THIRD PERSON POV Inihanda ni Lhaica ang sarili niya. Siya lang ang makakalaban sa mga ito dahil may sugat si Jhasselle. Hindi na niya inalala ang kalagayan niya, basta lang maprotektahan si Jhasselle. Sabay na sumugod sa kanya ang mga tauhan ni Reeca. Bahagya niya tinulak si Jhasselle saka siya sumugod sa mga ito. Pinaikot niya sa ere ang latigo, kaya sa tuwing paparating sa kanya ang kalaban. Tumitilapon ito dahil na rin sa punyal, na nasa dulo nito na sanhi upang masugatan niya ang mga ito. Paulit-ulit niya itong ginagawa. Napansin niyang may paparating sa kinaroroonan ni Jhasselle, kaya hinampas niya ito at tumama sa likod ng lalaki ang punyal. Tumalon siya sa ere at pinaikot ang latigo pababa tumilapon ulit ang iba. Hanggang sa mapatumba niya ang tauhan ni Reeca. CLAP! CLAP! C

