LHAICA'S POV
Biglang may umagaw ng beer, na hawak ko at pinalitan ng isang parang juice na may nakalagay na lemon sa gilid nito. Napatingin ako sa naglagay nito at bahagyang natigilan.
"It's a ladies drink. Hindi iyan nakakalasing," sabi niya.
Kumabog na naman ang dibdib ko, nang umupo siya paharap sa akin. Umiwas ako nang tingin at ininum ang binigay niya. Napapikit pa ako sa kakaibang lasa nang inumin na iyon.
"Oh? Akala ko sumayaw kayong dalawa," sabi ni Ivan.
Nakabalik na sila maging sina Rhaine. Umupo malapit sa akin si Rhaine na parang badtrip at naiinis na tumingin kay Ethan.
"Hoy Ethan ah! Ayus-ayusin mo baka masapak kita diyan!" naiinis na sabi ni Rhaine kay Ethan.
Bahagyang tumawa si Ethan dahil sa sinabi ni Rhaine.
"Ulan relax! hahaha don't worry, sa ating dalawa lang 'yon," sabi nito at bahagya pang kumindat kay Rhaine. Samantalang umirap lang ito sa kanya
"Oh dud? Dumikit ata ang pabango ni Lhaica saiyo ah?" pansin ni Ivan kay Jayree. Kaya natigilan ako at napatingin sa kanila. Nakita kong sinamaan ni Jayree nang tingin si ivan.
"Shut up," sabi ni Jayree sa kanya.
Tinaas ni Ivan ang dalawa niyang kamay at bahagyang natawa sa naging reaksyon ni Jayree.
"Chill haha!"
"Are you okay, Lhaica?" tanong bigla ni Rhaine sa akin.
Kaya natigilan ulit ako at napatingin sa kanya
"M-Medyo nahilo lang ako," sabi ko.
"What? Bakit, anong nararamdaman mo? Ayos lang ba ang paghinga mo? " nag aalala niyang sabi
Napalakas ang boses ni Rhaine, kaya napalingon ang kasama namin sa amin.
"Hoy, ano?" nag aalalang sabi niya ulit.
"Rhaine ano ka ba, dahil lang ito sa ininum ko kanina kaya medyo nahihilo ako. Hindi kasi ako sanay na umiinom," sabi ko.
Nasapo niya ang noo niya at bumaling kay Ivan.
"Ivan, ano ba binigay mong drinks kay Lhaica?" sabi ni Rhaine dito
"Ahh tulad nang drinks mo, bakit?" nagtataka pang tanong nito.
"Aissh! Dapat ladies drink ang binigay mo. Oh, mayroon ka na pala eh!" sabi ni Rhaine. Nakita niya ang hawak ko.
"Ahm bigay iyan ni J-Jayree," sabi ko at bahagyang tumingin ako kay Jayree, na umiwas nang tingin sa akin.
"Ahhh okay," tanging sabi niya.
Hindi na siya nagtanong pa, pero alam ko na magtatanong ulit iyan pagkami na lang dalawa. Kilala ko siya noon pa, kapag hindi kuntento sa sinabi ko ay magtatanong ulit. Lalo na ngayon na bahagya siyang tumingin kay Jayree at kapag titingin siya sa akin ay umiiwas din ako. Kaya nasisiguro akong nakakahalata na siya. Ang bilis pa naman nitong makaramdam agad.
"Magsabi ka nga nang totoo Lhaica, anong nangyari saiyo kanina? Napansin kong namumula pa ang mga mata mo, na tila kakaiyak lang mo lang," tanong ni Rhaine.
Nagmamaneho na siya pauwi at hindi ako nga nagkamali, nagtatanong na nga siya. Hindi agad ako nakasagot kaya napansin kong inihinto niya ang kotse.
"Bes, kilala kita alam kong may nangyari kanina sabihin mo sa akin," nag aalala niyang sabi sa akin.
Napayuko at hindi ko napigilang maging emtional. Naalala ko ang mga sandaling una ko siyang nakita ulit.
"Noong nakita ko siya kanina sa school, inaasahan ko nang makita at makaharap siya. Inaamin kong siya pa rin ang mahal ko, Rhaine. Ngunit hindi ko inaasahan ang sinabi niya kanina sa akin, na namiss niya ako, na ako pa rin ang mahal niya," umiiyak kong sabi sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko at niyakap ako. Siya ang unang nakaalam na gusto ko si Jayree. Noong una ayaw ko sa ugali ni Jayree, na masyadong makulit pero hinahanap ko naman lagi, hanggang sa nagustuhan ko na sya. Hanggang sa nag highschool kami, lagi kaming magkasama every weekend. At dahil sa girls school ako nag aaral, hindi agad siya nakakapasok. Kaya lagi siyang nagpapadala ng bulaklak sa akin at doon unti-unting minahal ko sya nang palihim.
"Lhaica, alam ko hanggang ngayon may pumipigil pa rin saiyo pero kasi Lhaica, mahal nyo ni jayree ang isat-isa. Kaya bakit ayaw mong pagbigyan ang puso mo, na ipadama sa kanya na mahal mo siya," sabi niya.
Napailing ako. Oo, may pumipigil sa akin. Nalilito ako. Nahahati ang isip ko. Kung pwedi ko lang pagbigyan ang sarili ko ay ginawa ko na.
"Dahil pa rin ba kay Jhasselle?"
Hindi ako sumagot dahil alam naman niya dahilan. Oo. Nahahati ang isip ko, kung ano ang dapat kong pairalin. Pagkakaibigan ba o ang pagmamahal ko kay Jayree. Simula nang malaman kong nagugustuhan rin ni Jhasselle si Jayree, ay pinigilan ko ang sarili ko na huwag sabihin dito ang nararamdaman ko. Gusto kong pagbigyan si Jhasselle dahil kaibigan ko rin siya. Nagparaya ako, kahit na subra din akong nasaktan noon.
"Don't think to much Lhaica. Alalahanin mo ang puso mo, pero ito lang masasabi ko; maging matatag ka at lumaban. Kung mahal ka ng taong mahal mo at kaya ka niyang ipaglaban. Huwag mo nang hayaang tuluyang mawala ang taong 'yon, Okay?" sabi niya
Hindi ako nagsalita. Muli niyang pinaandar ang kotse at tahimik kaming nakaharating sa harap ng mansion namin.
"Hindi na ako papasok. Magkita na lang tayo bukas," paalam niya sa akin.
"Salamat Rhaine, mag ingat ka," sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya at tumango. Bumaba na ako sa kotse. Papasok na sana ako sa gate nang tawagin niya ako.
"Kung dati hindi siya nagsawa na suyuin ka, mula ng makilala ka niya. Mas lalo na ngayon, kaya huwag kang mag alala mahal ka niya. Kahit ganoon siya, ikaw lang 'yong hnihintay niya. Kaya sana huwag mo siyang pagsarahan diyan sa puso mo. Sige, goodnight.."
Napako ako sa kinatatayuan ko habang paulit-ulit sa isip ko ang mga sinabi ni Rhaine. Pinagsasarhan ko nga ba si Jayree? Dapat ko na bang pagbigyan ang nararamdaman ko?
"Mom Lhaica?"
Natauhan ako nang may nagsalita. Ang guard namin.
"Ahh g-goodnight Mang robert, pasara na lang ng gate," sabi ko na lang at pumasok na sa loob.
Nakahiga na ako sa kwarto ko, habang inaalala ang mga nangyari.
Hays! Parang ang daming nangyari sa araw na ito. Kaya naman ilang minuto pa ay nakatulog na ako.
RHAINEZZA'S POV
"Where have you been?"
Napalingon ako sa nagsalita. Napataas ang kilay ko. Ganoon din siya. Napatingin ako sa dalawang lalaking katabi niya na nakadikwatro pa.
"Oh? Is this a siblings reunion? " nakangisi kong sabi. Napamewang akong humarap sa kanila.
Ngumiti sina kuya sa akin. Akalain mo nga namang nandito ang kambal kong kuya at mahadera kong sister.
"Is that so? How's our sisters doing? " tanong ni Kuya reese.
"Hmm, it's fine. Uhm, let's talk tomorrow my brothers and sister. I'm a little bit tipsy, so I need to sleep," sabi ko sa kanila.
"Go ahead rhatine," sabi kuya Rain.
I nodded.
"Be ready Rhaine, for being mafia heiress goodnight," narinig kong sabi ni ate.
Natigilan ako pero nagpatuloy pa rin sa paglakad. Pumasok ako sa kwarto at nahiga agad. Gosssh! Napahawak ako sa ulo ko at nagpagulong-gulong sa kama.
'Kring, kring, Kring! '
Napabangon ako sa kama at kinuha ko ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag.
I rolled my eyes. He already have my number. Kinuha niya kasi ang phone number ko kanina at siya pa ang nag save ng number niya sa phone ko. Oh di ba? Feeling close talaga!
"What?"
"Wala bang 'hello' diyan, 'what' agad? " sabi niya.
I rolled my eyes.
"Tsss, bakit ka ba tumatawag," inis kong sabi at humiga.
"Hmm, nakauwi ka na?"
"Uhmm, yeah," sagot ko.
"Huwag ka munang matulog ah," sabi niya.
Napadilat ako.
"Bakit na naman?"
"Hindi pa kasi ako makatulog, kaya tinawagan kita," sabi niya.
"At guguluhin? Tsss, umayos ka nga Ethan. Maraming call girl diyan doon ka tumawag," sabi ko.
"But I love talking too you.."
Napakunot ang noo ko.
"Inaasar mo talaga ako ah?"
"Hmmm maybe?"
Naikot ko ang mata ko at tumayo sa kama.
"Ethan," seryoso kong sabi
"Yes my queen?" tugon niya.
"Aissh, huwag mo nga akong tawaging queen! Ahm, may itatanong ako saiyo," sabi ko.
"50,000 every questions," sabi niya na inaasar talaga.
"What the! Ethan, I'm serious," inis kong sabi.
Hinubad ko ang suot ko at naglakad papunta sa walk'n'Closet. Namili ako ng nighties. Napansin kong tumahimik siya.
"Hoy, Ethan! Ano, may itatanong nga ako, okay lang ba?" muli kong sabi.
"Later, see you tomorrow Goodnight!" paalam niya at agad pinatay ang tawag ko
Napataas ang kilay ko at napatingin sa phone. Anyari sa lalaking iyon?Kahit kailan parang temang talaga. Kung kailan tayo seryoso, ayaw akong kausapin. Tsk!
'Beep'
Muli kong tiningnan ang phone ko, nakita kong may message mula sa kanya kaya binasa ko iyon.
Ethan:
I don't want to know your questions. Nor, I can't answer. Just let me.
Mas lalo akong naguluhan. Ano ba ang sinasabi niya? Hays! Sinuot ko na ang damit at humiga sa kama. Lowbat na talaga ako kaya matutulog na ako. Medyo naparami ang inum ko kaya gusto ko na talagang matulog.
KINABUKASAN..
Matapos kong maligo, magbihis at mag ayos ay bumaba na ako. Mahirap na, nandito pa naman sina ate at kuya.
Pababa na ko sa hagdan, nang biglang...
"Hey, my Queen!"
Muntik na akong matapilok, nang marinig ko ang pamilyar na boses. Mabuti na lang napahawak ako sa gilid. Tumingin ako sa sala. Sinamaan ko sya nang tingin. Hanggang sa tuluyan na akong nakababa. Ano bang ginagawa nang lalaking ito dito?
"What are you doing here? " naiinis kong sabi sa kanya.
"Sinusundo ka, sabay tayong papasok," nakangiti niyang sabi.
"I have a car," sabi ko. Naglakad ako patungo sa dinning area.
"Sina ate, mom?" tanong ko ng makitang wala sina ate at kuya.
"Hmmm, maaga sila umalis may importante atang pupuntahan. Alam mo naman ang mga iyon, sige na kumain ka na," sabi ni mommy.
Tsk! Hindi man lang nagpaalam sa napakaganda nilang kapatid!
"Hai tita, tito goodmorning!" bati pa ni Ethan. Sumunod pala sa akin.
"Dad? Bakit ito nakapasok dito?" tanong ko sa kanila.
''Sabi niya sabay kayo, kaya nandito siya," natatakang sabi ni mommy at napatingin kay Ethan.
Sinamaan ko nang tingin si Ethan, na agad umupo at kumuha ng pagkain. Kahit kailan ang kapal nang mukha niya. Ang sabihin niya ay makikikain lang siya dito.
"Tssss kahit kailan hindi ako nagpapasundo diyan. Hoy! Ethan mahiya ka nga? Gusto mo lang ata mag almusal dito kaya ka maagang nandito," sabi ko sa kanya.
Kumuha ako ng pancake at kumain with coffee.
"Hmmm," tumango-tango siya. Syempre puno 'yong bibig niya. Akala mo isang taong hindi nakakain dahil sa gutom.
Masyadong P.G(Patay-Gutom)
After naming mag almusal umalis na kami ni Ethan at dahil sinundo niya ako siya ang driver. Lakas ng trip nito, kumakanta pa.
"Hoy, Ethan may itatanong ako," sabi ko bigla.
Hindi niya ako pinansin. Huminto lang siya sa pagkanta.
"Hey! I want to ask you something," pangungulit ko sa kanya.
"I can't answer your question," seryoso niyang sabi sa akin.
Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Umiwas na lang ako dahil sa masyado siyang seryoso.
Gusto ko lang sanang itanong kung..lalaki ba talaga siya, bading kasi!
Pero seryoso, gusto ko sanang itanong kung kailan siya titigil sa ginagawa niya. Alam niya namang may boyfriend ako. Tapos ginaganito niya ako. Hindi gawain lang nang isang kaibigan, will scratch that 'kaibigan thingy'. We're not totally close. Ngunit, itong ginagawa niya ay hindi gawain nang kaibigan lang. Iba ang nakikita ko sa ginagawa niya at ayaw ko sa pakiramdam na iyon. Hindi ko alam kung kaya ko bang tanggapin kung ano ang pinapakita niya ngayon. Ayoko nang bumalik pa iyong dati kong nararamdaman.
Hays!