Third Person Pov. (The Game Begin) Dahil inakala ni noah na umalis nga si natasha sakay ng chopper, mabilis itong lumabas upang tumungo kung saan palipad na paalis ang mga chopper. Ang sabi kasi ni jacob sa kanya ay kasama si natasha sa mga uuwi patungong manila. Ngunit nang magtanong si noah sa isang tauhan, nasabi niyang hindi nito nakitang sumakay si natasha. Ang sabi ng lalake, namataan niya itong kasama si jillian at ng isang lalake patungong dakong silangan. Nakahinga ng maluwang si noah, buong akala nito ay tuluyan ng nagalit at umalis si natasha. Ngunit dahil nga narito pa rin siya itutuloy pa rin nito ang plano niyang hindi pagpansin sa dalaga. Babalik na sana ito patungong suite ng bigla'y matigilan siya sa paglalakad. May nakita itong malaking bangka na ngayo'y papadaong sa h

