THIRD PERSON POV Napalingon si Jayree kay Lhaica, na tahimik lang habang nakaupo sila sa ilalim ng puno. Inihinto niya dito ang kotse, upang makalayo muna sila sa pagsubok na dumating sa kanilang dalawa. "Lhaica," tawag niya dito at hinawakan ang kamay. Hindi ito tumugon sa kanya. Kahit paghawak nito sa kamay niya ay hindi niti ginawa. Nakaramdam siya nang kakaiba dito. Para bang kakaiba ang aurang nararamdaman niya sa dalaga. "Lhaica?" muling tawag niya dito. "Ah?" baling nito sa kanya "Kanina pa kita tinatawag, ayos ka lang ba?" nagalala niyang sabi dito. "Ah ahm, pasensya na h-hindi kasi mawala sa isip ko, ang sinabi ni ate Jasmine," sabi nito. "Huwag mo munang isipin iyon. Ang importante magkasama tayo ngayon," nakangiti niyang sabi dito. Tumingin lang si Lhaica sa kanya at na

