68. Chapter FRENZY POV Ang daming ganap sa araw ng pagbabalik ko sa Pilipinas. Dumalo ako sa isang event na lingid sa aking kaalaman ay binyag pala ng anak ko. Nang makita ko Miguel na tahimik na naka-upo malapit sa stage, parang gusto kong tumakbo palapit sa kanya at yakapin siya ng mahigpit. Miss na miss ko na si Miguel. Nagtama ang mga tingin namin at alam kong nasasabik na rin siya sa akin. Bago pa ako makahakbang palapit sa kanya, biglang bumukas ang spotlight at tumutok sa sentrong stage. Naroon si Yvonne at may buhat na baby girl. Tumibok ng mabilis ang puso ko nang makita ang baby na iyon. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili. Sigurado akong si Anne iyon. Anak ko ang baby na buhat buhat niya! “Roxanne! Akin ang baby na yan! Ibalik mo ang anak ko!” Hindi na ako nag-isip n

