(Proposing) Natasha Pov. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagkaayos na kami ni noah nitong nakaraang araw, kahit hindi ko sinabing napatawad ko na siya. Alam nitong maayos na kami, lahat ng nangyaring pagsubok sa amin ay inumpisahan ko ng kinalimutan, alam kong darating ang araw na unti-unting hihilom ang sugat ng nakaraan. Ang mga masasamang nangyari sa akin ay makakalimutan ko rin, magbabagong buhay muli ako kasama ang anak ko. Kasama si noah at ang buong pamilya ko. KINAUMAGAHAN, araw mismo ng kaarawan ko. Masaya akong bumaba upang silipin si amang sa sala, nag-expect na akong may babati sa akin ngunit nabura lang ang aking ngiti ng makitang wala namang tao sa sala. Napanguso ako habang inililinga ang ulo, kadalasan naman ay hindi sila nawawala tuwing umaga. Pero bakit ngayong kaaraw

