JHASSELLE POV Inihinto ko ang kotse sa labas ng isang bar. Bumaba ako at inayos ang damit ko. Nang papasok na ako, biglang may napansin akong babaeng naka-leather jacket. Nauuna siya sa akin papasok sa loob ng bar. Ngunit napansin kong pamilyar siya sa akin. Sinundan ko siya nang tingin, habang nasa loob kami at doon natigilan ako nang makilala siya ng tuluyan. "Lhaica?" sambit ko sa sarili. Pinagmasdan ko ang bawat kilos niya. Napansin kong may hinahanap siya. Nanibago ako bigla sa itsura niya, parang may kakaiba sa kanya. Ang pananamit niya at ang matatalas niyang mata na tumitingin sa paligid. "Jhas.." Napalingon ako sa taong tumawag sa akin. Si jiro. Muli akong tumingin sa kinaroroonan ni Lhaica pero hindi ko na siya nakita. "Nasaan na iyon?" sambit ko sa sarili at tiningn

