Natasha Pov. (The Deal about gender) Bilang isang ina, hindi mo matitiis ang isang anak sa oras na ito'y may karamdaman. Kahit pa na hindi maayos ang pagsasama niyo, dahil isa kang ina. Mananatiling mahalaga ang anak sa puso mo. Alam kong malaki na ang naging pagsisisi ni inang, at dahil nga nasa panganib ang buhay ni brandon. Nasasaktan ito, ang mga nagawa niya noon ay unti-unti na nitong pinagsisihan. Kahit na mas madalas nitong kampihan si chloe noon kesa kay brandon, kahit na hindi siya patas sa aming tatlo lalo na sakin. Mas mahalaga sa kanya ang bunso, ngunit ngayon. Lahat kami'y naging pantay pantay sa kanya, alam kong nais niya ako kausapin noon upang humingi ng dispensa. Ngunit dahil nahihiya ito at hindi naman kami gaanong magkasundo. Hindi siya makapagsalita, tila ba nilalamo

