69. Chapter MIGUEL POV Sinagad na ni Yvonne ang pasensya ko. Lalo pa nang marinig ko ang sinabi niya noong tinawagan niya ako sa cellphone. Miggy my loves, nasa akin ang baby natin. Ilalayo ko na siya ha. Bahala ka kung saan mo kami hahanapin o kung mahahanap mo pa ng buhay si baby— Wala na akong pagtitimpi na natitira pa para sa kanila ni Yves. Hindi lang namin maibuhos ni Tom ang lahat lahat dahil hawak ni Yves si Frenzy. Ngayon nasa tabi ko na ang mahal ko, hindi na ako mangingilag pa. I will fight man to man, till my last strength, cent, and brain cell. Ito ang huling baraha na naiisip ko. “Yvonne, alas otso ng umaga bukas, dumalo kayo ni Yves, Donya Espe sa executive meeting sa Villoria Corp.” “I’m not sure kung darating si Yves, kilala mo naman ‘yun.” “All right, hahayaan

