JAYREE'S POV Makalipas ng dalawang araw sa mission na binigay sa amin, ay nakabalik na kami at sabay kaming pumasok nina Ethan. Madali lang naman iyong mission pero natagalan pa rin kami. "Hay sa wakas, na nakabalik na tayo sa Montero Academy," sabi ni Ethan. Mabilis akong naglakad. Kaya maging sila ay napapahabol sa akin, namiss ko na si Lhaica. Nakakamiss kasi talaga siya at hindi man lang tumawag sa akin. Bakit naman kasi hindi ako tinatawagan eh, hays! "Tsk! Bakit hindi sinasagot ni baby ang tawag ko," narinig kong sabi ni Ivan, habang nakatungo sa cellphone niya. Napatingin ako sa paligid, nang mapansing kong may kakaiba. "May nangyari kaya dito? Bakit parang may kakaiba," sabi ni Ethan. Mukhang napansin rin niya. Mabilis kaming naglakad apat, upang makapunta agad sa deans

