Natasha Pov. (Doreen) Nang bumangon ako mula sa kama, mabilis na naghanap ako ng damit sa cabinet na naroon. Natutuwa ako dahil kumpleto sila, may magaganda silang bistida na natipuhan kong suotin. Naligo na muna ako bago tuluyang lumabas ng kwarto, may isang babae ang sumalubong sa akin at sinabing huminto na ang sinasakyan namin at nasa skylight na kami. Napatango ako. Iginaya niya ako palabas kung saan may hagdan na pababa sa tulay kung saan patungo iyon sa puting buhangin. Sa sobrang laki ng sinasakyan namin at haba ng lalakarin ay halos sumakay ng bangka ang karamihan. Ngunit mas pinili ko ang maglakad, natutuwa ako at nagagandahan sa kulay ng dagat. Mula sa nilalakaran ko, tanaw ko ang kulay pulang gusali sa hindi kalayuan. Kitang kita roon ang pangalan ng buong lugar na kung taw

