THIRD PERSON'S POV Dahan-dahang minulat ni Lhaica ang kanyang mga mata, nang maramdaman ang malamig na bagay na dumadampi sa balat niya. Saka siya dahan-dahang umupo at lumingon sa paligid. Napansin niyang nasa gubat siya at nagtataka kung paano sila napunta dito. Hinanap niya kung nasaan si Jhasselle. Muli siyang tumingin sa paligid at nakita niya itong nakahiga sa likod niya, kaya agad niya itong nilapitan. Ngunit muntik na siyang madapa, nang maramdaman niya ang panghihina ng kanyang katawan. 'God, Please give me strength for now. We need to get out of this place,' sambit niya. Lumapit siya kay Jhasselle kahit nanghihina pa rin siya. Kailangan niyang maging malakas upang makaalis sa lugar kung nasaan sila ngayon. "Jhasselle, gising," tawag niya dito at marahan niya itong n

