama nila si samuel monteclaro at jacob maging ang ilang tau

