(Gender Reveal) Natasha Pov. Hindi ko inaasahang papayag ng ganoong kabilis si noah, hindi ko rin malaman sa sarili kung bakit iyon ang sinabi ko. But im tired of waiting to make him understand what i want to forgive him. Ang slow talaga niya! Sabihin na nating nililigawan niya nga ako araw-araw. Palagi siyang may dalang bulaklak, chocolate o ano mang regalo pag dumadalaw ito ng bahay. Halos diretso iyon at walang mintis itong nagbibigay ng kahit anong suhol para lamang mapatawad ko siya. Pero alam ko sa sarili ko na hindi sapat 'yon, yung regalo na nais kong matanggap mula sa kanya ay ni hindi niya ibinibigay, noong isang araw binigyan niya ako ng alahas. Ngunit hindi singsing, nag-expect pa naman ako dahil akala ko yun na 'yon, ang mahirap lang sa nag-expect. Nauwi din sa wala, kwinta

