A week later.. LHAICA POV Pasimple kong pinagmamasdan ang paligid. Nararamdam ko na parang iniiwasan ako ng lahat. Dahil na rin sa tingin nila sa akin, na para bang takot silang madikit sa akin. Ngayon lang kasi ako nakabalik matapos mangyari iyong na hospital ako. Napahinto ako anng matanaw ko si Rhaine na kasama si Trina. Maging siya napahinto nang makita ako. Ramdam ko na gusto niyang lumapit sa akin, pero hindi niya magawa. Ngumiti lang siya sa akin saka nilampasan ako. Hindi ko alam kong kaya ko bang hindi makalapit kay Rhaine. Hays! Nagpatuloy na lang ako sa paglakad. Hindi ko pa nakikita sila Jayree o si Ethan, maging si Jhasselle. "Oh, nakapasok ka na pala?" Napatingin ako sa taong biglang humarang sa akin. Si Arien. Nandito na pala siya. Hindi ko siya pinansin at

