Chapter 9

1830 Words
   Huminto kami ni Rhaine sa isang room. Nakabukas ito, kaya napatingin ako sa loob. Ngunit bigla akong hinila ni Rhaine at pareho kaming napasandal sa pader. Tiningnan ko siya na parang sasabog na sa inis. "Anong problema?" nagtatakang tanong ko. "Malaki," sabi niya. Eh? Halata nga sa mukha niya na malaki ang problema niya, pero ano naman ang problema niya. Sumilip ako sa room pero agad niya ulit akong hinila. "Hindi ka dapat napunta dito eh, aisssh!" naiinis niyang sabi. "Huh? Bakit?" nagtataka ko pa ring sabi sa kanya. Ano ba kasing problema niya. Napakamot siya sa pisngi niya at nagpapadyak pa. "Lahat ng nasa room na iyan. Mga gangster Rank 1 to Rank 2. For sure buong grupo ng rank 1 at 2 ay nandiyan, kaya dapat hindi ka napunta sa elite students. Naku naman to si ate, ano bang nakain niya. Tsk!" sabi niya at nagpabalik-balik nang lakad sa harapan ko. Parang natuyo ang lalamunan ko dahil sa sinabi niya. Gangster lahat? Ibig sabihin nandiyan din sila? "Ehhh! Tara na, kakausapin ko na lang si ate mamaya na dapat hindi ka mapunta dito," sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok pero pinigilan ko siya. Napatingin  siya sa akin. "Lhaica?" nagtataka niyang sabi. "Siguraduhin mo, na hindi ako mapupunta dito ah?" kinakahan kong sabi. "Yeah, I will. Let's go," nakangiting sabi niya. Tumango ako. Nakayuko akong nakasunod sa kanya. Naramdaman ko ang tingin ng mga taong nandito. "Wooah! Classmate natin si president!" "Hai Ms. President! " "Wow, Rhaine!" Nag angat ako nang tingin. Nakita kong nakangiti  siyang tinanguan ang tumawag sa kanya. Nabangga ako sa likod ni Rhaine nang huminto siya. "So now, classmate na tayo, Rhaine." "Yeah.," narinig kong sagot ni Rhaine. Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Nakilala ko siya. Si Arien. Napatingin siya sa akin kaya umiwas ako nang tingin. "Oh, is that your..... pet?" patukoy niya sa akin. "Ahhahaha! " "Grabe sinong pet!? " Napatingin ako sa kamay ni Rhaine na nakahawak sa akin. Nanginginig ito. Hindi sa takot kundi sa galit. "Rhaine," tawag ko. "Alam mo Arien, masyado ka atang bitter. You're acting like a.... Highschool student? Do you think, we're on the same level? You're still a lower b***h," sabi ni Rhaine. Nagulat ako sa ginawa ni Rhaine nang tinulak niya si Arien. Kaya natumba ito at muntik nang madaganan ng mga upuan. "s**t!" Tinalikuran na namin siya ni Rhaine at naglakad papunta sa likod. Hindi ko maiwasang kabahan sa kung anong mangyayari dito "You b***h!" BLAG! "Rhaine!" Nagulat ako nang tamaan ng upuan si Rhaine sa likod. Kaya agad ko siyang nilapitan. "Rhaine? Are you okay? " nag aalala kong sabi. Hirap siyang tumayo habang nakahawak sa likod. Napatingin ako sa paligid, nakatingin lang sa amin ang mga nandito. Para bang ayaw mangialam sa nangyayari. "F-f**k," dating ni Rhaine. "Rhai---ahhhw!" Biglang may humila sa buhok ko, kaya napasigaw ako. BLAG! "AH!" Malakas niya akong dinikit  sa pader. "L-Lhaica!" sigaw ni Rhaine sa pangalan. Namimilipit ako sa sakit dahil sa pagkakahawak niya sa buhok ko. "Ikaw, alam mo ba kung anong ginawa mo? Galit na galit ako saiyo. Ang kapal ng mukha mo para sabihin sa kanila, na hinabol ka namin kahapon? Are you stupid? Huh! " sigaw ni Arien sa akin. "W-What?" kinakabahan kong sabi. Tinitigan niya ako nang masama. Bigla ko na lang naalala ang sinabi ko kina Ethan kahapon. Yeah, I made a mistake! Tsk! "Pahihirapan kita hangga't nandito ka!" Iniangat niya ang kamay  para sampalin ako. Napapikit ako at hinanda ang sarili na dumapo sa pisngi ko kamay niya. Naghintay ako pero walang nangyari. "Enough.." "Bitawan mo ko!" narinig kong sabi ni Arien. "A-Aaww!" NApadilat ako nang mawala na ang kamay na nasa balikat ko. Napatingin ako sa taong nakahawak sa braso ni Arien. "J-Jayree, its hurt! Damn it!" "Don't you dare to do this again," mariin niyang sabi kay Arien. "Bakit? Dahil siya ang firstl---" PAK! Nabigla ako sa ginawa niya ng sampalin niya si Arien. Napahawak ako sa dibdib ako nang lumakas ang t***k nito. N-No, not now please! Napahawak ako sa damit ni Jayree, nang muntik na akong matumba. Napapikit ako sa subrang sakit at parang mauubusan na ako nang hininga. "Lhaica? Hey!" Dumilat ako nang marinig ang boses ni Rhaine. Niyakap niya ako. "Relax okay, just Relax.." Pinakalma ko ang sarili ko. Unti-unti namang bumabalik sa normal ang t***k ng puso ko. Maging ang paghinga ko. "I'm fine now," sabi ko sa kanya. Tiningnan ako ni Rhaine. Inalis ko ang kamay ko sa damit ni Jayree. Napatingin ako sa kanya. Nakatitig siya sa akin. Umayos na ako nang tayo. Napakatahimik nang paligid. "Whats going on here? " Napatingin kami sa dumating at walang kahit sino ang nagsalita. Wait kilala ko sya. "Go back to your set.." Inalalayan  ako Rhaine papunta sa upuan namin at umupo. "Rhaine, are you okay? " "I'm fine.."rhaine. Napabuntong hininga siya at tumingin sa taong nasa harap namin. "Okay, I'm Raizel Forllan, your Professor and tainor of this class ESA. Introduced yourselves," sabi niya. Kilala ko siya dahil kaibigan siya ni ate Jasmine at kabilang siya sa ladybloods. Inalis ko bigla ang tingin sa kanya, nang bumaling siyan sa akin. Nagsimulang magpakilala ang lahat. Hanggang mapunta sa side namin. "Jayree Aguilar rank 2, leader of Phyton.." pakilala ni Jayree. Rank 2? "Ethaniel Carzon, Rank 2 of phyton," pakilala rin ni Ethan. Mayamaya ay tumayo si Rhaine. "Rhainezza Alvarez rank 3," sabi ni Rhaine. Umupo siya kaya dahan-dahan akong tumayo. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin o sapat na bang magpakilala lang ako sa pangalan ko. Nalilito tuloy ako, hays! "I'm Ellhaica Reyes," sabi ko na lang. Umupo ako at hindi pinansin ang tingin ng iba sa akin. "Anong rank?" biglang tanong ni Arien. Napatingin  ako kay Arien at sa mga nandito, dahil lahat sila sinabi ang rank samantalang ako hindi. "Ahm.." "Arien Fuentes. Hindi ko palalampasin ang ginawa mo kay Lhaica. Don't you dare to do that again. Lahat kayo, walang dapat mang b-bully kay Lhaica. Naiintindihan niyo? Dahil kaya kong labagin ang rules, huwag lang siyang masaktan dito. Lalo ka na Arien," seryosong sabi ni Rhaine. "Rhainezza," sabi ni Prof. Raizel. "I just don't want her to get bullied. I hope you will understand," seryosong sabi ni Rhaine. Umupo si Rhaine sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Naramdam ko ang pagpipigil niya ng galit. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni Prof Raizel. Habang nakatingin sa amin ni Rhaine.       CHARISSE'S POV "Ate!" Naibaba ko ang paa ko na nakapatong sa mesa ko. Umayos ako nang upo. Tumingin ako sa pumasok na parang iwan. Walang iba kundi ang kapatid kong mahadera. "Ate!" "Oh? Bakit?" sagot ko sa kanya. "Look ate, bakit kailangang isama pa si Lhaica sa ESGA? Hindi siya pwedi roon, gangster lahat nang naroon at alam mo iyan!" sabi niya. I sighed. Tiningnan ko nang seryoso ang kapatid ko. For the past years, she change a lot. Kung dati hindi siya makulit ngayon lumala. Nahawaan siguro sa kapatid ni Enrill na parang babae kong magdaldal. Isa pa,  napansin ko mas nagmature na siya. Kaso laging nasasangkot sa gulo dito. Ito lang ata ang school president, na laging nasasangkot sa gulo. Hays! "Ate! Ano ba, tititigan mo na lang ba ako?" naiirita niya pang sabi. I rolled my eyes. Kapatid ko nga talaga ito, manang-mana sa akin. "Well, it's an order. So, you don't need to complain," I said. "Then who?" Tsk! "JAsmine," sabi ko. Nang masabi ko ang pangalan ni Jasmine, bigla siyang napaupo  sa upuan. I smirked. "Tawagan mo siya at sabihin mo ang kailangan mo," nakangiti kong sabi. Nasisiguro ko naman hindi niya iyon kailanman gagawin. Takot 'yan kay Jasmine eh! "Huwag na, tsk! Diyan ka na nga," paalam niya. NAkita ko ang inis niya. Masarap   asarin ang babaeng ito. Alam ko rin kung bakit iniiwasan niya si Jasmine. Noong huling nag usap sila at nag complaine siya, 'yong tungkol sa pagiging School President. Ayaw niya kasing maging President, kaya sinabi ni Jasmine na aalisin siya sa rank niya at mawawala siya sa pagiging mafia heiress. Kaya ayon napapayag rin siya at wala na siyang magagawa pa doon. "Jasmine told me, it's for Lhaica's Safety," sabi ko. Huminto  siya bigla sa paglalakad at tumingin sa akin. Nagtatanong ang mga mata niya na nakatingin sa akin. "Kaya niya isinama si Lhaica sa ESGA ay dahil naroon kayo na magp-proteka sa kanya. Dahil kung mag isa siya, malalaman niyo ba agad ang nangyayari sa kanya?" sabi ko. Nakita  ko ang pag iba nang reaksyon niya. Kapag safety ni Lhaica ang pinag uusapan, nanlalambot siya. She's also a kidnap  victim, just like Lhaica before. Mas malala nga lang ang nangyari kay Lhaica, kaya nangako siya na kahit anong mangyari poprotektahan niya si Lhaica at hindi kailanman masasaktan. "Lhaica is weak, and we have a lot of enemies. Ayaw ni Jasmine na gamitin si Lhaica laban sa kanya kung sakali. Kaya siya pinabalik dito ay dahil may mga taong  balak na kunin siya laban sa kanya. Kaya dahil kayo; ikaw  ay nandito, mapo-protektahan niyo  si Lhaica," sabi ko. I saw sadness in her eyes at tumango. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Kaibigan niya si  Lhaica, kaya ganoon ang nararamdaman niya. "No one can harm her," mariin niyang sabi. Nagpaalam na siyang umalis. Napangiti ako nang makalabas na siya. But after a while, I'm became serious. Hindi ko masabi sa kanya na kailangan din nilang mag ingat. She's one of the mafia heiress. They are 4 mafia heiress and Heir. Si Jayree, Ethan, Rhaine and Jhasselle. Speaking of her., I don't have a any news about her. All I know she's in Germany. Napatingin ako sa phone ko nang may tumatawag. Inabot ko iyon at tiningnan ang Caller. Jasmine. I smiled. It's been a years, since I last saw her. Even if we are always calling and talk at phone. But all I can say, she's now more different and Strong. "Hello Bes---" "After 3 weeks, I'll be home. So I need you to prepared. Ipapakilala ko ang mga Heir," agad niyang sabi kaya hindi ako nakapagsalita. "Oh, okay," tanging tugon ko. Napalunok ako. Maging boses niya parang mas lalong naging mesteryosa. "Tres is alive, so be careful," she said, before she hang up. Huh? Tres? Hmm pamilyar! Wait! Tres? Iyon ba 'yong nabanggit ni kuya Rain noon, na kasamahan niya sa grupo nila Annicka. That Tres is inlove to Annicka, but Annicka didn't. Ay s**t! Ano ba itong sinasabi ko, pero kung buhay siya posible kayang maghihigante siya? Ilang taon na rin ang lumipas, simula nang mangyari ang lahat nang iyon. Ang pagkidnap sa mga kapatid namin, maging magulang namin. Ang pagbabalik ni kuya Rain, na akala naming lahat ay patay na. Ang pagkamatay ni Annicka, na siyang ital nang lahat na nangyari sa amin. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko masisisi si Tres, kung maghihigante siya. Ngunit sana maisip rin niya na may Mali silang nagawa, kaya nawala sa kanila ang mahal nila sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD