RHAINEZZA POV Tahimik kaming nakarating sa bahay. Sumama na ako kay kuya na umuwi sa bahay para makapagpahinga ako, dahil subrang sakit ng ulo ko. I want to sleep. Hindi ko naman aakalaing sasama si ate sa amin at palihim akong tinitingnan nang masama. Nararamdaman kong pagagalitan niya ako sa ginawa ko, pero sa ngayon hindi ko muna iyon iniisip. Para na talagang binibiyak ang ulo ko. Naglakad na ako patungo sa hagdan, nang tawagin ako ni ate Charisse. "Rhaine, lets talk," sabi niya "Charisse, hayaan mo muna si Rhaine," boses ni kuya Reese. "Hayaan? Kuya, pumatay iyang kapatid natin. Isa pa, nakipagrelasyon pa siya kay Sarry na alam nating kilala bilang babaero," naramdaman ko ang inis sa sinabi ni ate Charisse. Napahilot ako sa ulo ko. Tsk, sumasakit na talaga. "Kaya ka nagl

