LHAICA POV Nakatitig ako kay Rhaine, habang sunod-sunod niyang ininom ang alak na nasa harap namin. Bigla na lang niya akong tinawagan na mag bar kami. Akala ko nga kami lang dalawa, 'yon pala kasama sina Ethan. Paniguradong may problema na naman ito. "Jayree, ganyan ba talaga si Rhaine noon pa?" bulong ko kay Jayree. Bumaling siya sa akin habang umiinom din. Ako ladies drink lang, ayaw niya ako painumin ng beer eh. "Oo kunting problema lang nag yayaya agad uminom. Actually si Ethan, lang naman ang lagi niyang niyaya. Ito namang si Ethan yayayain din kami, kaya heto ganito lagi," sabi ni Jayree. Napatango ako saka ako muling tumingin kay Rhaine, na seryosong umiinom. Minsan tinititigan niya iyong beer na hawak niya at ngingisi bigla na tila may naalala. "Kapag nakilala ko k

