Chapter 8

2260 Words
         LHAICA'S POV Habang binabaybay ko ang daan patungo sa Montero Academy. Hindi pa rin nawala sa isip ko ang mga nangyari kagabi, sa pagitan namin ni Jayree at sa sinabi ni Rhaine sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako. Mayamaya ay nagulat ako, nang tila may pumutok sa likod na siyang ikinahinto ng kotse ko. Muntik ko pang hindi makontrol ito. Lumabas ako at tiningnan ang likod. Nakita kong flat ang gulong ng kotse. "Naku naman," sambit ko. Napakamot ako sa batok at muli itong tiningnan. Hindi pa naman ako marunong mag ayos nito. Pumasok ako sa kotse at kinuha ang phone ko saka ko tinawagan si Rhaine. "Aissh! wala pala akong load!" Napabuntong-hininga na lang ako. Kinuha  ko bag ko, saka nilock ko ang kotse. Malapit na naman ito sa academy, kaya lalakarin ko na lang at doon na ako makikitawag para kunin ang kotse ko. Nagsimula akong maglakad. Mabuti na lang hindi ako naka-hells kung hindi naku, iwan ko na lang. BEEP BEEP! Napalingon ako sa likod nang may bumusina. Nakita ko ang isang kotse na dahan-dahang huminto sa tabi ko. Bumukas ang bintana nito at nakita ko ang isang lalaki. "Ahh hai miss, I just want to ask something? Is this the way to Montero academy?"tanong niya. "Ah yes, " sagot ko. Ngumiti sya. "Thank you, pero bakit naglalakad ka? Saiyo ba iyong kotse na naroon?"sabi niya at tumingin siya sa likod. Alanganing ngumiti ako sa kanya. "Oo eh, na flat iyong gulong," sabi ko na lang. "Ah ganon ba? Saan ka ba pupunta?" tanong niya. MAsyado ata siyang matanong. "Sa academy," tugon ko. "Oh? Ayos sumabay ka na lang nang malaman ko rin iyon. Pareho pala tayo nang pupuntahan eh," sabi niya at binuksan  ang pinto sa front set. Nag alangan ako bigla. "Huwag kang mag alala, wala akong masamang balak.  I just want to give you a ride. In fact, you're one of the students of Montero Academy. I know what kind of school is that," nakangiti niyang sabi. Napaisip ako saglit. Tumango  na lang ako at sumakay. Kaya pinaandar na niya ang kotse niya. "Gangster ka ba?" mayamaya ay tanong niya. Umiwas ako nang tingin at umiling. "Seriously? Hindi ka gangster?" gulat niya pang sabi. "Yeah, hindi naman lahat na nag aaral doon ay gangster. Mayroon ding katulad ko na hindi at isa pa doon ako pinaaral ng ate ko. Isa sila sa Mafia coucil, kaya may kapit ako doon," sabi ko sa kanya. ''Woaah talaga? Astig yon ah, pero for sure may kaibigan ka ring gangster," natutuwa niyang sabi. Ngumiti lang ako sa kanya. Pwedi ko na siyang ikompara kay Ethhan, pareho silang maingaym "Ahh, oo mayroon," sagot ko. "Hanip! Ahm pwedi magtanong?" "Kanina ka pa nagtatanong," nakangiti kong sabi. Iba rin siya ah. "Ay oonga pala hahaha pasensya na!Will, kilala mo ba si Jhasselle Montero?" tanong niya. Nabigla ako nang marinig ang pangalan na iyon. Bakit naman niya nagtanong iyon? Napatingin ako sa kanya at dahan-dahang tumango. "Woah talaga? Kilala mo ang babaeng mahal ko? " Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya. Babaeng mahal niya? Seryoso ba siya? "Mahal mo? Ibig sabihin boyfriend ka ni Jhasselle?" nagugulat kong sabi. Ang lalaking ito? Boyfriend nga ba siya ni Jhasselle? Hindi ako makapaniwa! Mayamaya ay tumawa siya bigla. "Hahaha! Nililigawan ko siya, almost 2 years na pero naku pahirapan eh. Masyado siyang cold, kasing-lamig ng ice. Binibilang ko nga ang bawat ngiti at tawa niya. Masyadong seryoso, parang nakakatakot tingnan pero dahil mahal ko siya. Hindi ako susuko, susuyuin ko siya hangga't kaya ko. Wala eh, nabihag niya ang puso ko kaya hinahanap siya," sabi niya. NApaiwas ako nang tingin. Tila naalala ko sa kanya si Jayree. Ganyan si Jayree noon, pero ngayon ibang-iba na siya. Natahimik ako sa sinabi niya. "Natahimik ka ata? Nakakagulat ba?" sabi niya habang napapakamot sa batok. Umiling lang ako. "May naalala lang kasi ako, katulad mo ring magsalita. Ganyan  siya noon, lagi niyang sinasabi na mahal niya ako pero ngayon nagbago na siya," sabi ko at tumingin sa labas. Natahimik kami sandali saka ulit siya nagsalita. "Alam mo, kung mahal ka ng isang tao noon. Masasabi mo mang nagbago na siya. Hindi mo pa rin masasabi na pati puso niya nagbago na rin," narinig kong sabi niya Napatingin ako sa kanya. "For sure mahal ka pa noon, kaya huwag ka nang malungkot hindi bagay saiyo," nakangiti niyang sabi. Napailing ako at napangiti. Nakakahawa kasi ang ngiti niya. ''Oh ayan ngumiti ka na, mas maganda ka pag nakangiti," muling sabi niya. Inirapan ko na lang siya. Napansin kong huminto ang kotse niya. Nasa malaking gate na pala kami. Hinarang kami ng guard. May kinuha siyang subre at binigay sa guard. Nasulyapan ako ng guard. "Maam, kaibigan niyo po ba ito? " tanong sa akin ng Guard. Napatingin ako sa lalaking kasama ko. Actually hindi ko alam, ngayon ko lang siya nakilala eh at di ko pa alam pangalan niya. "Oo kaibigan niya ako. Isa pa nasiraan siya, naroon ang kotse niya sa di kalayuan sinabay ko na lang siya," sabi niya. "Ah okay, ipapakuha ko na lang iyon ma'am," sabi ng Guard sa akin Ngumiti na lang ako. Binuksan niya ang malaking gate gamit ang code. Pumasok na kami sa loob. "Kilala ka pala?" tanong niya. "Ahh oo," sagot ko. Nakarating kami sa parking lot. Binuksan ko na ang  kotse saka ko bumaba. Nakita kong bumaba siya. "Salamat nga pala. Ahm, alam mo ba kung saan ang dean's office?" tanong niya. "Ahh oo, tara samahan na lang kita," sabi ko. Tumango siya. Nagsimula na kaming naglakad. "Malaki pala ang school niyo," sabi niya. "Oo," sagot ko naman. "Oonga pala, kanina pa tayo nag uusap pero di ko pa alam pangalan mo. By the way, I'm Andre De la Cruz, so you are?" pakilala niya. "I'm Ellhaica Reyes, Lhaica for short," pakilala ko naman sa kanya. "Hmmm pamilyar ang name mo. Kaano-ano mo si Jhasselle?" sabi niya. "K-Kaibigan ko siya," alanganing sabi ko. "Woah? For sure, ikaw iyong nakita kong babae sa picture niya. Actually tatlo kayo no'n eh, nakalimutan ko lang ang name. Grabe mas maganda ka pala sa personal," nakangiti niyang sabi sa akin. Napailing na lang ako sa kadaldalan niya. Grabe siya. Panay siya kwento about kay Jhasselle. Kaya nakikinig lang ako sa kanya, mabuti pa siya nakikita at makasama niya si Jhasselle. "Hey, my loves! " Nabigla ako nang may umakbay sa akin. Kaya napahinto kami ni Andre. Napatingin ako sa umakbay sa akin. Si Ethan. Nakita ko ang mga kaibigan niya maging si Jayree, na seryosong nakatingin sa akin at kay Andre. "Sino ito mahal? Ipinagpalit mo na ba ako?" sabi sa akin ni Ethan. Nagugulat naman ako sa sinasabi niya at bahagyang tumingin kay Andre na nabigla rin tulad ko. "A-ah eh, a-ano ka ba Ethan," alanganing sabi ko. "Sus, aminin mo? Syota mo 'yan no?" pangungulit niya. "Of course not, he's  Andre a new student,"sabi ko. "Ohh, so kaibigan mo?" tanong naman ni Ivan. "Ahm, w-we  just meet each other earlier. Nalaman ko lang na dito siya papasok, kaya nagkasabay kami," paliwanag ko at hindi ko kung bakit ko pa kailangang magpaliwanag sa kanila. Tumango lang sila. "Sige, sasamahan ko muna siya sa deans office," paalam ko at iniwan sila. Nagsimula na kaming maglakad. "Sige, ingat siya," narinig kong sabi ni Ethan. Muli akong napatingin kina ethan dahil sa sinabi  niya. Kumaway lang siya. Anong ibig sabihin niya doon sa sinabi niyang 'Ingat siya' sinong tinutukoy niya? "Grabe! Akala ko boyfriend mo iyon, nagulat tuloy ako haha!" natatawa niyang sabi. Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi, kaibigan ko lang siya," sabi ko. Napahinto ako nang humarap siya sa akin at nakita kong nakalagay sa ilalim ng baba ang kamay niya na tila nag iisip. "Di ba sabi mo kanina may naalala ka sa akin, na lalaking nagmahal  saiyo na nagbago na? Imposible naman kung yong lalaking umakbay saiyo kanina ang tinutukoy mo," sabi niya. Natigilan ako. Hindi ko maiwasang kabahan. "Siguro iyong lalaki kanina na seryosong nakatingin sa atin, siya 'yong tinutukoy mo no?" aniya. Umiwas ako nang tingin sa kanya at nagsimulang maglakad. "Malapit na tayo sa deans office, kaya bilisan natin," pag iwas ko sa sinabi niya. Sumunod naman siya sa akin at nakita ko kung paano niya ako tingnan. Nang aasar ang tingin niya. "Siya iyon di ba? Kasi sabi mo, na nagbago na siya. Alam mo bang ang sama nang tingin niya sa akin? Hahaha lalaki ako, kaya alam ko kung kailan nagseselos ang isang lalaki," tumatawa niyang sabi. Huminto ako at hinarap siya. I sighed. "Look Andre, Oo siya 'yun pero sana maintidihan mo na ayokong pinag uusapan 'yon. Please," sabi ko. Napatitig siya sa akin. Mayamaya ngumiti siya at pinisil niya ang pisngi ko. "Ang pangit  mo kapag malungkot ka pero okay copy  that. Basta friend na kita," nakangiti niyang sabi. Napailing ako at napangiti. "Okay," sabi ko at naglakad ulit. Nagsimula na naman siyang magdaldal. Para siyang kakambal ni Ethan. Mayamaya nagsimula na naman siyang magkwento, about kay Jhasselle kaya di ko maiwasang magtanong. "Di ba sabi mo, kaya ka nandito eh dahil kay Jhasselle ?N-nandito ba siya?" tanong ko. "Ahh wala pa. Nauna lang akong nanditoz gusto ko kasi siyang surpresahin eh hahaha! Ang sarap pa naman niyang asarin. Sa pagkakaalam ko next week siya pupunta dito," sabi niya. Napatango na lang ako.Darating na si Jhasselle. Sana siya pa rin iyong kilala kong kaibigan ko. "Nandito na tayo. Pumasok ka na lang, kailangan ko ng pumunta sa room ko. Baka naghihintay na sa akin si Rhaine, mauna na ako,"paalam ko. "Sige Lhaica, thank you! See you around,'' sabi niya. Tumango ako at tumalikod na sa kanya. Malamang magnagngawa na si Rhaine, kung bakit wala pa ako.       "Ellhaica Reyes! " Gulat akong napatingin sa tumawag sa akin. Nakita ko si Rhaine na nakasandal sa pinto. Seryoso  siyang nakatingin sa akin. Sinasabi ko na nga ba eh? "Saan ka galing at ang tagal mo? You're almost 20 minutes late,"sabi niya. "Ahmm, na-flat kasi iyong gulong ng kotse ko, kaya natagalan ako," sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin. "Liar! Sino 'yong kasama mong lalaki? Kitang-kita ko kayo kanina mula rito, na magkasamang naglalakad at parang close kayo so, who is he? " tanong niya. NApaawang ang bibig ko. Nakita niya kami? Ano bang mayroon sa mata niya at maraming nakikita. "Ehhh, nakilala ko nga lang siya kanina at sinamahan ko siyang pumunta sa deans office at 'yun iniwan ko na siya," paliwanag ko. Naningkit ang mata niya at sinuri kong nagsisinungaling na ako. "Talaga?" "Oo.." "Okay lets go.." Hinila na niya ako papasok sa room namin. Umupo kaming dalawa. Napatingin ako sa paligid nang mapansing nakatingin sila. Umiwas ang mga ito nang tingin. Napapailing na lang ako. "Anong pangalan niya?" narinig kong tanong niya. "Ha?" Bumaling siya sa akin. "No'ng guy.." Ohhh! "Andre, iwan medyo hindi ako sigurado kung iyon nga ba ang pangalan niya," sabi ko. Ano nga ba yon? Nakalimutan ko na agad ang pangalan niya. Umismid siya sa akin. "Kasama mo mula sa kalsada hanggang doon sa deans office, tapos hindi mo alam ang pangalan niya? Naku, sinasabi  ko saiyo huwag ka agad magtitiwala sa isang tao. Okay, Lhaica?" sabi niya. Wala sa sariling napatango ako. Tumango din siya at seryosong nakatingin sa phone niya sumilip ako. "Goodmorning Class!" Nailayo ko ang sarili ko sa gulat, nang pumasok na ang professor namin. Napalunok ako ng makita ang matapang niyang mukha. Nakataas pa ang kilay niya habang seryosong nakatingin sa paligid. Nadapo ang mata niya sa kinaroroonan namin. Siniko ko si Rhaine. "Ms.Rhainezza Alvarez!" "Ah yes? Mrs. Agace?" sabi ni Rhaine. Nakita ko kung paano mangunot  ang noo niya, habang nakatingin kay Rhaine. Mukhang asar na asar siya dito sa katabi ko. "Where did you go yesterday? Hinahanap ka namin, kaya tuloy hindi mo alam na magkakahiwalay na kayo ngayon sa mga classmate niyo. Ihihiwalay na ang elite  students Gangsters. Mahahati ito sa tatlo; elite Student Gangster  A (ESGA), ESB, and ESC," sabi ni Mrs. Agace. Natigilan ako, maging si Rhaine na napatingin agad kay Mrs.Agace, pero ano iyon? Ihihiwalay ang elite students gangster? "Bakit hindi sinabi sa akin?" nagugulat na sabi ni Rhaine. "Wala ka, kaya paano mo malalaman? Okay, ngayon sasabihin ko kung sino ang limang mapupunta sa elite students sa kabilang building. Mr. Arnold Crus, Emiliy Sanchez, you are the ESGC. Gabby Gamboa sa ESGB ka, and Ms..," Napahinto siya at tumingin sa side namin ni Rhaine. Napapikit ako. Sana hindi ako kasali, hindi ko kayang pakisamahan ang mga gangsters. Sa tingin ko kasi gangsters lahat ang nandoon. "Ms.Rhainezza Alvarez and, Ellhaica Reyes your a ESGA," sabi niya. Napadilat ako nang marinig ko ang pangalan ko. Hindi ko maiwasang kabahan. Bakit ako kasama? Hindi naman ako gangster. Napatingin ako kay Rhaine na tumayo, kaya napatayo ako. "Wait, B-Bakit kasali ako? H-Hindi naman ako gangster, " I protest. Lahat sila napatingin sa akin, maging si Rhaine na nabigla sa sinabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na palabas. Nang makalabas at nakalayo kami saka niya ako binitiwan. "Hindi mo dapat sinabi na hindi ka gangster," seryoso niyang sabi. "Eh hindi naman talaga di ba?"sabi ko. "Pwedi ba bawasan mo ang pagiging honest mo. Mapapahamak ka niyan eh. Lahat na nag aaral dito gangster, may mga koneksyon. Kaya dapat hindi ka na lang nagsalita nang ganoon. Hays! Tara na nga," sabi niya. Hinila na niya ako. Mas lalo akong naguluhan. Akala ko ba, okay lang kahit hindi gangster? Ano bang mayroon? Bakit ganoon ang mga sinasabi sa akin ni Rhaine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD