THIRD PERSON POV Naglakad si Lhaica patungo kay Andrey. Nakita niya itong nakasandal sa kotse at nang makita siya ay agad siya nitong nilapitan. "Oh, nakita mo ba?" tanong agad sa kanya ni Andrey. Umiling siya dito at napabuntong-hininga. Sumandal siya sa kotseng dala nila. Nagtataka namang nakatingin sa kanya si Andrey. "Nakita ako ni Jhasselle," sabi niya dito. "What?" gulat na sabi ni Andrey. Tumango lang si Lhaica dito, kaya naman naging balisa si Andrey. "May nangyari ba?" nag aalala nitong sabi. Napatango siya, kaya naramdaman niyang natigilan ito. "Anong nangyari?" muling tanong nito. "Gusto niyang makipaglaban sa akin," walang ganang sabi ni Lhaica. Naramdaman niyang lumingon ito sa akin. Seryoso namang nakatingin sa kanya si Andrey at iniisip na nagbibiro lang s

